8

11 0 0
                                    

Mackenzie's POV

Pagkalabas namin sa classroom ay naghihintay na sila Claire sa labas.

Ano meron?

Hinahanap ko si Kai pero wala naman siya.

"Nasa practice pa si Kai," sabi sa akin ni Claire at tumango naman ako.

"Anong oras daw tapos?" tanong ko sa kanya. My phone's dead. I can't check.

"Tapos na rin sila ni Suzy by now. Baka papunta na rin sila here," sagot niya at tumango ako.

"Ano meron? Bakit niyo kami hinintay?" tanong ni Jay sa kanila.

"Wala. Gusto kasi namin mamili for Halloween, kung gusto niyo sumama," sabi ni Claire at nagkatinginan kami.

"Free naman kami," sagot namin sa kanila.

"What are you talking about?" biglang sulpot ni Kai sa likod ko tumatalon naman akong humarap sa kanya.

"My baby love!" masigla kong sabi at nakitalon naman siya sa akin at niyakap ako at nagtatalon kami.

"Tara! Mall na!" Yaya nila at pumunta na kami ng parking.

These days, palaging nagagamit ang sasakyan ko dahil si Kai ang nagmamaneho. Sa unit na rin kasi siya natutulog palagi simula nung umuwi kami galing Baguio.

"Pasama ako sa inyo, puno na sila Claire," sabi ni Suzy at tumango naman ako.

Pag-click ni Kai ng susi para ma-unlock ang sasakyan ay agad akong tinabig ni Suzy.

"Shotgun!" Sigaw niya at nanakbo papunta sa passenger's seat ng sasakyan ko at agad namang ni-lock ulit ni Kai ang pinto.

"Mag-sorry ka," sambit ni Kai sa kanya at natigilan naman si Suzy.

Tinignan niya ako at umirap sa kawalan.

"Sorry na," masungit niyang sabi at nginisian ko naman siya.

Di na ako bothered sa kanya. Hindi naman siya pinapansin na ni Kai eh. Kaya ganyan ngayon. Gagawin lahat makuha lang attention ni Kai.

In-unlock ni Kai ang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger's seat at ginuide pa ang ulo ko para hindi ako mauntog at saka naglakad papunta sa kabilang side para sumakay.

"Ano? Iwan ka na ba dyan?" tanong ni Kai kay Suzy na nakatingin lang sa amin na nasa labas pa rin ng sasakyan.

Umirap na naman siya bago padabog na sumakay at ibinalibag ang pinto ng sasakyan ko kaya naman tinignan siya nang masama ni Kai.

"Isa pa. Kakaladkarin kita pababa," masungit na sabi nito sa kaibigan at umamo naman ang mukha nito.

"Kalma ka lang," tumatawa kong sabi kay Kai. Nakakatawa kapag di pinagbibigyan si Suzy eh. Deserve.

Pagkadating namin sa mall ay dumiretso lang kami muna sa department store pero may napansin na ako kaagad dahil hati kami sa dalawang grupo at nauuna sila Claire sa amin. Pero hindi na muna ako umusap. Hayaan ko na muna sila.

"Uy, gagi. Attend ba tayo ng prom? Wala pa ako susuotin," nagulat na sabi ni Oli at nagulat na rin kami.

Nawala sa isip ko prom.

"Attend pa ba tayo?" natatawang tanong ni Eli at nagtawanan naman kami.

"Wait, ano ba 'tong Halloween shopping nila Claire? May party ba sila?" tanong ni Ady.

"Apparently, may party parents nila. Nagulat nga rin ako. Kasi nung nakaraan, diba? Kumpleto rin talaga sila sa birthday nung dog ng lola ni Claire," sabi ni Jay at natawa naman ako.

Your Guardian AngelWhere stories live. Discover now