13

13 0 0
                                    

Mackenzie's POV

"Fuck Prom!" Sigaw ni Oli habang naka tihaya sa living room.

Kanina pa wala si Kai dahil maaga ang call time nila. Simangot nga ako kasi gusto ko cuddles kaso need na daw niya umalis. Pero pinagluto naman niya ako ng breakfast kaya nawala ng konti galit ko.

"Ay pogi ng mga lalaki mo ha. May single ba dyan?" Tanong sakin ng make up artist na hinire ng nanay ko.

"Pili ka lang dyan," sagot ko sa kanya at tumawa naman siya.

"Naiwan ko sapatos ko, pakshet!" Sigaw ni Ady at sumalampak sa tabi ni Oli.

Mga walang silbi tong mga to.

"Hoy! Kumilos kayo! Opening si Kai! Iiwan ko kayo!" Bulyaw ko sa kanila at nakasimangot naman silang tumayo.

"Kainis kasi. Nagjowa ng kasama sa event, required tuloy tayo," Narinig kong sabi ni Ady habang nagdadabog at tinignan ko naman siya nang masama.

Matapos ang ilang oras na dasalan ay natapos na kaming mag-ayos. Kanina pa rin naghihintay yung limong pinahiram sakin ng nanay ko. Bwisit talaga.

pero sa limo lang din kasi ako magkakasya.

"Tangina. Pagkatapos ni Kai, isayaw niyo kong apat tapos isayaw mo si Claire habang busy ako, Jay. Tapos uwi na tayo. Tangina!" Iritable kong sigaw habang sumasakay sa limo.

Pagdating namin sa venue ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Di ko sure kung dahil nagagandahan sa amin o dahil nagsisigawan kami dahil kanina pa kami nag-uuntugan sa init ng ulo.

"Picture po!" Sigaw ng isang member ng photog club at padabog kaminh nagtabi-tabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Picture po!" Sigaw ng isang member ng photog club at padabog kaminh nagtabi-tabi.

"Lintek na yan kasi ang laki!" Sigaw sakin ni Eli.

"Puro ka reklamo bat di ka pa mamamatay!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"Tangina, umayos na kayo!" Sigaw sa amin ni Jay at inirapan ko muna si Eli bago humarap sa camera at ngumiti nang pilit.

"Dalian niyo, kanina pa nagsisimula," sabi ni Oli at agad naman kaming nagpunta sa assigned seats namin.

Dahil bida-bida nanay ko, siyempre nakipagpatayan siya mapunta lang kami sa unahang table. Ewan ko ba rito. Halata talagang nung high school siya nag-peak.

Puro boring announcements sa umpisa, daming speakers, tapos performance na nila Kai.

"Hala, ano yan?" Naguguluhang sabi ni Oli nang makita namin sila.

Kai's wearing a tux tapos she's escorting a girl by holding her hand. Ganon din sa ibang tao.

Puro sila babae ngayon na yung iba, naka-tux. Out of nowhere, bigla silang nag-slow dance.

Luh? Akala ko ako ang first dance.

Dahil nasa unahan kami, agad akong nakita ni Kai.

She smiled widely at may direction but I couldn't muster up the strength to smile back at her.

Your Guardian AngelWhere stories live. Discover now