15

15 0 0
                                    

"Hala, sino 'yon ihahagis sa pool!" Sigaw ni Claire habang papasok kami sa resort nila Jay.

"Si Kenzie 'yan, baka may amats na kaya ihahagis na sa pool," sagot ni Jay and my heart skipped a beat.

Humarap sa akin si Claire at kumindat. She always knew that I always had a crush on Kenzie but I never acted on it. Mamaya straight 'yung tao eh.

Lumabas kami sa sasakyan at umupo sa cottage na tinambayan nila.

"Pooota!" Sigaw ni Kenzie pag-ahon niya at napalingon naman silang lahat sa kanya.

"Hala, okay lang ba siya?" Tanong ni Claire kay Jay.

"Di ko alam dyan," natatawang sagot ni Jay sa kanya at napasimangot naman si Kenzie sa kanya.

"Letche ang lamig," giniginaw na sabi ni Kenzie.

She was looking at everyone except me. Why won't she look at me? I guess that's my sign.

"Hello po," bati nila kay Kenzie and I just looked at her. Maybe kapag hindi ako nagpakita ng interes sa kanya mapapansin niya ko? Pathetic naman, Kai!

"Hello. Sino si Claire?" Tanong niya.

"Ako po," pabebeng sagot ni Claire sa kanya. Nagpapalakas pa sa mga kaibigan ni Jay eh.

"Staright ka?" Bigla niyang tanong kay Claire at nagkatinginan naman kami.

Ako, hindi ako straight. Balikong baliko, para sa'yo. Ask me, Kenzie.

Nakakainis! Sobrang desperado ko sa attention mo. Hindi naman ako ganito? Bakit para akong mamamatay kapag hindi mo ako napansin ngayong gabi? I feel like this is my only chance to make my move.

Nanghihinayang na tumango si Claire sa kanya.

"Parang nanghihinayang ka," sita ni Che sa kanya at natawa naman kami.

Grabe namang tawa 'yan, Kenzie. Ang saya makitang masaya siya. Baduy.

"Nakakapanghinayang talaga, ang ganda kaya ng mga babae," sabi niya at nagkatinginan na naman kami ni Claire.

Is this her saying she's not straight?

"Right?" Biglang sabat ko at napatingin naman siya sa akin.

Right? Kai are you dumb?

"I'm Kai," sabi ko sa kanya at kumaway. Why the fuck did I wave? Ano bang problema ko!

Nakatingin lang sa akin si Kenzie and for some reason, hindi ko maiwas ang tingin ko sa kanya. Kahit na naiilang na ako.

"I'm Kenzie," sabi  niya at ginaya pa ang pagkaway ko sa kanya.

I know.

"Bagay kayo," sabat ng isa nilang kaibigan na ikinakaba ko na naman. Nagkatinginan kami ni Claire at umiling ako sa kanya, signing for her to stop the conversation.

Baka hindi ko kayanin kapag ni-reject na kaagad ako ni Kenzie wala pa nga ak-

"Oo nga feel ko rin, tayo na lang?" Napigil ang takot ko dahil sa sagot niya and I let out a nervous laugh.

Nawala ang attention sa amin nang biglang bumagsak ang mic at lumikha ng nakakarinding ingay.

Napatingin ulit ako kay Kenzie at nakita ko namang nanginginig na siya sa lamig. Inilabas ko ang towel ko at para naman akong tinutulungan ng universe.

"Gago anlamig, asan ba towel ko?" Bulong niya sa sarili niya.

"Here, use mine," sabi ko sa kanya at iniabot ang towel ko. Hindi naman siya nagdalawang isip na tanggapin ito.

Your Guardian AngelWhere stories live. Discover now