9

8 0 0
                                    

Mackenzie's POV

Ilang araw na nang makalipas ang bitch exposed episode ni Claire. Wala kaming balita kung anong nangyari na sa kanila ni Jay, but they have been avoiding us sa Uni.

Palagi na kaming hiwalay ng table unlike before na kailangan pa namin mag move ng two tables together para magkasya kami.

"Resort mamaya," bigla na lang sabi ni Jay at nagtinginan naman kami bago tumango.

"Tibay natin ah. Halos mag one year bago may magyaya ulit," sabi ni Ady at tumango naman kami.

"Kinukupal ako eh. Di ko alam ano gagawin ko," sabi ni Jay.

"Ma-late ako konti. May halloween party rin kasi si Kentaro. Coming buong basketball team, pinapadaan ako," sabi ko at tumango naman sila.

"Wala kang kasama pupunta ron?" tanong nila.

"Si Kentaro," kampante kong sabi at umiling sila.

"Samahan ka na lang namin. Party yon eh. Di mo naman sigurado baka mamaya malasing si Kentaro, ikaw pa ang maiwang mag-alaga," sabi ni Eli at tumango naman ako.

"Teka, basketball ka rin ah. Di ka ba pupunta?" Tanong sa kanya ni Oli.

"Dapat hindi. Corny nila eh," sabi ni Eli at natawa naman ako.

"Ang ingay na naman! Kung ayaw makinig lumabas na lang kayo!" Sigaw ng prof at tinignan kaming magkakaibigan.

Tumayo si Jay at walang lingon na naglakad palabas ng classroom.

"Sundan mo na, Kenzie. Kayo naman mataas ni Jay dito. Babagsak kami kapag kami umalis," bulong sa akin ni Oli.

"Wala naman siya sinabing samahan siya. Magyoyosi yan," sabi ko at tumango naman sila.

"Hindi ka na ba nagyoyosi?" Tanong nila sa akin.

"Kapag may problema lang naman. Di rin naman ako papasindihin ni Jay kapag alam niyang wala ako problema," sagot ko sa kanila at tumango naman sila.

"Naks naman. Wala na siya problema. Nabago ni Saint Kai ang buhay mo ah," pang-aasar ni Eli sa akin.

"Saan nga pala si Kai? Tagal ko na yon di nakikita ah?" Tanong ni Oli.

"Andon. Busy sa practice eh. May dance number sila para sa prom tapos may mga dance classes din. May compe rin na sinalihan. Saka andito parents niya so sinusulit niya muna na kasama niya sila," pagpapaliwanag ko.

"Oh. Napakilala ka na sa magulang?" Tanong naman ni Ady.

"Hindi. Di rin naman ako mag-expect kasi di ko rin alam kung out ba siya or what. So no pressure sa part na 'yon," sabi ko at tumango naman sila.

"Ang mature na ni Ate Mackenzie, parang tumanda ng ilang years ah," pang-aasar ni Eli at inapakan ko naman siya.

"Aray!" Sigaw niya at tinignan naman kami nang masama ng prof namin, and that was our cue to leave the class.

"Nasa field daw si Jay," sabi ni Eli habang nakatingin sa phone niya at naglakad naman na kami papunta sa field.

May isang malaking stage ngayon sa field para sa prom na gaganapin next month.

"Uy, si Kai oh!" Sigaw ni Oli at napatingin naman ako sa sumasayaw sa stage.

This is my first time to ever watch her dance in person. Wow.

"Tumitigas etet ko," pagbibiro ko sa kanila at nagtawanan naman sila.

"Shet, ang galing ni Kai!" Sigaw ko habang kinikilig at hinahampas sila.

Your Guardian AngelWhere stories live. Discover now