1

117 2 0
                                    

Mackenzie's POV

"Pare ko, meron akong problema. 'Wag mong sabihing na naman," pagkanta ng mga kaibigan ko habang nakatingin sakin na umiiyak at binigyan ng shot.

Walang alinlangan ko naman itong ininom at wala naman silang nakuhang reaction sa akin.

"Wala na guys, manhid na talaga 'to," sabi ni Oli habang umiiling at tumabi sakin habang patuloy pa rin iyong tatlo sa pagkanta.

"Kaya pa?" tanong niya sakin at nginisian ko naman siya bago magsalin ng bagong shot at ininom ulit.

"Kaya pa," pagsagot niya sa sarili niya at ngumiti lang ako.

Panibagong sakit, panibagong trauma. Wala namang bago.

"Teka nga! Nalalamangan na ako sa shot e," sabi ni Jay na binitiwan na ang mic at tumabi kay Oli.

"Pahingi po," parang bata niyang sabi habang nakatingin sa hawak kong Alfonso.

"Magbukas ka na lang ng bago," sabi ko sa kanya at tinungga ang isang malaking boteng hawak ko para ipakitang ako ang uubos non.

"Okay," mahina niyang sabi at hinalikan naman ako sa tuktok ng ulo ko para iparamdam sakin na nandito lang siya, sila, para sa akin.

"Haaaaaa," pagpakawala ko sa sakit na nararamdaman ko habang nilalabanan ang pagpatak ng luha ko.

"Oh, diyos ko! Ano ba naman ito, diba? TANGINA!!" patuloy ni Eli at Adi sa pagkanta at napatawa naman ako.

"Iyak tawa siya oh, tama ka na beh," sabi ni Oli sakin at sumandal naman ako sa balikat niya.

"Ang sakit ng puso ko, Oli." malungkot at mahina kong sabi sa kanya at niyakap naman niya ako nang mahigpit.

"Alam ko," mahina niyang sabi habang nakayakap pa rin sa akin.

"Ako bahala don, ibabawi kita," sabi niya at tumulo naman ang luha ko.

"Lagi na lang kailangan ako iganti, lagi na lang ako sinasaktan naman, grabe na," mahina kong sabi at humiwalay siya sa yakap sakin.

"Hayaan mo, di na ako papayag. Huling kunsinti na 'to," sabi niya sakin at umiling ako.

"Wait, isa pa. Kaya ko pang umisa. After non ayaw ko na talaga," sabi ko at tinawanan naman niya ako.

"Sige, last na," sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.

"Tumatawad pa si ate oh," singit ni Jay na nagbubukas na ng bagong Alfonso.

"Nagyayabang ka na palibhasa matino yang fling mo," sagot sa kanya ni Eli na tapos na kumanta.

"Di naman mapakilala," sabat naman ni Adi at napatawa ako.

"Letche kayo, baket takot ako eh!" bulyaw sa amin ni Jay at naguluhan naman kaming apat.

"Saan ka takot?" tanong ni Oli sa kanya.

"Kay Kenzie, lintek na to mas matinik pa sa chix to kesa sa ating lahat eh, baka pag-uwi ikaw na manliligaw non hindi ako," sabi ni Jay sa akin at inirapan ko naman siya habang tumatawa sila.

"Excuse me, masc pa yan o femme, hindi ako ang nanliligaw, mukha bang ako ang naghahabol at nanunuyo?" pagyayabang ko sa kanya at natawa siya.

"Oo nga naman, ikaw yung nililigawan at tinatarantado sa huli," sabi niya at nanglaki ang mata ko dahil tumatapang na siya.

"Bah, sumasagot na," gulat kong sabi sa kanya at lumakas naman ang tawanan nila sa sagutan namin ni Jay.

"Oh bakit? Ano gagawin mo?" pang uudyok pa sa akin ni Jay.

Your Guardian AngelWhere stories live. Discover now