17

1 0 0
                                    

Mackenzie's POV

First day of school at labag na naman sa loob kong pumasok. Oli had to pick me up today dahil maagang umalis si Kai for practice.

"Na-miss na ako nung guard sa parking, ang tagal ko na raw di napapadpad dito" tumatawa niyang sabi and I smiled.

"Bili muna tayo ng food. Hindi ako nakakain breakfast," sabi ko and he nodded while I fix my seatbelt.

"Last year I had to lock that for you and force food down your throat, ngayon ikaw na nag-initiate," pagpuna niya at natawa naman ako.

"I told you the world is healing," tumatawa kong sabi and he nodded while also smiling.

"Bakit ka bibili breakfast? I thought Kai cooks for you," tanong niya naman. at napasimangot ako, just because I was upset.

"She was running late, napuyat kami kagabi e," Pang-iinggit ko sa kanya at inirapan naman niya ako. 

It did made me sad that for the first time after a very long time she missed to cook for breakfast, but what am I crying about, right? It's not like she didn't do it because she doesn't love me anymore.

Pagdating namin ng school ay may assembly sa field.

"Ano ganap?" Tanong ni Oli sa katabi naming lalaki sa field.

"May nomination na ata ng candidates. Malamang si Kenzie andyan," sabi niya sabay kurot sa tinapay ko.

Teka sino ba 'to? Makakuha ng pagkain ko ah.

"Kenzie! Dito!" Narinig kong tawag sa amin ni Eli at paglingon ko ay doon nakakumpol ang course namin kasama ang mga adviser ng bawat section.

"Kenzie, ikaw na muse. Eli go for escort," pagdikta ng adviser namin at bumuntong hininga naman ako.

"Prof, kapag nanalo ako di na ako magtake ng finals?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"Easy," bulong ko at kumagat sa tinapay ko.

"Ako rin, Prof?" Nakangiting sabi ni Eli sa kanya.

"Magpasa ka muna ng outputs mo na isang bwan ko nang hinihingi sa'yo," sagot nito kay Eli at napatawa naman ako.

"Can we call on stage the following candidates for each program?" Tanong ng kung sino man ang umuusap sa unahan.

"Ang layo naman. Nasa dulo tayo ng field oh," reklamo ko at pinagtulakan naman na nila ako para maglakad kasama si Eli.

"Bwisit ka, ikaw na naman." Bulyaw ko sa kanya at sinimangutan naman niya ako.

"Aba. Tingin mo masaya akong rumampa kasama mo? Pangit mo kaya," nakasimangot niyang sabi sa akin at kumurot din sa tinapay ko.

"Ano ba!" Sigaw ko sa kanya at inilayo ang tinapay ko. Nagugutom yung tao panay kuha sa pagkain! Wala ba sila pambili?!

"Bang damot nitong babaeng 'to. Kaya ka lalong pumapangit eh," sabi niya at inirapan ko naman siya.

"Bili mo ko coffee mamaya. Doon sa cafe sa tabi ng psych building," nakangiti kong sabi at bumuntong hininga muna siya bago ako iripan. For all I know, that's a yes.

"Ayan, good morning talaga ano. Mukhang meron pang nag-aalmusal pa lang sa candidates natin," sabi ng umuusap sa mic at pinagtinginan naman ako ng mga taong nadadaanan namin.

"Gusto mo?" Alok ko doon sa isang tumingin na malapit sa akin at tinawanan niya lang naman ako bago umiling.

"Okay. Candidates, please introduce yourselves," sabi niya and I rolled my eyes.

Your Guardian AngelWhere stories live. Discover now