Anything is Possible

816 48 1
                                    

Chapter 11












__

May porma na ang bangka ko at little by little  nagiging confident ako sa kinalalabasan nito. Naisip ko pang baka ito na nga ang maging way out namin sa isla.

Dahil dumaan nanaman ang isang linggo ng walang tawag mula kay Shark or doon sa masungit na pinsan ni Blaze.

Ano na kayang nangyayari sa kanila? Bakit hanggang ngayon wala parin sila? Ang akala ko pa naman the moment na maka usap ko si Katherine, kinagabihan lang nandito na sila. Pero mali ako.

Naupo ako sa buhangin ng maisip na mag pahinga kahit na ilang minuto lang. Saka ako tumanaw sa maliwanag na kalangitan, medyo naluha pa ako sa sakit ng liwanag nito.

Hanggang sa marinig ko si Diesel, napa lingon ako sa direksyon nila ni Blaze. Fully healed na yung paa nya kaya bumalik nanaman sya sa hobby nya.

As usual, nilapitan nya ako at naupo sa tabi ko. Nasasanay na akong palagi syang nandyan at naka dikit sakin. Nandoon parin naman yung kaba pero diko kayang ipaliwanag kung paano nagiging kalmado ang puso ko, kapag nasa malapit lang sya.

"Kamusta?" Tanong nya habang nag pupunas ng pawis.

"Eto, sa palagay mo ba kung sasakay tayo dyan paalis dito,mag su survive tayo?" Natawa sya ng malakas ng ituro ko ang bangka. Napa nganga ako sa naging reaksyon nya.

"Wait, I thought, para sa kubo mo yan?" Napa simangot ako at medyo na hurt.

"Bakit ganyan ka maka tawa? Alam kong para syang kalansay for now, pero aayusin ko pa naman yan" Tumawa nanaman sya.

"Oh, I'm sorry, I'm not mocking your boat. It's just that I cannot see it." Umiwas ako ng pisilin nya pa ang pisngi ko. "Come on, I didn't mean to be rude" 

"Ewan ko sayo, kapag talaga to nag work. Maiwan kayo dito ni Diesel" Mahinang bulong ko.

Naging tahimik sya, kinagat ko ang dila na baka mamaya nagalit na sya sa sinabi ko. Saka sya tumanaw sa malayo.

Kapag ganito at dahil siguro sa labis na pagkaka lapit namin. Wala na akong pwedeng ikumpara pa sa kagandahan nya. Ang nagagawa ko nalang ay ang bumuntong hininga.

Mukhang napa isip sya ng malalim ng lumipas ang ilang minutong di parin sya nag sasalita. Hinawakan ko ang braso nya.

"Sorry, galit kana ba? Joke, lang yon, isasama kita kapag gawa na tong bangka ko" Tipid syang ngumiti.

"I'm actually thinking, what's so bad about being stuck here? Sa totoo lang mas komportable pa nga ako dito kaysa sa sarili kong bahay. Kaya bakit gusto mo pang umalis?" Napa titig ako sa mga mata nya habang nalilito sa mga naririnig ko.

"Diba sabi mo nung una para akong naka kulong dito? Diko ine-expect na magugustuhan mo rito. Siguro iniisip mong bakasyon ito, at iyon naman talaga ang gusto kong gawin mo. Pero dimo ba nami miss yung pamilya mo?" Naging curious ako doon.

"Paanong naka kulong? Kung ganito ang pakiramdam ng pagkaka kulong, ayaw ko ng maging malaya. And yeah, I think about them and I miss my cousins. Pero dito wala akong kailangang patunayan, hindi ko responsibility na maging mabuting anak." Sa bawat salitang lumalabas sa kanya lalo lang syang gumaganda.

Baka concussion parin, kahit na napaka tagal na since nung mabato nya ako ng vase.

"I can just be myself without someone criticizing me or bossing me around on what I should and shouldn't do. I'm happy here, Joey." Nag rigodon ang puso ko ng makita yung kapayapaan sa mukha nya.

Alipin Series 2: Stuck With You (wlw)Where stories live. Discover now