Chapter 21
__
Nag ring ang cellphone ko pag sakay sa mini van. Kasama ko sa sasakyan yung ibang mga volunteer.Ngayon na ang araw ng alis ko at diko na nagawang makita si Blaze na busy sa mga meetings nya.Kaya parang wala ako sa mood at napaka lungkot ng araw na ito.
"Hello Blaze?" Bulong ko.
"Hey, Sweetheart, I'm sorry I can't be there." Naiintindihan ko naman iyon.
"Okay lang. Ilang linggo lang din naman to eh" Balik ko.
"But I'm really upset I didn't get to kiss you goodbye." Doon diko naiwasang mapa ngiti.
"Babawi ako pag uwi, promise." Ang pangako ko.
"Si Diesel nami miss karin. He's sulking." Sinabi ko sa kanyang sya muna ang mag bantay kay Diesel at mukhang na miss din naman nila ang isa't isa.
"Miss ko narin kayo. Umh, baka mawalan ng signal doon kaya wag ka ng mag alala kapag dimo ko matawagan." Na explain ko na iyon at gusto kong ipa alala.
"Noooo, paano pag gabi? Gusto kitang maka usap hanggang madaling araw." Sumandal ako sa upuan at pumikit. Inisip ko ring katabi kolang sya ngayon.
"Sorry pero babawi ako." Ulit ko.
"Fine, dika pwedeng mag reklamo next time. Araw araw kang mapupuyat." Napa hagikgik ako.
"Yes po. Kita nalang tayo, okay?"
"I will miss you, sweetheart. Take care of yourself for me, please" Nagkaroon nanaman ng init sa puso ko.
"Ngayon palang miss na kita, sweetheart ko" Balik ko, di naka ligtas sa tenga ko yung mahinang pag singhap nya.
"Say that again" Naging malalim ang boses nya.
"Sweetheart?" Ulit ko naman.
"Hmm, mahal kita. Umuwi ka ng walang galos ah, because I'll sue everyone you're with, when I find a single scratch" Napuno ng authority ang boses nya.
"Opo, call you later. Mahal din kita"
Dahil nga kulang talaga ang naging tulog ko, diko na napigil ang maka tulog hanggang sa maramdaman yung malakas na pag alog ng sasakyan.
Nagulat ako ng makita yung tubig, tumatawid yata kami sa ilog at medyo nahihirapan ang sasakyan.
Tumingin ako sa mga kasama ko, ngayon kolang ginawa iyon. Karamihan sa kanila nakasama kona dati pa.
At mukhang wala sila sa mood makipag kwentuhan kaya nanahimik ako sa pwesto ko.
Alas tres ng hapon ng huminto ang sasakyan. May naka set up na tent at napaka raming tao ang busy sa kanya kanyang ginagawa.
"Joey!" Napa ngiti ako ng makita si Nay Opal.
"Kamusta Nay?" Yumakap sya sakin.
"Maayos, ikaw? Kamusta ang byahe."
"Okay lang po. May maitutulong na po ba ako ngayon?" Tanong ko, tutal lahat sila kumikilos na.
"Naku mag miryenda ka muna. Pumunta ka doon, nandyan sila Diego. Matagal na kayong di nag kita, diba?" Lalo akong natuwa.
Sila yung mga batang naging kababata ko sa orphanage.
"Talaga po? Buti at napa payag nyo sila?"
"Matagal narin silang nag sabi na kung may ganitong program gusto nilang sumali." Tumango ako at nag paalam na para makita ang mga dating kaibigan.
BINABASA MO ANG
Alipin Series 2: Stuck With You (wlw)
RomanceNaniniwala kaba sa karma? Sinasabi na sa mundong ibabaw, lahat ng gawin natin, mabuti man o masama ay may sapat na kabayaran. Bumabalik ito tulad ng boomerang. Lumaki si Joey sa simbahan kaya't normal lang para sa kanya ang matakot gumawa ng masam...