Shindig

843 45 3
                                    

Warning!!!
Mature Content Ahead





Chapter 23



















__

"Kinakabahan ako" Bulong ko pag tuntong sa elevator.

Papunta kami sa condo ni Sunny dahil mag se celebrate ito ng 24th birthday at invited kami ni Shark.

"Bakit ka kinakabahan, ikaw ba may birthday?" Turan naman nitong kapatid kong gago.

"Eh syempre baka nandoon yung pamilya ni Blaze." Hinawi nya ang buhok at nanalalim sa wall ng elevator. Kanina pa nya chine check ang itsura nya at mukhang magpapa impress.

"Wala sila, mga close friends at pinsan lang ang invited. May separate party sila para don." Tumaas ang isang kilay ko.

"Paano mo alam?" Nanliit pa ang mata ko.

"Nakakapagtaka pa kapag diko nalaman. Napaka daldal nya. Alam mo bang nakaka 50 words yata sya per second?" Diko napigilang matawa ng malakas.

"Rapper yung jowa mo?" Namula ang pisngi nya at nag iwas ng tingin.

"Diko sya jowa, wag kang mag issue Joey." Tinignan ko ang sarili sa reflection ko, Fitted ripped jeans at crop top na asul ang damit ko.

Parehas kaming naka blue at gusto nya raw na maging kambal kami. Habang di ako komportable sa taas ng tastas nitong pantalon, nanghinayang pa ako ng malamang binili nya pa raw ito sa mall.

Diko alam kay Shark kung anong plano nya. Exposed dito yung upper part ng tattoo ko, sa totoo lang kung sinabihan nya ako ahead of time sana tinastas ko nalang yung lumang pantalon ko. Edi, dina kami gumastos.

"Balak mo ba akong masilipan dito?" Tukoy ko, abot sa upper thigh yung butas ng pantalon at tanaw pa yung vines ng rosas ko sa hita.

"Pinapakita lang natin kung gaano ka swerte si Blaze sayo. Ang ganda mo na ang astig pa." Naka ngisi nya namang balik.

"Paano ako uupo nito? Tignan mo, parang abot singit na yung tastas." Relamo ko. Bumuntong hininga sya at hinubad ang leather jacket nya saka ipinatong sa balikat ko.

"Ayan, itakip mo sa legs mo pag uupo kana" Naka hinga ako.

"Salamat, tiyak na nandyan sila Danielle. Wag kang halataing in love ah. Baka ahitin ni Sunny yang kilay mo." Bago sya maka sagot bumukas na ang elevator.

Ni lead nya ako patungo sa unit ni Sunny, naisip kong mukhang hindi ito ang pinaka unang beses nya rito. Akala ko pa naman dati yung mga appointments nila eh sa labas lang nila ginagawa, pero mukhang mali ako.

Tumapat kami sa isang pintuan saka nya pinindot ang doorbell, then naalala kong i text si Blaze na nandito na kami.

Maya maya pa raw sya makaka punta dahil sa marami syang inaasikaso sa restaurant. Kung nandito sya malamang na dina ako kinakabahan.

Bumukas ang pintuan, napa ngiti ako ng lumitaw si Sunny, baby pink ang dress na suot nya at may crown at sash sya saying I'm the birthday girl. Niyakap nya ako habang inirapan nya si Shark na aktong iaabot na ang paper bag na naglalaman ng regalo namin.

"Galit yata sayo,ano nanamang ginawa mo?" Bulong ko ng sumunod kami sa loob.

"Wala, ewan ko dyan. Binili ko pa nga yung regalong gusto nya eh." Balik naman ng kapatid ko.

Warm yung vibe ng buong lugar, nasa mahigit kumulang twenty persons ang nandito at wala akong mahanap na kakilala. May mga champagne at wine, at pumapainlanlang yung malamyos na musika sa buong kwarto.

Alipin Series 2: Stuck With You (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon