Joey's POVChapter 16
__
"Sharky aalis nako" Turan ko pag pasok sa home office nya.
"Ha? Saan ka pupunta?" Nag ikot ako ng mata.
"Diba pupuntahan ko sila Nay Opal?" Kinusot nya ang mata.
"What time is it?" Buntis nanaman yung eyebags nya dahil sa ilang araw na syang di natutulog.
"Wednesday ngayon and 9:30 am na. Matulog kana nga muna Sharky" Niligpit ko yung mug ng kape nya pati na yung ibang kalat ng pagkain dito.
Apat na araw na since maka balik kami at ng pumasok sya dito, ilang beses kolang sya nakitang lumabas. Yung pag ihi at pag kuha lang ng kape ang nagiging reason noon.
Dati ganito na sya kaya sanay narin ako. Nag tra trabaho sya as a freelance programmer at once magkaroon ng project di sya natutulog hanggang sa matapos iyon.
"What is that?" Naka kunot noong turan ko sa computer nya.
"Ah, mag a update ako". Ilang years na din ng mag start yung uncanny obsession nya sa pag gawa ng comics at manga.
Nagkaroon pa nga sya ng isang section sa Daily newspaper. He's genius, pagdating sa mga ganoong bagay.
"Bago mo ituloy yan okay lang na maligo ka muna?" Lukot ang ilong na turan ko.
"Bakit? Do I smell?" Nag takip ako ng ilong at tumango.
"Kaya please lang. Baka dina ako mag survive bukas kapag ganyan parin ang amoy mo pag uwi ko" Inamoy nya ang kilikili.
"Hindi naman eh" Walang buhay ko syang tinignan.
"Baka manhid na yang ilong mo. Please lang saka mag ahit kana." Tukoy ko sa medyo kumakapal na balbas nya.
"Uso to eh. Last time may kinilig pa nung kindatan ko" Pagak akong tumawa.
"Trust me kapag lumabas ka, tatakbo sila palayo sayo sa takot. Mukha kang mamâ na maluwag ang turnilyo" Nabusangot ang mukha nya.
"Fine, maliligo na ako. Papagupit narin ako. May meeting nga pala ako bukas" Hinaplos ko ng dulo ng daliri ang buhok nya. Naka ngiwi ko pang ginawa yon.
"Good choice saka baka mamaya di kana nila makilala pag lumabas kang ganyan" Kumaway ako at ngumiti bago lumabas ng kwarto.
Nag lakad ako palabas ng condo, sa elevator nginitian ko lang yung mga tao na naging familiar sakin pero wala akong kina usap.
Sa may parking lot naisip kong mag bike nalang tutal malapit lang dito sa bahay iyong orphanage na mina manage ni Nay Opal. Isa sya sa mga nag palaki sakin.
Since i adopt ako ng pamilya nila Shark, di naputol ang connection namin kahit pa saan ako mapunta. At sinabi ko sa kanila na ngayong capable na akong maka tulong matutuwa ako kapag naisip nilang isali ako sa mga outreach program nila.
Sa harapan,di pantay ang pag hinga ko pag hinto. Pinag masdan ko muna ito ng ilang segundo saka ikinandado ko ang bike sa may parking space.
Pumasok ako at nakitang mas maraming kabataan ngayon dito kumpara sa na aalala ko. Dumiretsyo ako sa opisina ni Nay Opal.
Kagandahan namang nandoon sya at abalang mag ayos ng mga papeles, kinatok ko ang pinto, umangat ang mata nya at kaagad napa ngiti.
"Joey!" Lumapit ako at yumakap.
YOU ARE READING
Alipin Series 2: Stuck With You (wlw)
RomanceNaniniwala kaba sa karma? Sinasabi na sa mundong ibabaw, lahat ng gawin natin, mabuti man o masama ay may sapat na kabayaran. Bumabalik ito tulad ng boomerang. Lumaki si Joey sa simbahan kaya't normal lang para sa kanya ang matakot gumawa ng masam...