Chapter 1

1.1K 24 6
                                    

Enjoy reading!

Iyak at sigaw ang palaging maririnig sa loob ng isang malaking gusali kung saan nag-aagaw buhay ang mga taong may mga malulubhang sakit.

Araw-araw ay ganito palagi ang naririnig ko simula noong pumasok ako bilang nurse sa Lexus Medical Hospital sa San Miguel. Isa itong malaking hospital kung saan kompleto ang mga gamit kung kaya rito dinadala ang mga may malulubhang sakit.

Simula noong namatay si Papa ay pinili kong mag-aral ng nursing dahil iyon lang ang kinaya ng pera namin ni Mama. Ngunit kung papalarin ay mas gusto kong maging doctor.

Halos isang taon pa lang ako rito sa Lexus Medical Hospital at kaonti pa lang ang sahod ko kumpara sa mga matagal na rito. At kahit papaano ay nakatutulong na rin naman sa pang araw-araw na pangangailangan namin sa bahay.

Bumuntong hininga ako bago inayos ang gamit ko sa maliit kong bag na palagi kong dala sa tuwing papasok na ako sa trabaho. Pagabi na rin at kailangan ko ng umuwi dahil kailangan ko pang pumunta sa palengke upang tulungan si Mama sa pagtitinda ng mga gulay roon.

"Bye, Aireen." Nagmamadaling sabi ni Mellisa at lumabas na ng kuwarto kung saan kami nagpapahinga.

Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay agad na rin akong naglakad palabas ng kuwarto habang sukbit ang dala kong bag.

May mga nakakasalubong pa akong mga kapwa ko nurse at halos lahat sila ay mababait naman puwera lang sa iba na medyo masama ang ugali talaga. Hindi naman kasi lahat ay makakasundo natin sa trabaho kaya hinahayaan ko na lang.

Bago ako lumabas ng hospital ay may nakasalubong pa akong duguan na pasyente habang nakahiga ito sa emergency strecher habang tulak-tulak ng mga nurse.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa terminal ng mga jeep. Isang sakay lang naman mula rito sa Hospital hanggang sa makarating sa bahay.

"Manong, kasya pa po isa?" Tanong ko sa konduktor.

"Kasyang kasya, neng. Maluwag pa 'yan kasi araw-araw ginagamit." Malakas niyang sabi. Agad akong nagbayad sa kaniya at pagkaraan ay sumakay na sa loob ng jeep ngunit nang makita ko ang mauupuan ko ay parang gusto ko na lang bumaba. Hindi ko alam kung makakaupo pa ba ang kalahati ng puwet ko rito ngunit wala na rin naman akong magagawa.

Hindi rin naman nagtagal ang jeep dahil puno na talaga at ayaw ng sumakay ng mga pasahero.

Ngalay na ang mga tuhod ko dahil parang nagkukunwari na lang akong nakaupo. Halos twenty minutes rin ang biyahe ko bago nakarating sa kanto namin.

Nang huminto ang jeep sa kanto ay agad na rin akong bumaba at ramdam ko ang nginig ng mga tuhod ko dahil sa ngalay.

At maglalakad pa ako nang sampong minuto papasok sa amin. Sementado naman ang daanan kaya hindi rin mahirap maglakad. Iyon nga lang ay medyo maraming aso sa daan.

Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko si Kuya Ethan na umiinom ng alak sa may sala. Nakakailang bote na siya at lasing na lasing na.

Tatayo na sana siya ngunit hindi niya kinaya at muli siyang napaupo sa sofa at nasagi niya ang isang bote ng alak. Nahulog iyon sa sahig at nabasag.

"Kuya, naman." Inis kong sabi. Ngunit hindi niya ako pinansin at sa halip ay humiga siya sa sofa at hindi na kinaya pa ang antok.

Agad akong kumuha ng dust pan at walis upang linisin ang mga bubog sa sahig.

Hindi ko alam kung ano ang problema ni Kuya Ethan ngunit ilang linggo na rin siyang ganito. Sinasaway na rin siya ni Mama ngunit hindi siya nakikinig at patuloy pa rin sa pag-inom ng alak. Kung minsan ay umaga pa lang ay ginagawa niya ng kape ang alak.

OBSESSION SERIES 5: Ryker Albrecht Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora