Chapter 2

463 13 2
                                    


Enjoy reading!

Pagsapit nang hapon ay agad ko ng inayos ang mga gamit ko. At pagkaraan ay lumabas na ako ng Hospital at sumakay ng jeep.

Tuwing ganitong oras ay marami ng sasakyan kaya nagkakaroon ng traffic dahil uwian talaga ng mga tao na galing sa kani-kanilang mga trabaho.

Nang huminto ang jeep sa kanto namin ay agad akong bumaba at naglakad papasok patungo sa bahay namin.

Nang makarating ako sa labas ng bahay ay may nadatnan akong tatlong lalaki na halos puno na ng tattoo ang mga katawan. Bigla akong kinabahan dahil nakatingin sila sa bintana ng bahay na para bang may sinisilip doon.

"Excuse me po mga kuya. May kailangan po ba kayo?" Magalang kong tanong sa kanilang tatlo na ikinalingon nila sa akin. At mas lalo pa akong natakot nang makita ko ang kanilang mga bibig, ilong at kilay na mayroong mga hikaw. Mga adik ba ang mga 'to?

"Dito ba nakatira si Ethan Mercado?" Tanong ng lalaking nasa gitna.

"O-opo. May kailangan po ba kayo sa kaniya?" Tanong ko.

"Nariyan ba siya?" Tanong niya at hindi pinansin ang tanong ko.

"W-wala po yata. Nasa trabaho pa po siya." Nauutal kong tanong. Nagkatinginan silang tatlo at nagtanguan. Pagkaraan ay tumingin muli sila sa akin.

"Sige. Salamat, miss." Wika ng lalaking nasa gitna at agad na silang umalis. Sinundan ko pa sila ng tingin bago ako pumasok sa loob ng bahay.

At muntik na akong sumigaw nang makita ko si Kuya Ethan sa likod ng pinto na para bang nagtatago.

"Umalis na ba sila?" Pabulong niyang tanong.

"Oo." Sagot ko. Nakita ko ang pagbuga niya ng hangin sa kawalan na para bang kanina pa niya pinipigilan huminga.

"Buti naman." Sagot niya ay umupo sa sofa.

"Sino ba ang mga 'yon, Kuya? Bakit ka nila hinahanap? At saka para silang mga adik na nakawala sa presinto." Kunot-noong tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin.

"Kung wala ka namang maibibigay sa 'kin na pera ay huwag ka ng magtanong." Galit niyang sabi.

"Ano bang gagawin mo sa pera? Bakit parang kailangan mo talaga?" Nagtataka kong tanong.

Matagal bago siya sumagot. Napahilamos pa siya ng mukha.

"Wala ka na ro'n. Mabuti sana kung bibigyan mo ako ng pera." Masungit niyang sabi. Parehas lang kaming may trabaho tapos mawawalan pa siya ng pera?

Hindi na lang ako nagsalita pang muli. Sa halip ay naglakad ako patungo sa kuwarto ko at nagbihis.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kuwarto at wala na rin sa sala si Kuya Ethan. Lumabas na rin ako ng bahay upang puntahan si Mama sa palengke.

Nang makarating ako sa palengke kung saan nagtitinda si Mama ay naabutan ko siyang abala sa pagbebenta. Tumulong na rin ako at nagulat pa siya nang makita niya ako.

"Anak, hindi ka ba napapagod?" Tanong niya.

"Hindi pa naman, Ma. Ikaw po ba hindi ka pa ba pagod? Maupo ka kaya muna?" Turan ko.

"Nako, maraming bumibili kaya hindi ako puwedeng umupo." Sabi niya habang abala ang kamay sa pagsusukli sa bumibili.

Tuwing hapon ay marami talaga ang bumibili kaya kailangan ni Mama ng katuloy sa pagbebenta. Hindi rin naman mapakinabangan si Kuya Ethan dahil tuwing uuwi galing sa trabaho ay aalis na naman ulit at hindi alam kung saan pumupunta.

OBSESSION SERIES 5: Ryker Albrecht Where stories live. Discover now