Chapter 4

234 6 1
                                    



Enjoy reading!

Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Mr. Albrecht. Bakit ko nga ba iniisip ang offer niyang iyon? Problema lang niya dapat iyon. May sarili din akong problema na dapat kong matapos.

"Anak, hindi ka pumasok sa trabaho mo?" Gulat na tanong ni Mama nang madatnan ko siya sa bahay na abala sa pagluluto.

"Hindi po, Ma. May pinuntahan lang po akong kaibigan." Sagot ko.

"O siya, magbihis ka na roon at kakain na tayo. Wala na naman rito ang Kuya Ethan mo saan na naman kaya iyon pumunta." Reklamo ni Mama.

Agad akong naglakad patungo sa kuwarto ko upang magbihis. Para akong lutang habang nagbibihis ng damit.

Kapag pumayag akong magpakasal kay Mr. Albrecht ay wala na kaming problema sa utang. Hindi na rin mawawala sa amin ang bahay at lupa na iniwan ni Papa sa amin. Ngunit wala pa sa isipan ko ang magkaroon ng asawa. At lalong hindi ako magpapakasal sa taong ngayon ko lang nakilala at hindi ko naman gusto.

Nang matapos akong magbihis ay agad akong lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina. Tapos ng maghain si Mama ng pagkain sa mesa.

"Magkano na ang naipon natin?" Tanong ni Mama habang nagsasandok ng kanin sa kaniyang plato.

Ako ang nagtatago ng naipon naming pera kaya alam ko kung makakabayad ba kami o hindi sa utang namin.

"Sobra na po sa isang daang libo ang naipon natin, Ma." Sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Kulang na kulang pa rin. Ilang araw na lang ang natitira para makapag bayad tayo. At hindi ko na alam kung saan tayo kukuha ng kulang natin." Halatang pagod na si Mama sa problemang ito ngunit patuloy pa rin siyang lumalaban dahil wala naman talaga kaming pagpipilian.

Hindi kami pwedeng magpahinga kung ganitong may utang kaming isang milyon at nakasalalay ang tinitirhan namin ngayon.

Nang matapos kaming kumain ay ako na rin ang nag presinta na magligpit ng pinagkainan namin at maghugas.

"Pagkatapos mo riyan ay magpahinga ka na rin." Bilin ni Mama bago siya lumabas ng kusina.

Marry me.

Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi niyang iyon. Bakit ko ba kasi iniisip. Hinding hindi ako papayag na mangyari sa akin iyon. Gagawin ko lahat makapag ipon lang ng isang milyon.

Nang matapos akong maghugas ay agad na rin akong lumabas ng kusina ngunit sakto naman ang pagbukas ng pinto ng bahay at pumasok si Kuya Ethan na lasing na lasing.

"Kuya, lasing ka na naman." Naiinis kong sabi.

"Wala kang pakialam kung lasing ako, Aireen. Umalis ka nga sa daanan ko." At dahil sa sinabi niya mas lalo lang akong nagalit.

Ang kapal ng mukha niya para sabihin sa akin iyon. Siya na nga ang nagbigay ng problema siya pa may ganang magalit nang ganiyan.

"May pakialam ako dahil ikaw lang naman ang nagbigay ng problema rito sa bahay, Kuya. Dapat ay tulungan mo pa kami ni Mama na mabayaran 'yang utang mo. Pero anong ginagawa mo? Puro sakit ng ulo lang ang dinadala mo." Galit kong sabi. Napama seryoso ng mukha niya at halatang nagalit siya sa mga sinabi ko.

Umayos siya nang tayo habang nakaharap sa akin.

"E 'di huwag niyong problemahin ang utang ko. Ibigay na lang natin itong bahay at lupa para tapos na ang problema ko." Galit niyang sabi. Ang dali lang para sa kaniya na ibigay ang bahay at lupa na tanging alaala ni Papa. Ngunit para sa akin ay hinding hindi ko ibibigay iyon.

OBSESSION SERIES 5: Ryker Albrecht Where stories live. Discover now