Chapter 6

175 8 0
                                    

Enjoy reading!

Kinabukasan habang nag-aayos ako ng mga gamit ko ay may narinig akong busina mula sa labas ng bahay.

"Anak, silipin mo nga kung sino iyon. Tinatapos ko pa itong pagluluto ko." Turan ni Mama. Huminto ako sa pag-aayos ng mga gamit sa aking bag at naglakad patungo sa may pinto ng bahay.

Ngunit agad na lumaki ang mga mata ko nang makilala ko ang sasakyan na nakahinto sa labas. Isang mamahaling van at alam kong si Lola Laura at Lolo Renato ang naroon sa loob.

Agad akong kinabahan at hindi ko alam kung lalabas ba ako para salubungin sila o magtatago na lang. Paano nila nalaman ang bahay ko? At bakit sila narito?

"Aireen, may bisita ka ba?" Sigaw ni Mama mula sa kusina.

Nang tingnan ko muli ang sasakyan sa labas ay agad kong nakita si Ryker habang inaalalayan sa pagbaba si Lola Laura. Mabilis akong lumabas ng bahay at agad silang nilapitan.

"Magandang umaga po, Lola Laura, Lolo Renato." Magalang kong bati at pagkatapos ay seryoso kong tiningnan si Ryker.

"Anong ginagawa niyo rito?" Mahina kong tanong sa kaniya.

"Lola Laura wants to see you. Wala akong kinalaman dito." Mahina rin niyang sabi.

"Ito ba ang bahay niyo, hija?" Tanong ni Lola Laura at tinuro ang bahay namin. Kahit papaano ay gawa rin sa semento ang bahay namin.

"O-opo. A-ano, Lola, paalis na po kasi ako. Papasok na po sana ng trabaho." Turan ko. Totoo namang papasok na ako ng trabaho at ayokong makita pa sila ni Mama dahil hindi ko alam kung ano ba ang ipapaliwanag ko kapag tinanong ako.

"Anak, sino ang bisita mo?" Para akong ipinako sa kinatatayuan ko nang lumabas si Mama ng bahay. Lumapit siya sa amin habang nakatingin sa akin na para bang nagtatanong kung sino ang mga kasama ko.

"Hi. Ako nga pala si Laura at ito naman ang asawa kong si Renato. Lola kami ni Ryker ang fiance ng anak mo." Nakangiting sabi ni Lola Laura kaya agad na lumaki ang mga mata ni Mama nang marinig ang huling sinabi ni Lola Laura.

"Aireen, anong fiance ang pinagsasabi niya? Kailan ka pa naglihim sa akin?" Halata sa boses ni Mama ang galit kaya agad ko siyang nilapitan upang pakalmahin.

"Ma, magpapaliwanag po ako sa inyo. Tara na po sa loob." Mahinahon kong sabi at agad na humarap muli sa dalawang matanda. Kasalanan ito lahat ni Ryker e!

"Lola, Lolo, mabuti po siguro kung sa susunod na araw na lang kayo pumunta rito. Paalis na rin po kasi kami ng bahay dahil may mga trabaho pa po kami ni Mama." Magalang kong turan. Agad ko namang tiningnan si Ryker at mukhang naintindihan naman niya ang gusto kong sabihin kaya muli niyang binuksan ang pinto sa van at pinapasok doon ang dalawang matanda.

Ang buong akala ko ay papasok din siya sa loob ng van ngunit agad na umalis iyon at naiwan siya.

Nauang naglakad si Mama papasok sa loob ng bahay habang nakasunod ako at panghuli si Ryker.

"Hindi ko akalain na may itinatago ka sa akin, Aireen. Hindi kita pinalaking ganiyan!" Galit na sabi ni Mama pagkatapos niyang umupo sa sofa. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Ryker.

"Excuse me, Ma'am. Ako po ang may kasalanan nang lahat ng ito. Parehas po kaming nangangailangan kaya ko po siya inalok na pakasalan ako." Paliwanag niya.

"Anong parehas kayong nangangailangan? Anong sinasabi ng lalaking 'to?" Kunot-noong tanong ni Mama.

"Ma, siya po ang inutangan ni Kuya Ethan nang isang milyon. Inalok po niya ako ng kasal kapalit ng utang natin sa kaniya." Paliwanag ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OBSESSION SERIES 5: Ryker Albrecht Where stories live. Discover now