Chapter 3

501 12 5
                                    


Enjoy reading!

Sa bawat araw at gabi na dumaan ay halos hindi na ako nagpapahinga sa pagtatrabaho. Hating gabi na rin ako umuuwi dahil mas pinipili kong mag over time sa trabaho kaysa umuwi nang maaga. Kulang na lang ay mag side line ako ng ibang trabaho para lang makaipon nang isang milyon.

Sa halos kalahati ng buwan na palugit sa amin ay kulang-kulang isang daang libo pa lamang ang naiipon namin. At hindi ko na alam ang gagawin ko kapag umabot na nang isang buwan at kahit kalahating milyon ay wala pa rin kami.

Naggising ako sa katok sa may pinto kaya agad akong bumangon. Kahit antok pa galing sa trabaho ay mabilis akong naglakad patungo sa pinto upang pagbuksan ang kung sino man ang kumakatok.

Ngunit laking gulat ko nang makita ko ulit ang dalawang lalaki na pumunta rito noong nakaraan upang singilin kami ng utang ng Kuya ko.

"Ma'am, itatanong lang po namin kung may naipon na po ba kayo kahit kalahati man lang para masabi namin kay boss?" Tanong ng isang lalaki. Nagmamadali ba ang mga 'to? Walang wala na ba sila?

"Mga Kuya, wala pa naman pong isang buwan. Bumalik na lang po kayo kapag malapit na ang deadline namin." Turan ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang kaharap ang dalawang 'to.

"Pero, Ma'am, utos po iyon ng boss namin." Sabi niya.

"Sino ba 'yang boss niyong 'yan? At bakit parang atat na atat siyang singilin kami? Namumulubi na ba 'yan at gusto ng maningil?" Inis kong sabi.

"Si Mr. Albrecht po ang boss namin. Kaya kung ako sa inyo ay huwag niyong tangkain na kalabanin pa siya dahil kahit anong gawin niyo, Ma'am ay hindi pa rin kayo mananlo laban sa kaniya." Wika ng isang lalaki. Binabantaan ba kami ng lalaking ito laban sa amo nila? Mamamatay tao ba iyon? Kilala ba iyon dito sa San Miguel o sa buong Pilipinas? Bakit parang hindi ko man lang narinig ang pangalan niya rito?

"Wala akong pakialam kung anong klaseng tao 'yang amo niyo. Kaya ko siyang kalabanin kahit mamamatay tao pa 'yan. Ang laki ng utang namin sa kaniya tapos isang buwan lang ang palugit namin? Hindi kami naghahakot ng pera dito." Inis kong sabi at kulang na lang ay pagsusuntukin ko sila at sipain paalis ng bahay namin.

"Ma'am, sumusunod lang kami sa utos ni boss. Ngunit kung matigas talaga ang ulo mo ay wala kaming magagawa kung hindi puwersahan kayong paaalisin dito." Turan ng isang lalaki.

"Ay hindi po pwede 'yan. Saan ba nakatira 'yang sinasabi niyong boss? Kailangan ko siyang makausap." Wika ko. Saglit silang nanahimik at nagkatitigan na para bang sa pamamagitan niyon ay nag-uusap silang dalawa. Ilang saglit lang ay muli silang tumingin sa akin at nakita ko ang isa lalaki na may kinuha sa kaniyang pitaka na maliit na card. Pagkaraan ay ibinigay niya iyon sa akin.

"Ito po ang pangalan at address kung saan mo pwedeng kausapin si Mr. Albrecht, Ma'am. Pero kung ako po sa 'yo ay huwag mo ng tangkain pang lumaban pa patungkol sa utang ng kapatid mo. Iyon lamang po ang pinunta namin dito. Alis na po kami." Pagkatapos kong tanggapin ang card na bigay ng lalaki ay agad silang umalis.

Nanatili akong nakatayo habang hawak ang isang itim na card.

Mr. Ryker Albrecht — CEO

Isa lang naman siyang businessman. Kung makapagsalita ang dalawang iyon akala ko naman mamamatay tao na itong amo nila.

Ngunit kailangan ko talagang makausap at makita ang lalaking 'to. Baka pwede pa siyang mapakiusapan at baka maawa pa sa kalagayan namim ngayon. Hindi biro iyong isang milyon. At hindi talaga namin kayang makapag ipon nang ganoong halaga.

Agad kong itinago ang card at muling bumalik sa loob ng bahay upang matulog muli. Antok na antok pa ako dahil sa trabaho at kailangan ko ng lakas mamaya upang harapin si Mr. Albrecht. Nanghihinayang man ako sa isang araw na hindi ako papasok ngunit kailangan kong makausap ang pinag utangan ni Kuya Ethan. Baka sakaling bigyan pa kami ng mas mahabang palugit upang makapag bayad.

OBSESSION SERIES 5: Ryker Albrecht Donde viven las historias. Descúbrelo ahora