Chapter 5

171 9 1
                                    

Enjoy reading!

"Makakapag bayad ako. Mababayaran ka namin." Wika ko. Ngunit saan ako hahanap ng pera? Hindi ko alam!

"Tell me, how?" Tanong niya na para bang hinahamon ako.

"Wala ka ng pakialam kung paano kita mababayaran." Masungit kong sabi.

"Bakit ba pinapahirapan mo pa ang sarili mo, Aireen? Binibigyan na kita ng offer na alam natin pareho na mas pabor sa iyo." Wala na ba talaga akong magagawa? Kaya ko bang pakasalan ang lalaking ito kung sakali?

Hindi ako nagsalita. Sa halip ay tiningnan ko siya nang masama ngunit nakipag titigan din siya sa akin kaya sa huli ay ako rin ang unang umiwas nang tingin.

Magpapaalam na sana ako para umalis nang pagtingin ko sa pintuan ay may pumasok na dalawang matanda. Halatang mag-asawa silang dalawa dahil nakakapit ang babaeng matanda sa braso ng asawa niya.

"Lolo, Lola!" Napalingon ako kay Ryker nang tawagin niya ang dalawang matanda. Ibig sabihin Lolo at Lola niya ang mga ito?

"My goodness, Apo. Kailan ka ba bibisita sa bahay?" Reklamo ng Lola niya.

Mabilis siyang lumapit sa dalawa at agad na humalik sa pisngi. Hindi dapat ako narito. What if isumbong ko na lang si Ryker?

"I'm so sorry, Lola, medyo busy lang po sa trabaho. Have a seat." Turo niya sa mahabang sofa sa gilid.

Ngunit bago pa sila makaupo ay napatingin silang dalawa sa akin kaya napayuko ako. Magsasalita na sana ako upang makapag paalam na ngunit naunahan ako ng Lola ni Ryker.

"And who's this beautiful lady, Apo?" Tanong ng Lola niya kaya agad akong ngumiti.

"Lola, Lolo, I want you to meet my fiancée. She's Aireen Mercado." Agad na nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Ryker. Naramdaman ko pa ang braso niya na pumulupot sa baywang ko kaya agad kong hinawakan iyon at pilit na tinatanggal ngunit mas malakas siya kaysa akin.

Halata naman sa mukha ng dalawang matanda ang pagkagulat sa pagpapakilala sa akin ni Ryker. Ngunit agad ding napalitan nang ngiti iyon kalaunan.

"Finally! I thought you are going to be  single forever, Apo." Nakangiting sabi ng Lolo niya.

"That's not going to happen, Lo." Nakangiting sabi rin ni Ryker at naramdaman ko ang labi niya na humahalik sa balikat ko kaya napaayos ako nang tayo upang huminto siya sa kaniyang ginagawa. Kung wala lang ang Lolo at Lola niya sa harapan namin ay baka kanina ko pa siya nasampal.

"Hija, ako nga pala si Laura at ito naman ang asawa kong si Renato. Kumusta naman maging boyfriend itong apo namin? Hindi ba siya nagkukulang nang oras sa 'yo? Hindi ba siya sakit sa ulo?" Tanong ng Lola ni Ryker na ikinatawa nang mahina ng katabi ko.

Agad akong nataranta at hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa tanong niyang iyon. Malay ko ba kung paano maging boyfriend itong apo nila? Hindi naman kami!

"La, isa-isa lang po ang tanong kay Aireen. Medyo nagulat lang po siya sa pagpapakilala ko sa inyo." Wika ni Ryker.

"Pasensiya na, hija. Natuwa lang ako dahil ngayon lang may ipinakilala sa amin itong si Ryker. Kapag sakit na sa ulo itong apo namin ay sabihan mo kami at tuturuan namin ng leksiyon." Turan ng Lola niya kaya peke akong ngumiti at tumango.

"S-sige po." Nauutal kong sagot.

"By the way, Ryker, pagbigyan mo na itong Lola mo at kanina pa ako kinukulit na pumunta rito. Kumain daw tayo sa labas." Wika ng Lolo niya.

"La, marami pa po akong ginagawa rito sa opisina." Turan ni Ryker at agad na sumeryoso ang mukha ng Lola niya.

"Nako, hindi pwede iyang sagot mo sa akin, Ryker. Aireen, sumama ka na rin sa amin kumain para mas makilala ka pa namin. Let's go." Sabi ni Lola Laura at hinigit ako palayo kay Ryker at sabay kaming naglakad palabas ng opisina.

OBSESSION SERIES 5: Ryker Albrecht Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon