Chapter 8

2.4K 73 0
                                    

CHAPTER 8

Nilalamig si Avionna habang papasok sa loob ng Mansion, nanggaling kasi siya sa Garden, nagdidilig ng mga Halaman. Routine na niya rin na magdilig sa umaga ng mga halaman na siya rin ang nagtatanim.

Bago siya pumasok ay kinuha ni Mrs. Aira sa Lucian, ito na raw ang magpaligo sa bata at magpakain. Ewan niya kung bakit hindi pa ito kasama ang asawa nito na bumabalik sa sariling bahay, pero hinayaan na lamang niya, sino ba naman siya para magmaktol, pamilya ito ng boss niya, yaya lang siya.

At isa pa hindi na siya humindi ng kunin nito si Lucian sa kanya dahil makapag-pahinga siya kahit saglit lang.

Yakap-yakap ang sarili na dala ang uniform na nabasa kanina dahil kay Lucian.

“Ay Kalabaw!" Gulat niyang usal ng dumilim ang paningin niya dahil sa isang towel, kinuha niya iyon at sinamaan ng tingin ang boss niya na... Napalunok siya dahil napakaperpekto talaga ng mukha nito, pero ang ugali... balik tayo sa mukha.

Nasa kamay na niya ang towel na kulay blue, tinignan niya ulit si Nicklausse na nakatitig ng mariin sa mukha niya na parang may gusto itong makita, malaman, mawari, roon.

“S-Salamat sa towel, Sir" sabi niya kahit may pagtataka sa isipan niya kung bakit binigyan siya ng towel nito, alam ba nito na nabasa siya?

“It's not free.. Avionna" anito na ikinagulat niya.

“Anong ibig niyong sabihin?" Nagtataka niyang tanong.

Lumapit ito sa kanya, hindi siya umatras, nanatili siya sa pwesto niya at hinintay itong makalapit. Amoy na amoy niya ang pabango nito. Napatingala siya dahil hanggang dibdib lang siya nito. Naka-suit ito na black na parang handa ng umalis dahil may meeting ito.

Fresh na fresh itong tingnan habang siya depressed na.

“Put this on me" sabi ni Nicklausse sa kanya habang may inilahad ito sa kanya, isang necktie.

'Hah! Wala ba itong kamay?' usal niya sa isipan niya habang nakangiti ng peke sa harapan ng boss niya.

“Okay sir" sagot niya at kinuha ang necktie sa kamay nito. Nilalamig siya pero bearable lang naman.

Tumingkayad siya para maabot ang leeg nito, pero laking gulat niya na dahilan ng pagsinghap niya ng yumuko ito kaya sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya.

Bali ang posisyon nila ngayon ay parang nakayakap si Avionna kay Nicklausse dahil ang dalawang kamay nito ay nasa likuran ng leeg ng lalaki dahil aayusin na niya sana ang necktie nito ng yumuko ito.

Nakita niya kung paano gumalaw ang adams apple ni Nicklausse dahil lumunok ito na naging dahilan ng pagkakalunok din niya.

Iyong hindi sana siya kinabahan pero nakaramdam na siya ng kaba. Familiar na kaba kapag malapit ito.

Kahit ang awkward ng posisyon nila ngayon ay pinagpatuloy niya ang ginagawa, pinakita niya na hindi siya naapektuhan.

“Did you know?" usal ni Nicklausse, at ang hininga nito ay tumatama sa gilid ng leeg niya damay na ang tenga niya na naging dahilan ng panlalambot ng mga tuhod niya.

“You really smell good.. I'm addicted," pahabol nito na hindi na niya nakayanan pa parang siyang matutumba, ngunit dahil nakahawak siya sa necktie nito na inayos niya nahila niya ito at dahil mabilis at mataas ang mga braso ni Nicklausse, nahawakan nito ang bewang niya na naging dahilan din niya na parang may kuryente na dumaloy sa kamay nito na nasa bewang niya.

Mabilis niyang itinulak si Nicklausse at humingi rin ng tawad at mabilis umakyat sa itaas, na sa sobrang bilis ay nakarating siya agad sa kwarto niya, isinara iyon at nanatiling nakatayo sa nakasarang pintuan, pinakiramdaman ang puso na nagkarera sa loob ng dibdib niya.

The Hired Malditang Yaya [COMPLETE]Where stories live. Discover now