Chapter 36

1.4K 42 0
                                    

CHAPTER 36

NANG makalapag ang eroplanong sinakyan ni Nicklausse ay lumabas siya kasama ang kanyang secretarya at mga bodyguards. Tinanguan niya ang mga private guard na sa ginawa niya ay bahala na sila sa paligid kung may masama bang mangyayari, ayaw na niyang maulit ang nangyayari noon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang pagsabog na dahilan ng pagkawala ng asawa niya.

Inayos niya ang suit na soot at matikas na matikas ang paglakad papasok sa kotse na naghihintay.

AVIONNA POV.

Ilang taon na ba simula nang dumating ako rito sa States. Nung una ay nagtataka ako pero kalaunan tinanggap ko rin ang kapalaran ko. Malungkot na masaya ako sa narinig at nalaman. Malungkot dahil sa isang lalaki na pinangakuan ko na pag nagising ako ay sasagutin ko. Alam kong galit na ito sa akin ngayon. Sana mapatawad pa ako nito. At Masaya dahil nakilala ko ang mga kapatid ko, wala ng ikasasaya pa dahil kahit wala yung iba, pati si Papa masaya na ako dahil feeling ko buong buo na kami, buong buo pero nararamdaman ko parin na may kulang...malaking puwang... there is a void in my heart that I don't know who he/she is...kung tao ba o bagay...ewan basta may kulang at gusto kong malaman kung ano iyon.

"Kuya, how he is?" Tanong ko. Hindi ko na mabilang kong Ilang tanong pa ba ang magagawa ko, araw-araw. Tungkol kay Nicklausse. Nung una galit ako kay kuya Riley pero may narealized ako, it's better to be this way...iyong malayo kay Nicklausse..para sa ikabubuti naming dalawa.

Magtatapos na ako ngayon sa Course ko, dahil 4th year college na ako at 24 years old na. I'm matured enough to do the things that I wanted to do for the couple of years...for the past...pero hindi ko ginawa dahil natatakot ako sa kahinatnan...natatakot ako na baka maulit ulit ang nakaraan...ilang pagsubok na ang naranasan ko..and I learned enough..para itigil ko na.

Alam kong hinahanap ako ni Nicklausse, pero hindi ako nito mahanap dahil kay Kuya Riley, kung hindi dahil kay Kuya hindi ako makapag-aral at magtatapos ngayong taon, kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakabangon, and I thankful very very thankful.

Mahal ko si Nicklausse..at minahal ko siya ng lubos nang maka-alala ito at magbago pero ang hinihiling ko ngayon ay pakawalan na niya ang mabigat niyang dala... pakawalan na niya ako...kahit masakit para sa aming dalawa.

Kasi kapag pinilit namin...mas lalong lalala ang sitwasyon...mas lalo kaming paghihiwalayin...

"He's here in States Nana" Sagot ni Kuya Riley na ikinalaki ng mga mata ko. "He don't know so relax, I think sa business lang" pahabol nito na ikinabahala ko parin.

Hindi ko pa kayang harapin ito, alam kong ilang taon na pero natatakot ako, kahit alam ko ang kalagayan nito pero hindi lahat...paano kung kasal na ito pero patago lang? Paano kung may mga anak na ito? Possible iyon dahil nasa tamang edad na ito...

"Punta lang ako sa CK kuya"

"Alright, papahatid ka ba?"

"No, malaki na ako no hahah"

"Nahh your my baby parin"

"Ehhh kalóód!"

"HAHAHAHAHAH your bisaya accent is so cute!"

"Bisaya ka rin naman ha!"

"Aish go...ang ingay mo" anito na parang natatalo na sa bangayan naming dalawa.
Natawa nalang ako dahil ganito talaga kaming dalawa mag-usap.

"Okay bye"

"Ingat Nana!"

"Uhum" sagot ko at tumalikod na, napadaan ako sa garden at nakita ko si Mama roon na masayang nagdidilig habang kausap si Kade at nakahiga naman ang aso namin kung naalala niyo iyong aso namin sa Probinsya dinala rin rito sa US.

The Hired Malditang Yaya [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon