Chapter 12

5.9K 127 3
                                        

CHAPTER 12

—CONTINUATION OF FLASHBACKS—

"M-Marry you? Bakit? Teka...Paano si Evelyn?!" Gulat na usal ni Avionna. Pero wala man lang siyang nakikitang emosyon sa mga mata ni Nicklausse. "G-Gusto niyo po ba ako?" pahabol niyang tanong. Hindi na mawala ang panginginig ng mga kamay niya at tuhod kahit naka-upo lang.

Ang bata pa niya para magpakasal. Marami pa siyang pangarap sa buhay, lalong lalo na sa pamilya niya. Hindi niya maintindihan ang boss niya, ang pinagsasabi nito.

"It's just an act, act as my wife, Evelyn and I... we're done," anito.

Hindi. Wala parin siyang naiintindihan. Hindi man siya nakapag-college pero hindi siya bobô sa mga ganitong sitwasyon. Ang sa kanya lang, kapag nagpakasal siya kay Nicklausse ay hindi matutuloy ang pag demolish ng mga bahay sa lugar nila. No feelings involved ba ang agreement na 'to?

"Don't worry," seryusong sabi nito habang nakikita niyang nilalaro ng isang kamay nito ang isang ballpen na paikot-ikot na ang cool tignan. “ I have no intention of having a relationship with you."

--------------

Pumayag siya sa gustong mangyari ng Boss niya. Para sa Nanay niya at sa lugar nila. Hindi naman totoo ang kasalan, sinabi sa kanya ni Nicklausse na act lang daw ito para hindi na ipilit na ikasal sila Evelyn at Nicklausse. Nicklausse know how much Evelyn loved her boyfriend.

Nagulat siya dahil may pakiramdam pala ito. Akala niya ay cold person lang ito, walang paki-alam sa iba. Pero mukhang nagbago ang isip niya ng makilala ang ibang side ni Nicklausse.

Nagulat ang mga tao na nasa Mansion sa nalaman. Sinong hindi magugulat. Isang yaya ay ikakasal sa boss nila. Isang Yaya na akala nila kereda ng boss nila na mas pinili pa siya kesa sa fiance kono nito na si Evelyn.

Ang iba ay umiwas ng tingin sa kanya kapag makikita siya. Hindi niya gusto iyon, iyong ang dami na niyang ka-close tapos ngayon iniiwasan na siya. Siguro pinag-uusapan na rin siya kapag nakatalikod na.

Alam ni Evelyn ang agreement nila ni Nicklausse, masaya ito sa nalaman, napaka-supportive na kaibigan habang siya ay parang pinagbagsakan ng langit at gusto nalang magpalibing sa Lupa.

--------------

Simple Wedding lang naman ang nangyari, kung alam niyo yung 'huwis' sa bisaya iyon ang ginawa sa Wedding nila Nicklausse at Avionna.

Ang tanging naka-attend ay si Evelyn, ang boyfriend nitong si Luke, ang Mayordoma ng Mansion na si Nay Pat, na kasundo niya sa lahat, hindi galit sa kanya at iyon ang ipinagsalamat niya. Alam ito ng Nanay niya pero hindi sana ito pumapayag wala namang magawa dahil ayaw niyang baliin ang agreement nilang dalawa ni Nicklausse. Para rin naman ito sa lugar nila ang ginagawa niya, kaya wala ang Nanay niya ngayon.

Kahit napaka-simple lang ng soot niya ngayon ay napahanga ang mga nandoroon na nakasaksi sa kasalang magaganap kung gaano siya kaganda at dahil fit ang dress na white sa kanya, bakat na bakat talaga ang katawan nito.

Patáy na ang mama't papa ni Nicklausse tanging mga Lolo at Lola lamang nito ang kapamilya na meron ang lalaki. Hindi niya alam kung alam na ba ng mga lolo at lola nito ang kasalang magaganap dahil wala ang mga ito rito. Alam

Hindi naman totoong mag-asawa sila pero grabi yung kaba ni Avionna sa harapan ng pari kasama si Nicklausse. First time niyang makaramdam ng ganitong kaba, hindi niya maipaliwanag, gusto niyang himatayin, gusto niyang may sumampal sa kanya ng malakas, baka panag-inip lang ang lahat ng ito, kaya sana may gumising sa kanya.

"Nervous?"

Napatango siya sa  tanong ni Nicklausse sa kanya. Alam niyang namumula siya ngayon sa klase ng tingin na ibinigay ni Nicklausse sa kanya.

The Hired Malditang Yaya [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon