Chapter 24

2.1K 69 0
                                    

CHAPTER 24

"Kinakabahan ako te,"  usal ni Kade kay Avionna nang nasa harapan na sila ng gate ng school.

Kinakabahan din siya dahil matagal-tagal siyang tumigil sa pag-aaral. May bagong mukha at mga tao na naman siyang makakasalamuha.

"Mag-aaral tayo Kade wala tayong ginagawang masama, kaya pumasok na tayo"

"Sige te"

Umunang pumasok si Kade kasunod niya. Naiilang siya dahil pagpasok pa lang nila ay pinagtitinginan na sila...hindi...itong kasama niya lang pala, nadamay lang siya.

Kahit bákla itong si Kade ay napakagwapo naman kasi nito..hindi sa nagbibiro agaw-pansin ang katawan at kagwapohan nito sa campus, lalo na at napaka-linis nitong tingnan sa suot nitong white polo, matangkad ito at maputi.

Hindi siya umiwas ng tingin sa tingin ng mga estudyante sa kanya kasama si Kade..wala namang malisya pinsan niya ito.

"Te, sabi sa announcement sa GYM tayo magtitipon, nasaan ang GYM?" Mahinang bulong nito, pigil ang ngiti ni Avionna dahil ibang-iba na Kade ang nakikita niya ngayon, kapag sa kanila kasi puno ito ng make-up habang nakangiti ng wagas habang ngayon ay seryuso ang mukha nito at lalaking lalaki ang dating.

"Bákla ka ba talaga Kadey ko?" Pang-aasar niya sa pinsan, tinignan siya nito ng may pang-aasar.

"Oo te, ayoko sa púdáy gusto ko--" malanding sagot nito kaya tinakpan niya ng mabilis ang bibig nito pero tinanggal din niya ng humalakhak ito.

"Tara na nga, magtanong-tanong tayo kung nasaan ang GYM" usal niya at naglakad kasunod si Kade na ngingiti-ngiti sa sagot niya kay Avionna.

Malawak at malaki ang school, kaya hindi na sila nagulat sa pagpasok dahil nakapasok na sila rito nung nagpa-enroll sila.

"Avionna?"

"Sir Von?" Gulat at may pagtatakang tanong ni Avionna sa lalaki na teacher ni Lucian. Bakit ito nandito... Ang naalala niya teacher ito sa mga bata hindi sa college.

"Kilala mo te? Ang pogii" bulong ni Kade sa kanya na siniko niya dahil umaandar na naman ang kálándían nito.

"Anong ginawa niyo po rito?" Tanong niya sa lalaking nakatitig at nakangiti ngayon sa kanya. Naiilang siya dahil sa dalawang dahilan, sa titig nito at baka magtanong ito tungkol kay Lucian.

"I have a brother kasi na nag-aaral din dito, may binigay lang ako sa kanya.. nakalimutan niyang dalhin yung ipinapadala ni Mommy sa kanya e,"

Napatango siya, kapag talaga kaharap niya ang lalaki napaka-open book nito, parang lahat ng problema ay masasabi niya sa lalaki dahil mukhang mapagkakatiwalaan ito.

"It's nice to see na mag-aaral ka na iona"

Napangiti siya ng maliit at nahihiya rito.

"Thank you sir"

"Don't mind it...about Lucian--"

"Kamusta na po si Lucian Sir?!" Mabilis niyang tanong sa lalaki, alam niyang nagulat ito pero gusto niyang malaman ang kalagayan ni Lucian. Naiisip pa lang niya na umiiyak ito parang hinahaplos ang puso niya sa pagsisisi dahil hindi siya nakapag-paalam ng maayos sa bata.

"Akala ko alam mo na... Ipagpatuloy niya sa States ang pag-aaral niya," anito na may pagtataka sa mukha dahil parang naiiyak si Avionna.

"S-Sige Sir...pupunta pa pala kami sa Gym...Nice to meet you"

"It's nice to meet you again Ms. Iona"

--------------

Hindi sila same course na kinuha ni Kade. Tapos na rin silang pumunta sa Gym kaya nandito na siya ngayon sa room kasama ang mga classmate niya na walang pamilyar sa kanya mga bagong mukha.

The Hired Malditang Yaya [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon