Chapter 22

2K 71 4
                                    

CHAPTER 22

UMIIYAK na nakasakay ngayon si Avionna sa isang trysickle papauwi sa probinsya nila. Parang ang bilis lang ng oras, ang naging nangyari kanina ay parang hindi kapani-paniwala. Nang magising si Nicklausse ay gulat na gulat siya. Nakita niya itong bumangon sa pagkakahiga at kinabahan siya ng tinignan siya nito ng masama.

"I remember something Avionna..hindi lahat pero sana hindi ko nalang pala naalala," he said seriously to Avionna. Nakita niya na tumayo ang lalaki, pero parang may kinuha ito sa cabinet nito.

Kinabahan siya sa sasabihin ng lalaki. Tumayo rin siya habang nanginginig ang mga tuhod. Kahit hindi lahat ng memorya ni Nicklausse ay naalala nito pero natatakot at kinakabahan siya.

May saya sa puso niya pero bakit kinakabahan siya. Bakit parang may mali. Ano ang naalala nito?

May dala itong box at seryusong lumapit sa akin. "Here... I am firing you Avionna, that's our ring...ipapahatid ko nalang ang annulment natin sa kasal sa probinsya niyo...I hope you leave this house, this place....safety,"

"A-Anong ibig mong sabihin?!" Gulat na gulat siyang nakatitig sa lalaki.

"Anong naalala mo?" Naiiyak niyang usal, hindi niya na mapigilan ang mga luha niya sa mga mata.

"May sarili naman siguro tayong privacy Avionna," sarkastiko nitong sagot kay Avionna.

Napanganga si Avionna habang naluluhang napatitig sa seryusong lalaki na nagsabi non. Bakit nag-iba ito? Hindi ito ang Nicklausse na nakilala niya.

"Asawa mo ako Nick!" Usal niya habang napahawak sa puso niya dahil parang hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman ngayong gabi.

"I know..but I need to end US Avionna, don't ask just fvking leave and fvking sign the annulment of our wedding later.." Galit nitong sagot sa kanya.

Wala siyang maisagot. Naluluha siyang nakatingin sa lalaking parang yelo kung makipag-usap sa kanya. Parang bato na ang hirap biyakin. Ano ang nagawa niyang kasalanan noon na ganito ka lala ang nararanasan niya ngayon?

"A-Ayoko Nick--"

"Your so stúpid and désperate Avionna, leave me be, leave us." Sabi ni Nicklausse at narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Tumalikod ito sa kanya na parang hindi ito natutuwa sa presensya niya.

Parang lahat ng sakripisyo, mga nararamdaman na sakit, selos ay napalitan ng pagsisisi, ang dami dami niyang ginawa para sa lalaki pero ito lang pala ang kapalit ng ginawa niya. Ang tratuhin siyang isang estranghero pagkatapos siya nitong maalala. Sana pala hindi na ito naka-alala. Sana hindi na bumalik ang ala-ala nito edi siguro hindi magkakaganito. Sana pala umalis na siya nung una palang..Ang daming sana..pero wala ng magagawa pa dahil iyon siguro talaga ang sadya ng tadhana sa kanya.

"I-I'm sorry." Napatakip siya sa mukha sa sobrang bigat ng naramdaman, mga iyak niya na hindi na niya napipigilan, ang mga iniisip niya na hindi na tumutugma sa nangyayari.

"I'm sorry if I ever looked so desperate and stúpid, for doing the things that I should not have done." Garalgal na ang boses niya at tumingin kay Nicklausse na hindi parin nag-iiba ang emosyon sa mukha.

'Bakit ka ganyan?' usal niya sa isipan niya.

"I'm sorry for still trying to pick up the pieces of our past, for hoping na babalik ka rin sa akin balang araw," Pinahiran niya ang luha niya sa mga mata at umayos na tumayo habang nakatingin parin kay Nicklausse. "Pasensya na kung nakahawak pa rin ako sa mga pangako mo, for holding you on... A-Ang hirap mo kasing bitawan, ikaw kasi yung comfort ko sa lahat ng dilim na nangyayari sa akin kapag nalulungkot ako." Pinahid ulit ni Avionna ang mga luha niya na hindi na niya mapigilang ipatigil. Ang mga hikbi niya at ang boses na may pagsusumamo.

Sobrang pagod na pagod na siya. Sobrang nasasaktan na siya. Gulong-gulo na siya sa nangyayari. Ayaw na niya talaga.

"Ang sakit lang isipin na hinintay kita ng ilang taon, ginawa ko ang lahat para sayo, tinanggap ko lahat ng kasalanan mo dahil mahal kita...but you wouldn't do the same for me....Pero alam mo ba?" Hindi na maintindihan ang sinasabi niya dahil sa hikbi na sumasapaw.

Umatras siya papalayo sa lalaki pero tumigil din. Parang nawawalan siya ng hininga kapag malapit ang lalaki, parang nawalan na siya ng karapatan.

Parang dito na matatapos ang sa kanilang dalawa.

'Bakit parang ayoko pa' usal niya sa isipan niya.

"Sabi ko noon, I would rather be the type of girl who would wait until you do realize you want me, hindi kasi ako katulad ng ibang na madaling pasukuin, though it may sound stupid, dahil alam ko naman nung una palang na wala na talaga akong babalikan pa at hindi ka na babalik sa akin, at l-least you'll know how much I loved you, kahit sa panag-inip ko lang talaga iyon nangyayari, kaya lahat tinanggap ko, nag stay ako rito, inalagaan ko ang anak mo, tinanggap ko ang pagkakamali mo dahil may pagkakamali rin ako...Pero... Nakakapagod na talaga...Nakakapagod ka ng mahalin," Nakangiting usal ni Avionna habang garalgal ang boses at puno na ng luha ang mga mata.

"A-Aalis ako sige pero ito ang sasabihin ko, ayaw ko na ring makita ka pa" usal niya.

"Avionna --" anito pero tumalikod na siya at tumakbo papatungo sa kwarto niya para mag-impake. Gabing-gabi na pero pinapa-alis siya nito. Kaya ngayon umiiyak siya na sakay sa trysickle buti nalang may dumadaan pa. 

"Ayos ka lang ba ineng?" Nag-aalalang tanong ng driver.

Hindi siya nakasagot at nakayuko parin habang tumutulo ang luha niya, yakap ang bag ng gamit niya. Tumigil ito na parang may pasaherong sasakay.

"Ah hindi na pwede Mrs. Nagmamadali kasi kami nitong anak ko. Oo eh." sagot ng Manong sa sasakay na sana.

Napaluha siya lalo dahil parang alam ng Manong Driver na sobrang nasasaktan siya ngayon. Na ang bigat ng pakiramdam niya. Na kailangan niyang mapag-isa.

Nanatiling lumuluha si Avionna sa oras na iyon. Parang lahat ng pagod niya ay pinadaan na lamang sa mga luha niya.

'Panalo ka na Ofelia' usal niya sa isipan niya. 'Sana mas mahalin mo siya ng sobra katulad ng pagmamahal ko kay Nicklausse'

Pinapangako niya sa araw na iyon, na wala ng Nicklausse sa buhay niya. Binura na siya nito siya naman ngayon ang bubura sa lalaki sa isipan niya pati sa puso niya.

Nang makarating sa bahay nila ay yumakap siya sa Nanay niya ng nakangiti at sinabi ang lahat ng nakangiti, plastik man tingnan pero ayaw niyang umiyak sa harapan ng Nanay niya pero parang kabaliktaran ang nangyari ito ang umiiyak at humihingi ng tawad sa kanya. Hindi naman siya nagsisisi na magpunta sa city, hindi siya nagsisisi na makilala si Nicklausse pero nagsisisi siya ng tumibok ang puso niya sa lalaki.

Nakakatakot lang na how someone would make you feel like you mean everything sa kanila at sasaktan ka lang like you are a worthless person in the end. Sana nung una palang alam na natin ang totoo at ang hindi. Nakakatakot magtiwala dahil at the end we're being betrayed in return.

Nagagalit si Avionna how pure her intentions are and still end up being taken for granted. Natatakot na siyang ma-inlove. Dahil kahit anong mahal mo sa isang tao, someone will still make you feel like you're not enough.

"At the end of the day, promises are just words" usal ni Avionna habang nakaupo sa sulok ng madilim niyang kwarto and it's 3:34 AM. Tulala siyang nakatitig sa kawalan at napangiti rin kalaunan. Napatingin siya sa pulso niya na may kaunting dugo. She tried to kíll herself, she tried suicídé pero may narealized siya, paano ang Nanay niya? Ayaw niya itong iwanan.

TO BE CONTINUE....

The Hired Malditang Yaya [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon