Chapter 2 - Joshua

70 9 0
                                    

TEKA, POSIBLE BANG MAY NALAMAN SI FELLY KUNG SINO ANG MASTERMIND?











"HOLY SHIT!" sigaw ko habang nasa kotse ako. Hindi ko na sinama si Zoe, sya na ang pina-iwan ko with Paolo dun sa may chapel para may kasama si Pao. I'm stuck on either uuwi ba ako ng bahay, o tatawagan ko muna si Jea para hindi kami magka-salubong.

Tinawagan ko muna si Jea syempre, one mistake can ruin all of our plan.

Pero hindi sya nasagot.

Nasa byahe na kaya 'yun pauwi?

Yeah, i guess so.

Dumiretso na ako ng uwi sa bahay after the third miscall.

Pagka-uwi ko ng bahay, naka park sa labas ng subdivision ang kotse nya.

Hmmm, that's odd.

Pagka-dating ko sa bahay, madilim. As usual, walang tao eh.

Pero meron ring mga yellow tape. Pero wala nang mga pulis.

Shit, i totally forgot na kailangan nga pala nilang mag-investigate dito, kaya kay mama dapat na bahay ako umuwi...

And buti na lang naabutan ni Jea na walang mga pulis rito. I totally forgot to tell her.

Pagka-pasok ko ng bahay, dahan-dahan akong naglakad. Hindi ko kaagad tinawag ang pangalan nya dahil meron ring mga microphones na naka-lagay dito sa bahay secretly.

Both Jea and i found that out nung pagka-uwi namin galing Hong Kong. Kaya siguro alam nung mastermind kung saan kami dapat pupunta ni Jea nun.

Nagulat na lang ako nang may biglang humila sa'kin sa bodega namin sabay takip sa bibig ko.

"Hmmpphhh!!!!" Sigaw ko. "Shhh!" Nang makita ko clearly ang mukha, si Jea pala. Sinarado nya na rin 'yung pinto kasabay nung pag-hila nya sa'kin sa loob.

I nearly got a heart attack from that.

Nag sign sya na merong mga microphones pati dito kaya nag sign kami.

May dala rin syang ballpen, thankfully. Kaya isinulat nya 'yung gusto nyang sabihin sa palad nya.

"I found your hidden cameras."

Tumangad ako nang matapos ko basahin at niyakap sya sa sobrang tuwa. Ambilis nyang nahanap 'yung hidden cameras ko dito sa bahay.

Hiningi ko sakanya 'yung ballpen at sinulat ko rij sa palad ko ang gusto kong sabihin.

"I think may nalaman si Felly kaya sya pinatay."

After nyang basahin, naging malungkot ang aura ng mukha nya.

Nang may isusulat pa ako, biglang may tumawag sa labas.

"Jane? Jane andito ka ba?" Tawag saakin.

Si Joshua 'yun ah? Anong ginagawa nya rito?

Nang medyo makalayo-layo na 'yung boses nya, niyakap ko ulit si Jea and pecked a kiss on her cheek, bago ako lumabas ng bodega.

Since madilim ang bahay ko, hindi ako kaagad makikita ni Joshua na lumabas ng bodegaz that's why i'm positive.

Mga 2 minutes after kong lumabas, nagpakita si Joshua.

"Uy Joshua! Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko, pagkatapos kong isara 'yung pintuan ng bodega. "Hinahanap kita, tama nga ako."

"H-ha? Tama saan?" Tanong ko.

"Tama akong nandito ka. Sabi na nga ba nalimutan mo 'yung sinabi ng mga pulis kanina na bawal ka muna o kahit na sinong tao dito eh." Sagot nya sa tanong ko.

Two Ghosts 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon