Chapter 6 - Batch

83 9 7
                                    

UNTIL...

















"SINONG NARIYAN?" Teka, kilala ko kung kaninong boses 'yun ah? Si ma'am Principal ba 'yun? "Ma'am?" Sigaw ko pabalik sa tao sa baba habang naka "shhh" sign ako para kay Jea. "Jane? Ikaw ba 'yan iha?" Nang ma-confirm kong si ma'am nga, hindi ko pa din pinakita si Jea. I can't risk it, mahirap na. Baka nasabihan na sya nung culprit namin. Tsaka why is she here on a sunday?

"Can i come up?" Tanong ni Ma'am Principal.

"Ay ma'am, pababa na din po kasi ako. May kinuha lang akong books dito." Dahilan ko pa sakanya.

Bago ako bumaba, sinenyasan ko si Jea na bumaba pag medyo nakalayo-layo na kami ni ma'am Principal.

Tapos nang makababa ako, nag-usap kami hanggang sa makarating na kami sa parking lot.

Lumilingon-lingon ako, baka sakaling makita ko si Jea na bumaba ng tree house at kung saan sya pupunta, para masundo ko sya ng kotse. Tapos napansin ako ni ma'am Principal.

"Jane? Is there something wrong?" Tanong ni ma'am Principal. "Ha? Po? Wala naman po ma'am. Bakit po?" Tanong ko pabalik. "Ah, kanina ka pa kasi palingon-lingon, is there something bothering you?" Umiling ako. "Nako ma'am, wala po. I'm totally fine. Worried lang ako kasi baka hindi ko nasarado ng maayos 'yung pintuan ko sa tree house." Pagsisinungaling ko ulit sakanya.

"Don't worry, i'll check it later." Pag assure pa sa'kin ni ma'am.

Hindi na din ako humindi kasi alam kong by that time, nakababa na si Jea.

"Teka ma'am, bago po ako umalis. May i ask bakit ka po nandito ngayong umaga? At sunday po?" Tanong ko.

"Ahhh, may program kasi kami bukas. Ako lang ang nauna sa other teachers. We will help the art club members na mag design ng buong school." Saad nito sa'kin.

"Ohh, ganon po ba? Eh hanggang anong oras po kaya kayo rito?" Tanong ko ulit sakanya. "Until matapos siguro namin 'yung designs for tomorrow." Sagot nya.

"Hmmm may maitutulong po kaya ako para mapabilis 'yung gagawin nyo?"

"Nako iha, 'wag na. Kaya na namin 'yun!" Sagot nya ulit sa'kin. "Hindi ma'am, ganito na lang. I'll pay a visit later mga lunch time. Mag n-nap lang ako sa hotel tapos balik ako dito with some foods with me. Paki dm na lang po kamo ako if ilan kayong total later?" Saad ko.

"No Jane, it's really ok--"

"It's okay ma'am, mamaya pa naman kami mag s-shoot ng madaling araw." Saad ko pa. "Is that so? Sige, i'll keep you in touch iha. Thank you."

Papasok na sana ako ng kotse nang bigla nya akong hawakan sa braso ko.

"Jane, i nearly forgot. My condolences." I smiled at ma'am principal then proceeds to enter my car.

Akala ko okay na ako, akala ko i moved on from that. Hindi pa pala.

Pumasok ako sa kotse tapos habang nagmamaneho ako at hinahanap ko si Jea,  tinawagan ko muna si Paolo na agad naman nitong sinagot.

"Ate Jane? Bakit ka po napatawag?" Tanong ni Paolo. "Kamusta dyan? Kamusta sina nanay at tatay mo?" Tanong ko. "Ayos naman po, ito, wala rin po silang mga tulog." Saad nito.

"Oh, eh diba pinapunta ko na sila sa hotel? Bakit wala pa din?" Tanong ko ulit. "Bumalik po nung mga madaling araw eh. Hindi raw sila mapakali na ako lang daw po mag-isa ang nagbabantay."

Habang nagsasalita si Paolo, nakita ko na si Jea sa may back exit ng school. Titigil ko sana 'yung kotse pero umiling sya na huwag na, kaya nagpatuloy ako mag-maneho habang lumilingon ako sakanya.

Two Ghosts 2Where stories live. Discover now