Chapter 4 - Mad at You

87 10 3
                                    

"MAY GUSTO KA SAKANYA?"






"HUY GAGI WALA!" Pag deny nya pa sa'kin. Buti naman at wala. Dahil kung meron, jusko bababa talaga ako sa kotse nya. Mamamatay ako sa selos pag makita ko silang magkasama. "Ba't mo pala natanong?" Tanong nya. "Eh wala lang, kasi parang ang close mo sakanya eh, tayo naman 'yung matagal nang nagkakaroon ng interactions tas meron pa tayong teleserye nung mga nakaraang taon." Sagot ko naman sakanya. "Uy, selos ka 'noh?"

"Anong pinagsasabi mong selos dyan? Eh wala naman na kami." Inirapan ko sya pagkatapos ko mag-salita.

"Hindi naman sa'kin, nagseselos ka sakanya kasi nakukuha ni Jea attention ko." Aba naman talaga Joshua Garcia???

"Aba ang kapal talaga ng mukha mo boy 'noh?" Sabay hampas ko sakanya habang hawak-hawak nya 'yung manibela ng kotse.

"Aray! Pag tayo nabangga ah HAHAHAHA."

"Uy 'wag naman ulit, katok ka nga!" Pagbibiro ko pa. Tapos si mokong, kumatok rin naman HAHAHAHA.

Uto-uto talaga.

Ilang oras pa, nakarating na kami sa set. Nandun na rin si Zoe sa may dressing room nang makita namin. Kaming tatlo na lang pala hinihintay.

"Hi Jane! Thank god you're already here!" Saad ni Zoe sabay beso sa'kin. "Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko. "Janella's already mad na kasi because she said that you three are all moving slow."

Wow in character ang baby ko.

"Sabihin mo nga dyan sa pinsan mo na alangan namang paliparin namin 'yung kotse ni Joshua at Kim sa sobrang traffic sa highway? Mag isip-isip kamo sya bago ako mapuno sakanya ah." Saad ko naman na in character din na kunwari ay galit sa gf kong maganda pero mataray.

Pero i'm wondering kung galit ba talaga sya kasi hanggang ngayon hindi nya pa din binabasa 'yung message ko sakanya.

"Oh kalma, ang puso mo Jane. Bawal ma-stress." Narinig ko si Amy na nagsalita.

"Amyyyy!!!" Sigaw ko. "Janeee!!" Sigaw nya rin pabalik sa'kin para i-mirror 'yung energy ko.

"By the way, before the topic gets changed, tita Evelyn said that you have an appointment to the doctor tomorrow. I promised tita that i'll make sure na pupunta ka there." Saad ni Zoe.

"Gosh, wala talaga akong kawala sainyo eh 'noh?" Half-meant joke kong sabi.

"We're going to film your scene up in 30 minutes. Joshua and Kim, kayo na muna sa scene na 'to. Sunod na si Jane and Janella." Utos sa'min ni Zoe.

"Oh pa'no ba 'yan, maiwan muna namin kayong tatlo dito ni Amy?" Saad ni Joshua tapos nagw-wink pa sa'kin.

Edi mas lalo syang nahalata ng ibang walang alam na may sasabihin sa'kin si Amy na importante?

Loko talaga.

Minsan para syang tulad ni Kim eh, nahahanginan rin utak.

Pagka-tapos nilang lumabas, pinalabas rin ni Amy 'yung make-up artist ko tapos sya na nagtuloy ng make-up. Tinanong nya lang kung anong klaseng retouch ba gagawin sa'kin para magawa nya ng maayos.

After lumabas nung make-up artist, nagsimula na syang magsalita.

"Ano, kamusta ka?" Paunang tanong nya kaagad sa'kin. "Amy, you know how much i hate 'yang mga paligoy-ligoy. Be straight forward. Ano ba 'yun? Important ba?"

"Ito naman, masyadong seryoso. Kina-kamusta ka lang eh. Init agad ulo mo."

"Wala ka pa bang tulog?" Pagbibiro pa nito sa'kin.

"Amy." Tawag ko ulit sa pangalan nya.

"Biro laaang!" Tapos sabay tawa nya. Nang-aasar pa eh. Hilig talaga mang-asar.

Two Ghosts 2Where stories live. Discover now