Chapter 8 - Brown Envelope

98 8 14
                                    

"HEY GUYS!"



JANE'S POV





AKALA KO BA MASAKIT ULO NYA? Bakit nandito sya kasama si Joshua at nagp-party pa? Well, i just got ignored. Alam ko naman na i shouldn't be talking to her pero how could i just ignore her kung masama na nga pakiramdam nya tapos pumunta pa sya rito? "Uy 'di mo lang ba papansinin dearest ex mo?" Pang-asar pang saad ni Joshua sa'min. "Don't make this look so awkward for us now, Joshua." Jea said. Wow ah, nakaka-sagot kay Joshua pero sa text ko hindi? UGHHH, BAKIT KO BA PINAGC-COMPARE?!

"Kararating nyo lang rin ba?" I asked again, making a small talk. Tumango si Joshua tapos sinabing, "Oo, sinundo ko lang rin 'to sakanila, mukhang masama rin kasi ata ang pakiramdam."

Anong masama ATA? Masama talaga pakiramdam nyan tapos sinama mo pa sa ganito.

That's what i want to tell him.

Namumutla nga eh oh.

"Is that so?" Madiin kong ngiti na sabi sakanila. "Teka batiin  lang namin 'yung mom ni Kim sa loob." Saad ni Joshua, but i won't let him go alone with Jea. "Sama na ako, hindi ko pa rin kasi nababati."

"Ahh, eh... Hmmm." Nag-aalinlangan pa ata ang loko. "Is there a problem?" Tanong ko. "Wala naman sa'kin, pero sainyo... Mukhang meron." Ahh, sa'min pala.

"Wala, ayos lang naman sa'kin, eh sa kasama mo ba?" Mataray kong saad.

Medyo totoo na 'yung taray ko at this point dahil nga sa naiinis ako kay Jea. Nag ganito-ganito pa eh alam nya naman na sa sarili nyang mahina at may sakit sya ngayon.

Napaka stubborn ng babaeng 'to.

"No, it's fine. You can go with us if you want." Saad nya. "Jerk." Dagdag nya pa sa pabulong nyang boses na tanging si Joshua lang ang dapat makarinig.

Alam ko naman na it was meant for Joshua to hear that para hindi sya mag suspetcha sa'min, pero i was hurt syempre.

Being called a 'Jerk' by your girlfriend isn't really a nice thing to say.

Pero anyways, the three of us proceeded to go inside tapos we were greeted by the maids and sakto na ring nakasalubong namin si Kim.

"You guys made it!" Sabay yakap sa'ming tatlo na akala mo'y nagkaka-sundo kami at silang dalawa ni Jea.

"Wow, bati yarn?" Asar ni Joshua. "Shut up, i'm doing this for my mom. Gusto nya kayo makita, lalo na kayong dalawa, Jane and Janella. You both are her idols."

"Wow, i am flattered." Sagot ni Jea sakanya with a weak smile. "Oh, why do you look so pale? And..." Hinawakan nya ang dalawang pisngi ni Jea pati na rin ang leeg to check her temperature siguro.

"You're hot too!" Dagdag pa nito. "I mean, you're not hot... You're hot like hot talaga, not like hot, but real hot." Hahaha, i get it kung anong pino-point nya at kung bakit sya nahihirapan mag explain.

Well, gay panic i guess?

"Argh! Anyways, my mom's right there. Wanna go to her and greet her?" Tanong ni Kim, so tatlo kaming nag agree dahil ayun naman ang pakay naming tatlo kung bakit kami nandito sa loob ngayon.

Marami pa ring bisita kahit na nandito na kami sa loob, mukhang naloko lang ata kaming tatlo na family and friends lang ang nandito.

This bitch.

"Mom, they're here." Kim said with a smiley face tapos inintroduce nya kami sa mom nya isa-isa. "This is--"

"I know. You can leave." Malamig na bulong ng mom ni Kim sakanya, tapos bumusangot na ang mukha nito.

Two Ghosts 2Where stories live. Discover now