Panimula

11 2 0
                                    

"I was waiting for something extraordinary to happen but as the years wasted on nothing ever did unless I caused it." - Charles Bukowski.

EMMANUELLA POINT OF VIEW

"Exam na natin bukas, nakapag-review kana ba?" tanong ni Edith sakin habang ngumunguya ng chichirya.

"Hindi pa. alam mo naman 'yon kalagayan ko ngayon Edith. nasa hospital si papa at kailangan nyang maoperahan sa ano man oras samantalang alam mo naman ang ugali ng step mother ko." napabuntong hininga ako ng sobrang lalim. hindi ko na rin alam gagawin ko sa sitwasyon ko ngayon.

"Naku Ella, Pasensya na talaga ha? walang wala rin kasi ako. kailangan magdouble kayod kahit studyante pa lang tayo. 'yon kapatid ko rin kasi nasa hospital," pagpaumanhin niya kaya naman ningitian ko siya.

"Okay lang Edith, naiintindihan ko." maikling wika ko saka napatitig na lamang sa kawalan.

Ella, Short for Emmanuella. hindi ko rin alam kung saan nangaling 'yon pangalan na yon at feeling ko masyadong classy pero maganda naman. ang alam ko ang mismong nanay ko nagbigay ng pangalan ko bago siya mawala dito sa mundo.

Sinunod naman ni papa ang pagpangalan sakin, natatakot ata na baka multuhin siya ni mama.

Pagpasok ko sa hospital ay dumiretso agad ako sa elevator saka pinindot ang floor 6th at saka hinanap ang kwarto kung nasaan si papa.

Room 527...

Pumasok ako sa kwarto na 'yon and as usual, hindi ko alam kung bakit walang bantay sa kwarto niya. private ang hospital na ito, ito lang kasi 'yon medyo malapit samin kaya masyado rin malaki 'yon babayaran namin.

"Pa," pagtawag ko sa natutulog na si papa.

Comatose sya. naalala ko pa noon nangyari yon, bago sya ma-comatose. naguusap lang kami sa kung ano anong mga bagay pero bigla siyang parang nanigas saka siya napatayo. mukha rin syang matutumba nun kaya inalalayan ko siya pero bigla na lang siyang napahiga sa sahig at nawalan malay, sinisi ako nila mama—my stepmother dahil kasalanan ko raw lahat. ako lang naman raw kausap ni papa nun. baka raw may ginawa ako.

Nalaman namin na may stroke siya at hindi naagapan ang pagpunta dito sa hospital kaya nauwi sa pagcocomatose niya. sabi ng doctor medyo malabo raw magising ulit si papa at ang kailangan raw nito ay operation para kahit papaano ay umayos ang lagay ni papa.

Yon nga lang, umaabot ng 50k ang pagpapaopera. saan kami hahanap ng ganun pera? mahirap lang kami. house wife si mama kasama ang dalawang step sister ko na feeling prinsesa na sa bahay habang tricycle driver lang si papa.

Pwede raw na sanhi ng stroke ni papa ay init dahil nga tanghaling tapat nagtratrabaho sya bilang tricycle driver.

"Pa, namimiss na kita. pa, gising kana huh? pa, promise. magiging mabuting anak na ako sayo. hindi ko na sasagot sagutin si mama. pa, balik ka na. ikaw na lang 'yon kakampi ko." bulong ko sakanya at napatingin sa heartbeat nya na nasa gilid. nagulat ako ng bigla itong nagtuwid ng linya kasabay ng nakakabinging tunog na syang nagpatulo ng luha ko. mabilis kong pinindot ang button na nasa gilid ng kama habang patuloy sa pagluha.

"Pa!" sigaw ko. "Doctor, doctor. kailangan namin tulong! tulongan nyo 'yon papa ko! parang awa nyo na!" pagmamakaawa ko sa mga doctor kahit alam kong hindi nila maririnig.

May pumasok na mga doctor kasunod ng tatlong nurse na pinalabas muna ako. mula sa labas ay nakikita ko kung paano nila sinubukan i-revive si papa.

Napaupo na lang ako sa waiting shed. hindi ko na alam gagawin ko. walang wala na ako.

Wala na akong kakampi.

Bukod kay Edith.

"God please. tulongan nyo si papa na makaligtas sa kamatayan. hindi ko kakayanin na mawala si papa sa akin." tumulo ng tuloy tuloy ang luha sa magkabilang mga mata ko habang nakayuko ako at hinahayaan ko lang na pumatak ang mga luhang 'yan.

Back to the past (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon