Kabanata anim

1 1 0
                                    

EMMANUELLA POINT OF VIEW

"Emmanuella!"

Nagising ako dahil sa pag sigaw na yon kaya mabilis kong inayos ang sarili ko at bumaba, nakita ko naman doon sila kuya's pero wala si ate dahil syempre tinakas namin sya.

"Saan ka nangaling kagabi?" wika ni kuya Jasper at sinamaan ako ng tingin kaya napalunok ako ng bahagya.

"Oo nga, saka bakit parang hindi lumabas buong maghapon si Josephina kahapon?" tanong ni kuya Jose.

"Oo nga, nasaan si ate?" tanong naman ni Emmanuel kaya napalunok ako ng mariin at hindi alam ang isasagot. mabuti na lamang ay dumating si dad na masama ang tingin sakin.

"Emmanuella!" sigaw nya pa.

"Dad, bakit ganyan ka makatingin kay Emmanuella?" wika ni kuya Jose.

"May kailangan tayong pagusapan," kinabahan ako pero agad tumango. may kinuha syang isang envelope. hindi ko alam ang tamang tawag nila ng ganyan sa panahon na to, basta 'yon. "Tingan mo yan." wika nya kaya agad kong binuksan ito at tiningan ang mga litratong nasa loob nun. nagulat ako at hindi agad nakapagsalita na nabitawan iyon.

Litrato namin.

Litrato namin ni Sebastian habang magkahawak kamay. magkayakap at magkasamang nagtatawanan.

"Ano ang ibig sabihin ng mga litrato na yan Emmanuella?" sigaw nya sakin. tumulo yon butil ng luha ko. "Ano? hindi ka sasagot? simula sa araw na ito, hindi ka makakalabas sa bahay na ito hangga't hindi ka pa ikinakasal kay Patricio," wika nya kaya gulat akong napatingin sakanya.

"Ano? Pero ama!" angal ko.

"Ama, huwag nyo itong gawin kay ate," pagmamakaawa ni Emmanuel habang malungkot na nakatingin sakin. oo nga pala, malapit kami sa isa't isa nito.

"Tumahimik ka!" sigaw nya kay Emmanuel kaya napagitla ang bata at napatago sa likod ng mga kuya namin habang umiiyak.

"Ama, huwag mo sigawan si Emmanuel!" suway ni kuya Jose pero hindi sya pinansin ni ama at ang mga matatalim na tingin nito ay tanging nakatingin lamang sakin.

"Ano ba ang nangyayari dito?" sulpot ni ina na tiningan kami isa isa. "Joseph, bakit umiiyak sila Emmanuel at Emmanuella?" tanong ni ina na animo'y litong lito. napatingin sya sa litrato na nasa lamesa saka napatakip ang dalawang kamay sakanyang bibig. "Totoo ba ito Emmanuella?" tanong nito.

"Opo, totoo ang lahat ng nandyan sa litrato. umaamin na ako. minamahal ko ang ginoong yan at walang makakapigil sakin na huwag mahalin ang isang ginoong makisig kagaya nya." wika ko habang ang mga luha ay patuloy sa pagpatak. mabilis nya akong sinampal na kinagitla ng lahat at kinaputok ng gilid ng labi ko. napatingin ako sa bintana ng amin tahanan.

Umuulan.

"Mula ngayon, ayaw kong malalaman na nakikipagkita ka sa ginoong iyan dahil kung hindi..." halata sa boses nito ang pagtitimpi habang nakatingin sakin. "Papatayin ko sya," wika nito at mabilis kaming nilisan.

Napahagulgul ako. agad lumapit sakin si ina, ramdam ko ang pagmamahal nya ng lumapit sakin pati ang yakap ng isang ina na hindi ko naranasan man lang kahit kanino.

"Ate!" umiiyak na wika ni Emmanuel at tumakbong lumapit sakin. sinalubong ko sya ng yakap. ganun rin sila kuya Jasper at kuya Jose.

Alam ko, magiging maayos rin ang lahat.

"Binalaan na kita Emmanuella, sinabihan na kita ukol sa nasabing pinagbabawal ngunit tila napakakulit mong binibini," napapailing na wika ni kuya Jasper habang ginagamot nya ang sugat sa gilid ng labi ko habang nandito kami sa akin silid.

"Pasensya na. mahal ko sya at hindi ko mapipigil ang aking damdamin." wika ko, napailing sya at napabuntong hininga.

"Paano ba yan? mas lalo lamang lumala ang sitwasyon." wika nya muli saka inayos ang mga paunang lunas na ginamit nya sakin dahil tapos na nya akong gamutin.

"Pasensya, kasalanan ko." nakayuko kong wika. hindi sya nagsalita dahil isang mahigpit na yakap ang kanyang ginawad sakin.

Napakasarap sa pakiramdam.

"Ano? ginawa talaga ni ama iyon?" gulat na wika ni ate Josephina sa telephono. simula nun umalis sila dito at tumakas ay hindi naman nawala ang usapan namin sa telephono. nagkakausap pa rin kami kumbaga. "Gusto mo ba itakas rin kita dyan—?" pinutol ko ang sasabihin nya.

"Hindi ate," kaagad na wika ko. "Baka ikaw ang mahuli kaya hindi ako papayag." dagdag ko.

"Pero papayag kana lang na ipakasal na Patricio na iyon?" wika nya. umiling ako kahit hindi nya ako nakikita.

"Gagawa ako ng paraan," wika ko. "Ate, napaaga kasal namim kaya sa susunod na araw ay kasal na namin. pwede ka bang pumunta? pero kung ayaw mo, okay lang naman—" pinutol nya ang sasabihin ko.

"Hindi, pupunta ako." wika nya. "O sya, mauuna na ako sayo Emmanuella sapagka't kami ay kakain na ng aking asawa," narinig ko pa ang paghagikhik nito ng banggitin ang salitang 'asawa' na syang kinailing ko na lang bago mamatay ang tawag sa telephono. mabuti pa si ate. tila nagkakamayaw sa saya ang kanyang puso samantalang ang akin ay tila nagluluksa.

"Si Josephina ba yan?" gulat akong napatingin sa likod ko saka napalunok.

"K-Kuya..."

"Huwag kang magalala, tayo lamang ang makakaalam nito." wika nito kaya napabuntong hininga ako. "Kaya sagutin mo 'ko, si Josephina ba yan?" tanong nya ulit na dahan dahan kong kinatango.

"O-Opo, si Ate Josephina yon,"

"Alam mo kung nasaan sya? kamusta ang kalagayan nya? uuwi pa ba sya? anong tunay na nangyari sakanya at bigla syang nawala?"

"Kuya isa isa lang, mahina ang kalaban." wika ko at pinaupo sya sa unahan ng higaan ko.

"Sagutin mo ang tanong ko Emmanuella," wika nito at tumingin sakin. nagniningning ang kanyang mga mata na nakatingin sakin kaya napabuntong hininga ako. napagmahal talaga syang kapatid. tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa pintuan pero bago ako lumabas ay nagiwan muna ako ng mga salita na alam kong magpapagaan sa kanyang loob dahil alam kong nagaalala sya kay ate Josephina.

"Okay lamang sya. huwag kang magalala at kung nasaan sya? pasensya na kuya ngunit hindi ko pwedeng sabihin sayo ang tungkol doon. mauuna na ako," wika ko at humarap sakanya upang magbigay galang saka ako tuluyan lumabas ng aking silid.

Ayokong ipahamak si ate. sa ngayon, wala muna akong ibang pinagkakatiwalaan kung hindi ang sarili ko at ang aking lalaking iniibig.

Back to the past (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now