Kabanata walo

1 1 0
                                    

EMMANUELLA POINT OF VIEW

Maaga akong ginising nila kuya sapagka't ngayon na ang kasal ko, ang kasal na kailan man ay hindi ko magugustuhan. tamad akong nagayos ng sarili. may mga nagayos na rin sakin pero wala pa rin emosyon ang aking mukha. walang kasigla sigla. hindi ko gusto ang ideya na 'to.

"Nandyan na ang kalesang sasakyan mo patungo sa simbahan kung saan ka makikipag isang dibdib kaya lumabas kana r'yan." hindi ako nagsalita sa sinabi ni kuya Jose at saka lumabas na. ngumiti sya ng mapait sakin.

"Patawad, wala akong magawa upang pigilan ang ating ama." tumango lang ako at ngumiti upang sabihin na ayos lang. wala na akong gana pang magsalita. feeling ko kasi babagsak na 'yon mga luhang pinipigil ko.

Nakarating kami sa simbahan kung saan raw 'kuno' ako ipagkakaisang dibdib ng amin ama, maganda ang venue. marami ang mga bisita dahil siguro maraming kaibigan sila ama at ina. 'yon iba ay mga kamaganak namin.

"Kamusta?" wika ng kung sino kaya napalingon ako doon. ito 'yon ginang na una kong nakita, yon tumawag sakin. kasama nya rin 'yon kasama namin noon mga oras na 'yon.

"O-Okay lang po," umiwas ako ng tingin.

"Pasensya na kung hindi kami nakakabisita sa inyong tahanan, marami kaming ginagawa nitong mga nakaraan araw," wika nun isa kaya tumango ako.

"Ayos ka lang ba talaga?"

"O-Opo..." pinilit kong ngumiti ng makita kong dinilatan ako ng mata ni ama. "Ayos lamang po ako," wika ko at tumingin ulit sakanila, sabay silang tumango.

Nagsimula ang seremonya. nauna syempre ang groom hanggang sa ang iba na.

At ito na.

Ako na 'yon lalakad.

Pinangarap kong ipakasal sa simbahan pero kasama ang taong mahal ko.

Lahat ng tao sa loob ng simbahan ay sinusundan ako ng tingin, lahat sila ay manghang mangha na nakatingin sakin samantalang 'yon mukha ko ay kanina pa hindi maipinta. napatingin ako kay ama na sumesenyas na ngumiti ako. pinilit kong ngumiti pero nauwi lang sa ngiwi kaya nakatanggap ako ng masamang tingin.

"Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espirito, Santo." nagwasik pa sya samin lahat. lahat naman ay nagsabi ng amen bilang pag galang. "Ama naming makapangyarihan, iyong itinalagana ang pag-iisang dibdib ay maging sagisag ng pag-ibig ni Kristo sa kanyang banal na Sambayanan. Sa pinagdurugtong na buhay nina binibining Emmanuella at Ginoong Patricio na ngayo'y mangibabaw ang ipinahahayag nilang pagmamahalansa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu santo," dagdag nito.

Nagpatuloy ang seremonya. hindi ko na pinakingan pa dahil hindi ako mapakali at tumitingin sa paligid. hindi ko tiningan si ama na alam ko kanina pa nakatingin sakin.

"Hinihiling ko ngayon na buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong damdamin sa isa't isa," wika nito. akala ko pupunta sya? si ate? bakit hanggang ngayon wala pa rin silang dalawa? "Ikaw babae, bukal ba sa iyong loob ang iyongpagparito upang makaisang-dibdib si Ginoong Patricio na iyong minamahal at paglilingkuran habambuhay?" tanong ng pari na hindi ko agad masagot. napayuko ako at saktong pagangat ng tingin ay nakasalubong ko ang mga tingin ni ama sakin na nagbabanta. tumulo 'yon mga luha ko. bumuka ang bibig ko pero walang lumabas na salita. "Binibini?" tanong ng pari.

Mabilis akong tumalikod at tumakbo. narinig ko ang pagsinghap ng lahat. nasa gitna pa lang ako ng simbahan ng biglang may tumawag sakin.

"Binibing Emmanuella!" napalingon ako. si Sebastian! Kasama nya si ate at ang kapatid ni Sebastian! nandito na sila!

"J-Josephina?" gulat na wika ni ama at ina habang nakatingin sa anak. bigla na lang ako nakarinig ng putok ng baril kaya napatingin ako dun. halos madurog ang puso ko ng makita ko si Sebastian na sumusuka ng dugo at ang bumaril sakanya...

Yon ama ni Patricio.

"Sebastian!" sigaw ko at mabilis akong tumakbo papalapit doon. sinusundan ako ng mga tauhan nila papa pero pinilit silang pigilan ni kuya—ang kuya ni Sebastian.

Mabilis akong lumuhod ng makarating sa harapan nya. masyadong mahaba 'yon suot ko pero kahit papaano, nakakagalaw naman ng maayos.

"S-Sebastian..." nanginginig ang mga labi ko habang binabanggit ang kanyang pangalan at nakatingin sakanyang mga mata. tinatakpan ko ang dugo na nasa kanyang tyan upang mapigilan kahit papaano 'yon pagdurugo.

Hinawakan nya ang pisnge ko saka ako tinitigan sa mga mata.

"M-Mahal ko..." nakita ko ang pagdalos ng luha sa mga mata nya. sa magkabila nyang mga mata. sunod sunod na rin ang patak ng mga luha ko. niyakap ko sya habang umiiling sakanya. "M-Mahal ko patawad k-kung nahuli kami ng..." napasuka sya ng dugo na mas lalo kong kinaiyak. "...ng d-dating," dagdag nito.

"H-Hindi, ayos lang 'yon! basta lumaban ka parang awa mo na." wika ko.

"H-Hindi ko na kaya, nanghihina na ako dahil sa t-tama ko," wika nya at muling sumuka ng dugo. napaiyak ako lalo. hindi ko kakayanin mawala sya. napaka sakit ng mundo. bakit kung kailan ka na sobrang napamahal sa tao, saka ito mawawala?

"S-Sebastian naman! Huwag ka nga magbiro ng ganyan! Lalaban ka! Itutuloy pa natin 'yon naudlot natin kwento ng pagiibigan," nakita ko ang pagsilay ng ngiti sakanyang mga labi at pagningning ng mga mata nyang napakagandang tingan.

"Patawad, hindi k-ko na magagawa 'yon mga pangako ko sayo," wika nya pa.

"Sebastian! Emmanuella!" nakarinig kami ng pag tawag. nakita namin ang papalapit na sila ate at kuya. agad silang lumapit samin.

"Sebastian, lumaban ka! lalaban ka kapatid ko," wika nito at tinatakpan na rin ang sugat ng kapatid nya upang mapigilan ang pagdurugo.
"Sebastian, Huwag kang pipikit!" wika na dagdag nito.

"S-Sebastian, magmamahalan pa kayo ng aking kapatid. hindi pa dito nagtatapos ang storya nyo." wika ng kung sino kaya napalingon ako dun.

"Kuya..." wika ko sa mahinang paraan ng pagtinig. magsasalita pa sana ako upang sabihin ang mga nais kong sabihin ng makarinig ng dalawang putok. doon ko lang naramdaman rin ang sakit sakin likod.

"E-Emmanuella," natatarantang wika ni ate Josephina. napahiga ako at napatingin ako sa dibdib at tyan ko na parehas may tama ng bala.

"H-Hindi," natatarantang wika rin ng kuya ni Sebastian.

"M-Mahal kita," bulong ko na tama lang upang marinig nya. ngumiti sya sakin ng matamis at hinawakan ang kamay ko.

"M-Mahal rin k-kita," wika nya.

"Oras na," narinig kong sabi ni kuya kaya kunot noong napatingin sakanya ang kapatid ni Sebastian at si ate Josephina.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ni ate Josephina. hindi ko na narinig pa ang sagot ni kuya Jasper pero nakita ko pa ang ginawa nyang pagngiti bago tuluyan dumilim ang lahat.

Back to the past (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon