Kabanata apat

1 1 0
                                    

EMMANUELLA POINT OF VIEW

"Bakit nandito ka sa akin silid?" nagulat ako ng pagkagising ko ay nandito na sa silid ko si Sebastian at prenteng nakatayo at tinititigan akong matulog. nakakahiya.

"Pinapatawag ka ng iyong ate." kumunot ang noo ko sakanya. "Kapatid ko ang iniibig ng iyong kapatid." diretsong sabi nya. siguro alam nyang magtatanong pa ako. hindi na ako sumagot at muli napatitig ako sakanyang mga mata. nakakaakit ito at tunay na napakaganda.

"Umalis kana," tumikhim ako. "Ako'y may gagawin lamang at susunod na ako upang pumunta sa silid ng aking kapatid. sabihin mo na lang sakanya." wika ko kaya tumango sya at hindi na sumagot. hinintay ko muna syang lumabas ng silid ko bago ko simulan gawin ang mga dapat kong gawin.

Lumabas ako ng aking silid. madilim pero nakikita pa naman ang dinadaanan kahit papano. pumunta ako sa silid ni ate at agad kumatok ng dahan dahan. delikado kasi dahil baka may makarinig.

"Ate, ako 'to." wika ko. dahan dahan bumukas ang pinto. bumungad sakin ang nagaalalang mukha ni ate at agad akong hinila papasok ng kanyang silid. dahan dahan namin sinarado ang pinto dahil baka maka istorbo sakanila at mahuli pa kami. nakita ko na nag aayos na si ate kaya tinulongan ko sya. mabilis kaming natapos at agad nya akong hinarap.

"Kapatid, ito ang aking iniibig. si Fidel. kapatid sya ng iyong kaibigan na si Sebastian," napatingin ako kay Sebastian na nakatitig sa mga mata ko at ganun rin ako. ito na naman ang pakiramdam na parang wala sila ate dito sa silid at tanging kaming dalawa lang dahil ramdam ko ang kabog ng aking dibdib.

Lumapit sakin si ate at bumulong, "Mukhang hindi naman pala kaibigan ang iyong turingan kung hindi ay Ka-i-bigan," may pangaasar sa tono ng boses ni ate kaya sinamaan ko sya ng tingin. narinig ko ang tawanan nila ng kuya ni Sebastian kaya parehas kaming napaiwas ng tingin sa dalawa.

"Ano ba kuya? tatakas kayo hindi ba? halika na at baka mahuli pa tayo," pagiba ng usapan ni Sebastian kaya mas lalong natawa ang dalawa. napayuko na lang ako.

Ginamit nila ang pinagtagtagpi nilang kumot kanina habang wala pa ako. niyakap muna ako ni ate bago bumaba. kinawayan ko pa sya ng tuluyan makababa. sinuot nya ulit ang dala nyang pagtalukbong upang hindi makilala saka sila tumakbo palayo. napacross arm ako at tiningan si Sebastian.

"Baka kailangan mo ng umalis?"

"Pinapaalis mo agad ako?" tila may pilyong wika nito. napangiti ako sa hindi malamang dahilan.

"Sa may ilog mamaya. magkita tayo. hihintayin kita." wika pa ni Sebastian at saka napalinga linga sa paligid. "Alam kong bawal itong aking gagawin dahil labag ito sa batas ngunit..." mabilis nya akong hinalikan sa labi at kinindatan saka mabilis na umalis ng silid.

Napatulala ako at napahawak sa akin dibdib.

Kilala sya ng puso ko. nakalimutan man sya ng utak ko sa ibang panahon ngunit ang puso ko kailanman hindi sya nakalimutan.

Tunay nga ang pagibig na meron kaming dalawa.

Napatingin ako sa bulto nyang papalayo, napangiti ako.

Sa ilog, hihintayin nya ako.
_____
"Akala ko hindi kana makakarating binibini," wika na bungad sakin ni Sebastian saka nilagay ang sumbrero sa dibdib saka yumuko bilang pagbigay galang. ngumiti ako at hinawakan ang aking saya saka yumuko bilang pagbibigay galang na syang palaging ginagawa ng mga kababaihan sa panahon na ito.

"Maaari ba 'yon ginoo?" natatawang tanong ko. wala ng ibang tao pa ang naririto kung hindi kaming dalawa lang. napatingin ako sa ilog dahil napakaganda nito. napakalinaw ng tubig na nagmumula rito.

"Mabuti at hinayaan kang lumabas ng inyong tahanan?" pagtatanong nya. ang gwapo nya sa suot nya kahit simpleng barong lang ito na sinusuot talaga ng mga lalaki sa panahon na ito. dagdag pa ang buhok nyang medyo magulo at mukhang hindi pa sya nagsusuklay pero kahit na. nakakadagdag lang ito ng kanyang kagwapuhan.

"Sa totoo lang," napangiti ako at napatawa ng mahina. "Tumakas lang ako samin," napanguso ako. "Ayaw kasi akong palabasin nila ina at ama kaya gumawa ako ng paraan." pagpapatuloy ko na syang kinailing nya.

Napatayo sya, "Ano? bakit mo ginawa 'yon? baka magalit ang iyong ama! naku! mahirap pa naman magalit si Don Joseph!" wika nito na puno ng pangamba. hinawakan ko ang kamay nya kaya napatingin sya doon bago sya tumingin sakin.

"Huwag kana magalala, ayos lamang ako."

"Sigurado ka?" tanong nya. tumango lang ako.

Masaya ang araw na ito para sakin. nakasama ko sya ng buong araw. ramdam ko ang saya habang kami ay nagtatawanan.

Nagtatampisaw sa tubig habang nagtatawanan pero sa huli ay nanatili na lang sa ilalim ng puno ng mapagod. tunay na nakakapagod itong araw na ito. sana huwag ng matapos ang masasayang araw na ito na alam ko dadating sa pagtatapos na hindi ko inaasahan mangyayari agad ng biglaan.

"Mahal ko, napakaganda ng mga bituwin sa langit pero baka hinahanap ka ng iyong mga kapatid at magulang."

Gabi na pala. napakagat labi ako at napangiti ng mapakla dahil alam ko hinahanap na ng nila ako.

"Mauuna na ako Sebastian," nakangiting wika ko. kanina pa ito at hindi mawala wala sa aking mga labi.

"Sige mahal ko, bukas ulit ha? ganun oras rin. dito ulit sa ilog." wika nya. "Paalam mahal ko, hanggang sa muli natin pagkikita." dagdag pa nya saka nya nilagay sa dibdib nya ang sumbrero saka yumuko bilang pagbibigay galang. hindi ko na naman tuloy maiwasan na mapatingin sa mga mata nyang tila inaakit ako.

"Paalam." hinawakan ko ang dalawa nyang kamay kahit bawal ito ngunit wala na akong pakialam dahil pakiramdam ko may mangyayaring hindi ko aasahan. "Hanggang sa muli natin pagkikita," dagdag ko saka hinawakan ang aking saya at yumuko bilang pagbibigay galang. tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad pero hindi pa ako nakakadalang hakbang ay agad akong napalingon sakanya na ngumiti lang sakin.

Bakit pakiramdam ko ito na ang huli namin pagkikita? pakiramdam ko may mangyayaring hindi ko aasahan.

Napatingin ulit ako sa dinadaanan ko at nagpatuloy na lamang sa paglalakad na sinasawalang bahala ang iniisip. guni guni ko lang yon.

Bukas maaga ako gigising upang makipagkita sakanya kahit maging tutul pa rito ang aking ama.

Back to the past (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now