Kabanata lima

1 1 0
                                    

EMMANUELLA POINT OF VIEW

Maaga akong umalis sa bahay dahil usapan namin ay alasingko. hindi naman halatang excited ako.

"Ate, saan ka pupunta?" napapikit ako ng marinig ang boses ni Emmanuel na syang nakakabatang kapatid ko. dahan dahan akong napalingon sakanya at nakitang nakatingin sya sakin ng mariin. mabilis ko syang nilapitan at hinila patungo sa lugar na alam kong walang makakarinig samin.

"Emmanuel, huwag ka maingay sa mga kuya natin lalo na sa mga magulang natin. ako'y nagmamakaawa. may kikitain lamang akong isang kaibigan." wika ko. kunot noo man ay agaran syang tumango. aalis na sana ako pero hinawakan nya ang isa kong kamay.

"Ate, nasaan nga pala si Ate Josephina? hindi ko sya nakita kahapon ng buong araw at miski sila ama at ina ay hindi alam kung saan sya nagtungo." humarap ako sakanya at lumuhod para maabot ko ang tangkad nya.

"Hindi pa ito ang tamang panahon upang ito'y inyong malaman lalo na't bata ka pa para sa mga ganitong bagay. aalis na ako Emmanuel, ikaw na lamang bahala ang magsabi kay ama at ina lalo na sa ating mga kapatid," mahabang lintanya ko saka sya niyakap ng mahigpit. dahan dahan ang ginawa kong paglabas sa tahanan namin.

Hindi pa man talaga ako tuluyan nakakalapit sa amin tagpuan ay nakita ko na agad syang nakasandal sa isang puno habang nakapamulsa sa kanyang maong na pants na suot. naka barong sya at may sumbrero sa kanyang ulo. napaayos sya ng tayo ng makita ako. hinawakan ko ang saya ko saka tumakbo papunta sakanya.

"Magandang umaga binibini. kay ganda ng araw kung ikaw ang aking unang masisilayan," wika nito at nilagay ang sumbrero sa dibdib saka yumuko sa pagbibigay galang nya.

"Magandang umaga rin Ginoo, ako'y nagagalak na muling masilayan ang mukha ng aking pinakamamahal," wika ko at yumuko bilang pagbigay galang habang hawak ang saya sa magkabilang kamay.

Sabay kaming umupo sa ilalim ng puno at sabay na tiningan ang araw na papataas senyales na maguumaga na.

"Kamusta ang iyong pagtulog aking sinisinta?" napangiti ako sakanyang tinawag sakin saka ko hinawakan ang kanyang kamay.

"Okay lamang ang aking pagtulog mahal ko," wika ko sakanya saka napatitig sa kawalan.

Alam kong bawal ang aming pagiibigan dahil hindi ito papahintulutan ng aking ama at ina lalo na dahil ipagkakaisang dibdib ako.

"Emmanuella," wika ng kung sino kaya napatingin ako doon sa kaba ngunit agad napahinga ng malalim ng makita si kuya Jasper na nakangiting nangaasar. sya lang talaga ang ganyan samantalang pinagbabawal iyon nila ama at ina pero may nakikita akong pangamba sakanyang mga mata marahil nagaalala lamang sya dahil alam nya rin na magagalit sila ama at isa ito sa pinaka pinagbabawal.

Bawal na pagibig.

"Ginoong Jasper," agad tumayo si Sebastian upang magbigay galang sa aking kapatid samantalang tumango lamang ang aking kapatid at agad na napalingon sakin. "Kapatid, hinahanap ka ng ating ama't ina, ngayon na raw ang takdang araw upang ipakilala ka sa taong dapat mong ipagkaisang dibdib." wika nito. napayuko ako at ramdam ko ang pagtingin sakin ni Sebastian.

"Makikipagisang dibdib ka binibini?" nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Sebastian ng sya'y aking lingunin. ngumiti ako ng mapakla saka tumayo mula sa pagkakaupo saka ko sya hinawakan sa dalawa nyang mga kamay at tinitigan sya sakanyang mga mata na tila nangaakit.

"Patawad aking iniibig ngunit gagawa ako ng paraan—"

"Alam mong hindi ka makakagawa ng paraan ukol dyan Emmanuella," singit ni kuya. kung maaari, gagawin ko ang ginawa nila Ate Josephina kung wala na talaga akong mapagpipilian pa.

"N-ngunit paano ako? t-tayo?" hindi na nya mapigilan na lumuha. hinawakan ko ang pisnge nya at pinunasan ang luhang pumatak mula roon.

"Huwag kang magalala mahal ko. pipilitin ko sila ama na huwag na ako ipagkaisang dibdib sa lalaking hindi ko iniibig," wika ko. niyakap nya ako ng mahigpit habang umiiyak sa balikat ko. naaawa ako sakanya ngunit maipapangako kong gagawin ko ang lahat upang hindi maipagkaisang dibdib.

"Emmanuella, Tara na." wika ni kuya Jasper kaya napahiwalay ako ng yakap kay Sebastian saka nagpaalam. agad akong nagbigay galang sakanya at ganun rin si kuya saka kami sabay na lumisan sa lugar. napatingin muli ako sakanya na ngayo'y umiiyak habang nakatingin sa akin na papalayo sakanya.

Napahigpit ang kapit ko sa aking saya at napatingin sa aking dinadaanan.

Gagawin ko ang lahat.

"Saan ka nagtungo Emmanuella?" wika ni ama, ito ang sinalubong nya samin pagkapasok ng aming tahanan.

"May kinita lamang ako na isang kaibigan ama," nangunot noo nya saka tumango pero mukhang hindi sya naniniwala.

"Halika na sa hapag kainan, naghihintay na ang bisita."

Pagkapasok ko sa hapag ay agad kong nakita ang isang lalaki at isang babae na may katandaan na. ito ang mga magulang ng lalaking ipagkakaisang dibdib raw kuno sa akin. may isang lalaki naman na mukhang kaedad ko lang at ito naman ang ipagkakaisang dibdib sakin. umupo kami at tinabi pa talaga ako doon sa lalaking iyon.

"Bago tayo magsimula, nasaan nga pala si Josephina? kahapon ko pa sya hindi nakikita." hindi ko na lamang pinansin ang tanong na iyon ni ama. "Emmanuella?" napatingin ako sakanya. "Alam mo ba kung nasaan nagtungo ang iyong kapatid?" inosente akong umiling.

"Magsimula na lamang tayo," wika ni ina na tinitigan ako ng mariin. tila hindi naniniwala sa akin tinuran. umiling sya sakin bilang hindi pagsangayon sa akin ginawa. marahil alam nya.

"Sya si Patricio," turo nya sa katabi ko na hindi ko na nilingon pa. "Sya ang ipagkakaisang dibdib namin sayo Emmanuella. hindi ba't ang saya?" wika ni ama habang nakangiti.

"Kayo lang ang masaya," walang ganang wika ko na kinagulat nilang lahat. "Pwede bang itigil nyo na ang pagiisang dibdib na ito? wala itong patutunguhan," wika ko.

"Emmanuella!" suway ni ama at nahihiyang tumingin sa mga magulang nun Patricio raw at ngumiti. "Pagpasensyahan nyo na ang aking anak. marahil ay pagod lamang sya." wika nito at sinamaan ako ng tingin.

"Pwede po ba na ang kasal ay ngayon darating na linggo? hindi na po kasi ako makapaghintay na mapagkaisang dibdib ang binibining katabi ko." wika nya kaya sinamaan ko sya ng tingin saka padabog na tumayo kaya napatingin silang lahat sakin.

"Ang paguusap na ito ay wala ng patutunguhan pa kaya't ako'y aalis na at tutungo na lamang sa aking silid." tahimik lang ang mga kapatid ko. tinawag pa nila ako ngunit hindi ko na sila pinansin. ramdam ko ang pagsunod sakin ni kuya Jasper. mabilis akong pumasok sa kwarto ko kaya pinapasok ko rin sya.

"Ayos ka lamang ba aking kapatid?" hindi ako sumagot at napahagulgul lamang na umiiyak sakanyang balikat. "Iiyak mo lamang iyan aking kapatid. alam kong mahirap ang iyong pinagdadaanan." wika nito at hinimas himas ang aking buhok.

"Maling pagibig, maling panahon sa tamang tao. nawa'y sa susunod na aming buhay ay matagpuan sya ng aking puso upang sya'y aking mahalin at sa pagkakataon na iyon, nawa'y tamang pagibig sa tamang panahon na." wika ko.

Back to the past (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now