Kabanata tatlo

2 1 0
                                    

EMMANUELLA POINT OF VIEW

"Alam ko ang ginawa mo kagabi,"

Nandito si kuya Jasper sa silid ko at mukhang balak akong sermunan. hindi ko rin alam kung bakit alam nya ang ginawa ko kagabi. siguro secret detective sya.

"Napakadelikado ng ginawa mo. alam mong bawal yon sa panahon na ito. ikakasal ka na at para sa mga tao dito. pangangaliwa ang tawag sa bagay na yon." kumunot ang noo ko at napailing.

"Hindi, hindi ako papayag na ipakasal kay Patricio." matigas at madiin na ang pagkakasabi ko na kinailing nya.

"Hindi mo maaari iyong tutulan. ang mga anak na babae rito lalo na ang mga galing sa mayamang na pamiya ay kailangan sumunod sakanilang mga magulang." mahabang lintanya nya. napahiga ako sa kama ko at napatitig sa kisame.

"Ngunit paano si Sebastian?" bulong ko na sakto lang para marinig nya. mabilis naman syang napalingon sakin. bakas ang lungkot sakanyang mga mata.

"Nabasa mo na ba ang libro?" tanong nya kaya maikli akong tumango. "Emmanuella, wala kang magagawa ukol doon. iyon ang gusto ng ating ama. hindi mo maaaring ibigin si Sebastian." malungkot na wika nito at ngumiti ng mapait saka umiling ng paulit ulit.

Kusang tumulo ang butil ng luha ko sa magkabilang pisnge. sa panahon ito, medyo hindi ko pa sya kilala ngunit sa pagkakabasa ko ay naging magkaibigan sila hanggang sa nahulog sa isa't isa.
_____
"Ang ganda 'noe?" napatalon ako sa gulat ng biglang may bumulong sa tenga ko. mabilis akong napalingon at bumungad sakin ang mukha ni Sebastian. nakangiti ito sakin na labas ang gilagid. nandito ako sa hacienda ng pamilya namin. napakaraming bulaklak dito at tunay na napakaganda. ngayon lang ako nakakita ng ganito dahil sa panahon kung nasaan ako noon. hindi ako lumalabas dahil pinagbabawalan ako kaya hindi ako makakita ng ganito sa mga garden.

"Ang ganda nga," wikain ko pero parang wala naman sa bulaklak ang atensyon nya dahil nakatingin lang sya sakin, sa mga mata ko at nakikita ko ang punong puno na emosyon sa mga mata nya. nakakaakit ang mga mata nya habang nakatingin sakin. masasabi kong ang gwapo ni Sebastian. mula sa panga nyang ang ganda ng hugis. sa buhok nyang medyo may kahabaan at natatakpan nito ang isa nyang kilay. ang mata nyang itim na itim at ang ilong nyang ang tangos. mapupulang mga labi. maitim rin sya pero hindi gaano, siguro sanhi ito ng buhay nila. ang alam ko kapag mahirap ka ay pangunahin kabuhayan ang pagsasaka. marahil dahil doon iyon.

"Alin? yon bulaklak o ako?" biro ko. narinig ko naman ang mahina nyang tawa.

"Syempre ikaw," nakita ko ang pagkabigla sa mga mata nya at napatakip na lamang sya ng bibig. "A-ang ibig kong sabihin ay y-yon b-bulaklak," nagkandautal utal na wika nya na kinatawa ko.

"Ang alam ko bawal lumapit ang mga kagaya mo sa mga kagaya namin?" hindi ko alam kuny mao-offend sya sa tanong pero napuno kasi ako ng kuryusidad. napayuko naman sya.

"Paumanhin binibini sa ginawa kong kalapastanganan na pagkausap sayo ng walang pahintulot—"

"Hindi, wala 'yon." ngumiti ako ng matamis sakanya.

"Ano ang iyong ngalan?" wika nya kaya napangiti ako. sa petsa na ito ay hindi pa namin kilala ang isa't isa pero kilala ko na sya ngayon.

"Emmanuella ang aking ngalan," wika ko at tinaas ang kamay para sa pakikipagkamay sakanya.

"Sebastian, Sebastian ang pangalan ko." nagaalangan pa syang abutin 'yon kamay ko kaya ningitian ko sya ng matamis saka napatitig ulit sa mga mata nya. hindi ko alam ngunit lumakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa mukhang nyang perpekto ang pagkakagawa. inabot nya ang kamay ko at mabilis na inalis rin ng may dumaan na ale. napatawa na lang ako ng palihim. marahil ay hindi sya sanay. napatitig na lang ako sakanya na ngayon ay nakatingin sa malayo.

"Magbabago ang panahon, magbabago ang takbo ng oras, magbabago ang ating mga wangis ngunit ang tinitibok ng puso ay hindi kailanman magbabago." bulong ko kaya napalingon sya sakin.

"Huh? anong sinasabi mo?" umiling lang ako at ngumiti sa kawalan.

Hinila ko sya sa ilalim ng isang puno ng marinig ang buhos ng ulan. magpapatila muna kami dito. kaya pala parang ang sama na ng panahon kanina—

"Emmanuella!" napatingin ako mula roon, si kuya Jasper! napatingin sya kay Sebastian na nasa tabi ko. "Mauuna na kami ginoong Sebastian, hinahanap na sya nila ama." wika ni kuya saka nilagay ang sumbrero sa dibdib at yumuko. ganun rin ang ginawa ni Sebastian.

Humarap ako sakanya at hinawakan ang saya ko saka yumuko bilang pagbigay ng galang.

Ngumiti ulit ako, "Hanggang sa muli Sebastian."

Hinila ako ni kuya. may dala syang dahon ng saging? at pinapanangga namin 'yon sa ulan.

"Ano 'yon? alam mo bang delikado ang ginagawa mo? paano kung may makakita sayo?" wika nito kaya napatahimik ako. may posibilidad dahil hacienda ng pamilya namin yon.

"Paumanhin kuya," huminga na lang sya ng malalim at hindi na sumagot pa. pumasok kami sa gate at bumungad samin ang ilan mga taga silbi ng pamilya namin.

"Ginoong Jasper at binibining Emmanuella, hinahanap na po kayo ng inyong mga magulang."

"Bakit?" tanong ko.

"Sapagka't, nandyan na ang iyong mapapangasawa," tumango ako at iniwasan magulat. napakuyom ang kamao ko.

"Huwag kang papadala sa emosyon mo." wika nito kaya tipid akong tumango kahit naiinis na ako kanina pa.

Pumasok kami sa kusina ni kuya ng sabay saka kami sabay na umupo.

"Nandyan kana pala Emmanuella," wika ni kuya Jose.

"Huwag ka sanag magagalit samin anak at saka hindi lang ikaw ang ipagiisang dibdib namin kung hindi pati na rin ang iyong ate na si Josephina." nagulat ako at napatingin sakanya. nakita ko kung paano sya umiwas ng tingin. may pangamba sa mga mata at sa tingin ko kailangan kong malaman yon. bakit ba kailangan pati si ate ipagkaisang dibdib nila?

Nanatili akong tahimik.

"Kilala mo na sya anak. kababata mo sya." wika ni ama pero nanatili akong tahimik.

"Magandang umaga binibining Emmanuella, ikinagagalak kong muli kang makita." yumuko sya bilang pagbigay galang kaya walang lakas akong yumuko bilang ganti sa pag galang dahil nakakahiya naman kung wala akong galang.

Nakarinig kami ng pagtayo kaya napatingin kami kay ate ng bigla syang tumakbo paakyat sakanyang silid. sabi na 'e, may nangangamba sakanya. hindi ko na pinansin ang mga kuya ko sa tabi, ang mga magulang namin at ang pamilya ng mapapangawa namin 'kuno' ni ate dahil wala akong pakialam sakanila.

"Ate," katok ko sa pinto. "Si Emmanuella ito, ate, pakibukas." narinig ko ang pagpihit ng pinto at pinapasok nya ako sa kwarto. nakita ko kung paano umiyak si ate na syang kinabahala ko. "Ate, bakit ka umiiyak? anong nangyari?" wika kong tanong.

"May iniibig na ako Emmanuella ngunit galing sya sa mahirap na pamilya. hindi ko kayang ipakasal sa taong hindi ko iniibig. kapatid ko, tulongan mo 'ko. hindi ko na alam ang gagawin ko." tuloy tuloy ang pagagos ng luha sa magkabila nyang mga mata. napangiti ako ng mapakla.

"Gaya mo ate, umiibig rin ako sa isang lalaking nangaling sa mahirap na pamilya," tumitig ako sa mga mata nyang puno ng luha saka ko hinawakan ang dalawa nyang kamay upang kahit papaano ay mapanatag naman sya. "Huwag kang magalala ate, tutulongan kita. bukas ng alaskwatro. sabihan mo ang iyong iniibig. itatakas ko kayo." nakita ko ang pagngiti nya at pagtango.

"Salamat aking kapatid,"

Back to the past (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now