Kabanata isa

5 2 0
                                    

EMMANUELLA POINT OF VIEW

"Anong ginagawa mo r'yan, Emmanuella?" awtamatiko akong napatingin sa kung sinong nagsalita sa likod ko.

"Wala po, tinitingan ko lang ang karagatan. ang sarap nilang tingan," natutuwang wika ko at napapangiting nakatingin sa tanawin na sobrang ganda.

Kahit pala sa panahon na ito, may ganitong tanawin. sa panahon na ito, alam ko hindi sila gumagamit ng english, kaya kailangan ko ng malalim ng tagalog. naramdaman ko ang pagpunta nya sa tabi ko.

"Alam mo binibini. ang tanawin na iyan ay maihahalintulad ko sa isang kagaya mo. napaka ganda mong binibini at sobrang pinagmamalaki kita lalo na kung paano ang iyong galawin bilang isang napakahinhin na binibini." wika nya at ngumiti ng matamis.

Ang supportive naman nya.

"Kilala nyo po ako?" wika ko at kumunot ang noo.

"Ano ka ba binibini? ako ang matalik na kaibigan ng iyong ina. sakin nya kinukwento lahat ng mga kakayahan mo at talento at napaka galing mo binibini. miski ako pinagmamalaki kita." wika nya na kinatahimik ko dahil baka may masabi pa akong iba na lalo nyang ikataka dahil alam ko ngayon pa lang nagtataka na sya kung bakit hindi ko sya naalala. "Halika na, malapit na rin tayo sa patutunguhan natin. siguradong hinihintay ka na ng iyong ama, ina at mga kapatid." wika nya.

Mga kapatid?

"Ilan po ba kaming magkakapatid?" tanong ko at napatakip ng bibig. ano ba itong bibig na 'to? hindi matahimik! baka mas lalo syang magtaka. "Hehe, ano lang po ito...uhm, Survey, Oo. tama, survey!" wika ko at ngumiti ng pilit na syang kinakunot ng noo nya. teka, parang may mali sa nasabi ko.

Survey? hays.

"Survey? ano iyon?" pagtatanong nya saka naunang maglakad kaya sumunod na lang ako sakanya. "Lima kayong magkakapatid, tatlong lalaki at dalawa kayong babae." wika nya. "Bakit mo pala natanong? bakit tila hindi mo alam ang mga simpleng bagay na iyan?" tanong nya kaya napakagat labi ako.

"Wala po, sinisiguro ko lang kung k-kilala nyo ba talaga ako." wika ko at mas lalo akong napakagat sa labi ko ng mautal pa sa isang salitang binanggit ko. nakakainis. hindi pa ako nagtatagal dito. mukhang mabubuking agad.

"Sa susunod, magiingat ka." wika ng nasa utak ko na syang kinakunot ko.

"Magiingat? ano ako? in danger?" wika ko at napakunot noo.

"Sino ang kausap mo r'yan, binibini? halika na, pumasok na tayo." wika ng ginang at nauna na ulit maglakad. napakamot ulo ako. boset.

"Huwag kang magsasalita basta basta, baka isipin nilang nababaliw ka na. magiingat ka rin sa iyong mag sasabihin. baka mabuking ka. kailangan mong gawin ang gawain na yan kapalit ng pag galing ng iyong ama." kumunot ang noo ko at tumango na lang kahit hindi ko sya nakikita. hindi ko alam kung nasaan sya.

Sumunod na lang ako sa ginang saka rin naglakad papasok.

"Nasaan ka galing binibini?" tanong ng ginang na syang tumawag sakin kanina. dalawa pala sila at 'yon tumawag sakin ay tyahin ko pala.

"Nagpahangin lang po tiya," wika ko. hindi sya sumagot at bahagya lang na tumango.

Naramdaman ko ang paghinto ng barko at isa isang nagsibabaan ang mga pasahero kaya bumaba na rin kami. bumungad samin ang isang babae at isang lalaki na may katandaan na.

Niyakap ako ng lalaking siguro nasa 50's mid na rin dahil sa istura nila.

"Sya si Joseph, ang iyong ama." wika ng sa utak ko kaya napatameme ako. ibig sabihin sila ang pamilya ko. I mean, ang pamilya ng babaeng ito. sumunod naman ang isang ginang na mukhang ina ko.

Back to the past (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now