CHAPTER NINETEEN ❤

156 6 0
                                    

  "Uy, bessy  ano na?  Sorry na! ". Yan ang bungad niya pagtapak konpang sa sahig ng bahay namin. Inulan na niya ako ng sarot -saring tanong. Ni wala oa nga akong nasasagot ay may kasunod na agad siyag tanong. Tamang kagagaling ko nga lang ng lagnat pero parang sa bunganga niya ulit ako magkakasakit sa lakas ng boses niya. Ewan ko kung ba't siya nag -sosorry. Knowing Alona I'm sure na sisisihin na niya naman ang sarili. " Grabe naman ang ibinagsak ng katawan mo bessy  , maupo ka muna ako na bahala magluto". Napalaki ang mata ko kaya mabilis kung kinuha ang mga ingredients na pinamili namin ni Rylle.  Hindi naman sa  mapili ako sa pagkain pero pag si Alona  ang magluluto tiyak na ilang araw na diarrhea ang aabutin ko. Naalala ko pa dati ng ipagluto niya  ako ng itlog na hinaluan niya ng hotdog  okay naman ang itsura pero ng kinain namin ay parehas kaming naduwal na dalawa, kaya simula nuon hindi ko na  siya pinahahawak sa kusina namin.

" Ako na ang bahala bess, magaling na ako ". Dali dali akong nagtungong kusina dahil alam kong mamimilit lang siya habang si Rylle ay kasama ni Allyna. Bakas ang tuwa sa kapatid ko ng makauwi pero nag-alala ako kung ano ang maging epekto pag naiwan siya sa bahay lalo na't  pumapasok ako sa school.

" Ay, grabe siya  para ka namang lalasunin niyan ee". Pagmamaktol nito.

..

" Dahil alam kong mag eexpirement ka naman pag hinayaan kita dito sa kusina.  I'm fine Alona, you don't have to worry okay? ".

" Paano naman akong di magwo-worry ee sobra mong pinagod ang sarili mo.  Ba't di ka naman nagsabi ee kahit gaano ako ka busy iiwan ko talaga yun para sayo".  Natouch naman ako bigla, Im really luck to have her. I hug her namiss ko rin yung  ilang -araw na walang Alona na  sumisira ng eardrums ko. " pero bess ang galing huh dati  dati ilang  -araw kang nagkakasakit ngayon it's a miracle. Iba talaga pag may Rylle na nag -aalaga, sana all". Perro Bess baka naman binigay mo na yung perlas huh".  Sinabunutan ko nga  , namula ako bigla sa sinabi niya. Loka -loka talaga kung anong naiisip  ee kahit first kiss ko nga di ko pa naibigay.

.

" Bastos talaga ng bunganga kahit kailan ka, wag mo yan ituturo kay Allyna , i will pull your tongue Alona".  Humagikgik lang ang magaling kong kaibigan, para talagang siraulo.  Kinuha niya nalang yung mga gulay at hinugasan habang ako ay nilalagyan ng asin ang isda na binili kanina.

"Bess kailan ba kayo naging Rylle? Official naba kayo? Di mo man lang sinabi sa akin nakakatampo kana ee nagulat nalang ako na may umaaligid na ahad sayo, makalioat nga din kayang school baka sakaling swertehin ako sa lablyf.". Sandali din akong napaisip, uu alam kong official na kami pero hindi ko naman alam kung kailan naging kami. Magtatanong ba ako pero nakakahiya, pinilig pilig ko pa ang ulo.  Paano ko naman itatanong yun? At itong kaibigan ko malihim na masyado sa akin ni wala na akong alam na ganap sa buhay niya.

" Hoy bess magalimg kana ba talaga? Ba't parang wala ka naman sa sarili diyan. Di mo rin sinasagot yung mga tanong ko".  She pouted  like a child. " Pag nandito lang si tita tiyak na kukurutin na naman yang singit mo".  Napangiti ako bigla lagi kasi ganon si mama kapag napalayo na ang iniisip ko, kakaiba talaga ang style non habang si papa naman ay nakangiti lang na nanunuod sa amin. Gwapo talaga si papa kahit may edad na kasi sikat daw si papa dati sa st. Clarence sa pagiging cool nito.

Sumandal ako sa gilid ng ref. " kasi hindi ko din alam kung kailan naging kami ee". Mabilis kong sagot na kinalaki ng mata niya na para bang ako ang pinakatanga sa lahat.

" Wow sa sobrang katalinuhan  mo  yung other brain mo nagiging tanga. Paano mo naman hindi magiging alam yun ee kung naging kayo?"

"Kami  nga basta mahabang kwento, at staka nakakapagod magkwento." Umupo ako ng makaramdam ng pagod. " Ikaw nga diyan may inililihim ee nakakainis ka ano na kailan ka mag ke-kwento sa akin? "  pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalangan. Umupo ito sa tabi ko  at huminga ng malalim. "  Do you had a boyfriend already? "  ngumuso ito sa sunod -sunod na tanong ko. Para kasi siyang  bata na nahihiyang magsabi  nawala na sa katauhan niya yung kilala kong Alona na madaldal at mapapanis ang laway kapag hindi naman nagsalita. Ganyan kasi ang tingin niya sarili niya , nanghihinayang siya sa bawat minuto. Bigalang naging seryoso ang mukha niya. Ganyan ba talga ka epekto ang lalaking yun sa bestfriend ko?

WHEN TOMMOROW COMES(short Story) Where stories live. Discover now