Salamin

0 0 0
                                    

     

      Handa ako na sa iyo ay ipakita, kagandahang iyong tinataglay mula sa mapupula mong labi hanggang sa kaakit-akit mong mga mata. Imumulat ko ang iyong mga mata sa repleksyong hindi mo pa nakikita. Ako ang mag papatunay na ang kanilang panunukso at panlalait sa iyo ay walang basehan at pawang kasinuwalingan. Maniwala ka sa akin sapagkat ipinakikita ko ay pawang katotohanan.

    Handa ako na sa iyo ay ipakita, katotohanang ikaw lamang ang nakakaalam mula sa mga sikreto mo hanggang sa nakaraan mong pilit mong itinatago. Imumulat ko ang iyong mga mata sa reyalidad at pangako kong ikaw ay aking pag titibayin sa mapanakit na lipunan. Ako ang mag papatunay na kaya mong labanan ang hamon ng buhay at kahit ilang beses ka pang madapa ikaw ay patuloy na babangon. Maniwala ka sa akin sapagkat ipinapakita ko ang totoong lakas na iyong tinataglay.

     Handa ako na sa iyo ay ipakita, tunay mong anyo na sya ngang tunay na kahangahanga, mula sa abilidad at pag- uugali mong hindi alam ng nakararami. Imumulat ko ang iyong mga mata upang makita mo ang iyong tunay na halaga. Ako ang mag papatunay na may silbi ka sa mundong iyong kinatatayuan at may paroroonan ang makahulugan mong buhay. Maniwala ka sa akin sapagkat ipinakikita ko ang makulay mong kinabukasan na sa iyo ay nag- iintay.

Midnight Thoughts (Prose And Poetry)Kde žijí příběhy. Začni objevovat