Kabanata 6

210 21 2
                                    

Kabanata 6

Si Chairman Avanzado ang rason kung bakit maagang umalis sa bahay ng mga Estabillo si Echarri. Because his old man wants to see him.

"I heard from your secretary. You stop your game." Si Chairman na hinihiwa sa maliliit na piraso ang steak sa plato.

Nakangalumbaba si Echarri na pinapanood ang ama sa pagkain. "Aren't you happy, Dad? Your unico hijo turned over a new leaf." Dahil iyon sa pagkasira ng kaniyang numero unong prinsipyo: not to take women's virginity.

And now he's in a slump. He doesn't feel the urge, the excitement and energy now.

"Was that for good? Will you really stop sleeping with random girls all the time?" Hindi nakatingin na tanong no'n sa binata.

Si Chairman ay hindi boto sa pagiging babaero ni Echarri. Aniya'y walang maidudulot na maganda sa buhay ng anak ang bagay na 'yon. Sagrado at mayroon balik na karma ang palagi nitong bilin sa unico hijo.

"Let's see, Dad. As the saying goes, old habits die hard," kibit balikat na sagot ng binata, pilyo pa itong ngumisi.

Tinuro ni Chairman ang anak, "call me an old geezer, but I order you to act your age, well-bred. You will not get a single cent the moment I receive the same news from you."

Napahawak sa batok ang binata. "As if, Dad! Who would inherit your wealth if not me? I am your only bloodline if you forget that."

"Don't forget charity donations are the thing these days, Echarri. One wrong move and you lose every penny. Take into account that I still have the last say even in your company."

Hindi makapaniwala ang binata sa banta ng Chairman. Hindi iyon nagbibiro. Maaari nga na mawala sa kaniya ang lahat pati mga pinaghirapan nito.

"That's not fair, Dad. I also try; I always do my best regarding company matters. Mali naman yata na kunin mo ang lahat sa akin dahil sa isang mali," katuwiran nito sa Chairman.

Nilapag ni Chairman ang hawak na kubyertos upang mataman na titigan ang unico hijo. "I have given you enough chances, Echarri. Your old man is not getting any younger. I could die in my sleep anytime; I could get into an accident and lose my life. Life is unsure, if I always let you with your antics, how could you survive when I'm gone?"

Kung kanina ay isang kamay lang ang nakahawak sa sariling batok, sa mga sandaling iyon ay dalawa na. "Now you're exaggerating. Eh mas malakas ka pa sa kalabaw, Dad. You won't die anytime soon."

"My decision is final. I instructed my attorney to rewrite my last will. Again, you will never get a penny from me unless you seriously turn over a new leaf, for good."

Tumayo mula sa pagkakaupo ang Chairman, nilagay ang mga kamay sa likod upang umalis sa lugar. Ngunit bago tuluyan mawala sa paningin ni Echarri, may tinuran muna ito para sa unico hijo.

"If you can find someone you ought to be romantically involved with, let me meet her. Who knows? My final decision might change and so will my last testament. Now, you can leave if you understand what I said."

Bigla yatang sumakit ang ulo ni Echarri kaya't napasandal ito, masahe ang sintido habang 'di maalis alis ang tingin sa likod ng palayong Chairman.

###

Nakapulupot sa kulay-ube na tela ang mga baunan na naglalaman ng pagkaing niluto ng inay ni Rosie na dinala sa opisina kinabukasan.

Hindi pa man ito nakakaupo ay lumapit kaagad ang itchuserang kaibigan. "Ayiee Rosas ha, may pa-meet and greet with the parents na palang ganap," kinikilig nitong sambit na may paghampas pa sa braso ni Rosie.

The Scent of You [Under Revision]Where stories live. Discover now