Kabanata 24

142 12 0
                                    

a/n: play the song guys while reading, it fits the chapter perfectly for me... sana sa inyo rin 🎶

CTTRO OF THE SONG
No Copyright Infringement Intended

Kabanata 24

"I was trying hard enough to be deserving of you, to be deserving of your love, Rosie. I k-know hindi pa enough 'yon kumpara sa sakripisyo mo para sa 'kin, pero pinapangako ko na susuklian ko lahat. Higit pa sa inaakala mo. So, please, can you take back your decision to leave me?"

"Mula sa pagpasa ko ng resignation, na sabihan kang jerk, na iwan ka, ni isa doon wala akong balak na bawiin."

"Tell me the real reason behind all this. Hindi ako maniniwala na basta-basta mo na lang ako iiwan nang walang sapat na dahilan. Tell me, Rosie. I also deserved to know the truth."

"Gusto mo marinig ang totoo? Ang totoo na malaking pagkakamali ko sa buhay ang gustuhin ka. Nauntog ako sa realisasyon na ayoko na pala sa isang katulad mo."

"Stop right there! Iisipin kong tunay ang pangbabasura mo sa akin sa oras na lumabas ka sa pintuan na 'yan, Rosie..."

Ang banta na 'yon ni Echarri ay walang epekto sa dalaga. Desidido siyang lisanin ang lugar at iwan ang binata labag man iyon sa kagustuhan niya.

Basa na ang unan ng dalaga sa patuloy na pagnangis sa kaniyang malalim na tulog. Tila pelikula na umuulit sa kaniyang panaginip ang huli nilang pagkikita ni Echarri.

Kung paano sinubukan ng binata na pigilan siya na umalis. Kung gaano kahigpit ang kapit nito h'wag lamang siyang makaalpas. Kung ilang beses nakita ng dalaga ang lamlam sa mga mata ni Echarri.

Ang sakit na ramdam nilang dalawa sa oras na 'yon.

Malakas na hagulgol ang pinakawalan ng dalaga habang natutunghayan ulit ang eksenang iyon. Hindi niya kaya. Hindi siya makahinga. At habang habol niya ang hininga ay ang isa-isang pagrolyo ng mga masasayang alaala nila ni Echarri sa kaniyang isipan.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry..." she repeatedly uttered.

She couldn't escape the pain. 'Yong sakit ang lumalamon kay Rosie. Marahil kung hindi lamang siya niyugyog ni Fran ay baka kusa na siyang sumama kay San Pedro.

"Rosas! Hoy! Gising Rosas, ano ba!"

She could hear the voice of her friend. She could feel the shaking on her body. She is still alive. Hinila siya ni Fran at lantang gulay na niyakap. Sa yakap na 'yon ay muling tumangis si Rosie. Tangis ng gising na Rosie.

"F-Fran..." Hindi niya maitago ang nararamdaman na sakit kapag si Fran ang kaniyang kaharap.

Maluha-luha kung haplusin ni Fran ang likod ni Rosie. Masakit din para sa kaniya na makita si Rosie sa ganitong kalagayan. Rosie letting go of Echarri is like saying goodbye to her years of existence. Kung maaari lamang hatiin ang sakit na nararamdaman ng kaibigan ay ginawa na niya.

"H-Hindi ko na makikita si Echarri sa paggising ko sa umaga, Fran. Ni makita siya sa malayuan ay hindi ko magawa. Paano? P-Paano ko kakayanin kung sa ilang taon ay nasanay ako na makita siya? Na makita ang mukha niya kada umaga? P-Paano na ako? Fran— paano na ako?" pautal-utal na sambit ni Rosie.

Hindi na rin kinakaya ni Fran dahil tila binabarina ang puso nito sa namumutawi na salita kay Rosie. Wala siyang maisagot kundi mahigpit na yakap. Fran wiped her tears, but Rosie keeps sobbing on her shoulder.

"H-Hindi ko naman sinasadya na saktan siya, hindi ba, Fran? S-Sinabi k-ko lang naman 'yon para sa k-kapakanan niya. F-Fran, t-tama naman ako, 'di b-ba? Selfish ba ako kung mas pinili ko ang makabubuti sa kanilang dalawa ni Robby?"

The Scent of You [Under Revision]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz