Kabanata 8

214 18 2
                                    

Kabanata 8

Nagtamo ng malaking guhit na paltos sa paa si Rosie, muntik pati na kaniyang tuhod kung wala lang siyang suot na pantalong makapal nang araw na 'yon.

Nakaramdam siya ng mahapdi't masakit na sugat sa mga unang araw. Walang dumaan na araw na hindi siya paalalahan ni Fran patungkol sa pamahid na tatlong beses niya dapat itapal sa parteng napuruhan.

"Papasok ka ba bukas, ang tanong, kaya mo na ba?" Si Fran. Dinalaw ulit siya ng kaibigan after nito mag-out sa trabaho. "Paid leave ka naman, e. Kahit 2 weeks kang hindi pumasok ay oks lang." Sumalampak siya sa tabi ni Rosie.

Rosie is folding her washed pile of clothes. Naglinis na rin siya sa bawat sulok ng bahay kanina. Mga hindi niya kayang gawin sa tuwing may pasok siya ay nagawa niya simula no'ng magpahinga ito.

"Lalo akong nanghihina kapag walang ginagawa," she said as a matter of fact.

"Nanghihina ka dahil hindi mo nakikita si Sir Echarri," tukso ni Fran.

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan bago lumabi. "Ganoon na nga..." kinikilig niyang tuwiran na nakatanggap ng malakas na tulak mula kay Fran.

"Deym— landi pa more, Rosas! Kaya ka nasasaktan, e.
Kaka-selos mo sa babae ni Sir, tinapunan mo ng kumukulong sabaw ang sarili mo. Tanga rin," ani Fran na nang-aasar pa.

Hindi tuloy maiwasan isipin ni Rosie ang eksenang naabutan. Tinatanong ang sarili kung bakit at anong ginagawa roon ni Monica. Akala kasi nila'y tapos na si Echarri dahil nabigyan na ito ng bouquet ng dahlia.

"Natigilan ka riyan? Binibiro ka lang, e. 'Tsaka si Sir Echarri pala nagpapabigay niyang basket ng prutas." Nakanguso ang labi sa ibabaw ng lamesa. "Take your time raw. Keri pa naman daw niya makipag-meet sa mga potential branch owners na mag-isa."

Kaagad na tumayo si Rosie at saka binitbit ang basket ng prutas upang itago sa kaniyang kwarto.

"Bwisit ka, Rosas!" Tumawa nang malakas si Fran sa inakto ni Rosie. "Iyong-iyo na 'yan, saksak mo sa baga mo. Parang tanga 'to. Kala mo kung sinong matapang, torpe naman! Pffft..."

Dumila si Rosie. At tinuloy pa rin nitong tinago ang bigay ni Echarri.

###

Nasa loob na ng elevator si Rosie nang mamataan nito si Echarri. Dahil doon ay makailang pindot siya upang buksan pa ulit ang elevator door.

"Good morning, Sir." Nakayuko nitong bati sa amo.

Humarap si Echarri sa kaniya, bakas ang gulat sa mukha. "Kaya mo na bang pumasok?"

Rosie nods. "Nakakahiya na sumasahod ako nang wala akong ginagawa, Sir. At saka malayo po 'to sa bituka, kayang-kaya po." Masigla niyang tugon.

But Echarri didn't buy it. He extends his hand to support her walking when the elevator door opens.

"I can manage po, Sir..." hiya nitong tanggi ngunit si Echarri na mismo ang kumuha sa kaniyang kamay upang ikapit sa braso nito.

"Don't mind other people. They will understand," bilin ng amo. "Just stay seated in your cubicle later. I will buzz you if I need anything from you, a'right?"

Napakamot sa ulo ang dalaga bago tumango. Pakiramdam tuloy niya'y baldado siya at naging pabigat pa.

Sa totoo naman wala nang sakit siyang nararamdaman, aywan lang niya kung bakit nag-iinarte pa siyang hirap sa paglakad sa harap ng amo.

"See? I told you, Rosie. You should stay home."

Kumapit pa ito lalo kay Echarri at napapangiti nang lihim. She could feel the princess' treatment of Echarri to her. He is acting like her boyfriend, she thought.

The Scent of You [Under Revision]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora