Kabanata 29

181 12 0
                                    

Kabanata 29

Tunay ang mga pruweba na isinumite ng panig ni Chairman laban kay Mayor La Torre na pawang bintang at peke lahat ang dokumento na pinasa.

Walang nagawa ang prosekusiyon kundi ang i-absuwelto ang Avanzado. Sa dami-rami ng attorney at lawyer para ipagtanggol ang kompanya ay isang araw lamang ang inabot ng akusasyong iyon.

"Give them the proof and reports on the embezzlement funds of Sinag City Mayor," utos ni Chairman na kaagad tinalimahan ng kaniyang mga abogado.

Bawat pahina ay sinusuring mabuti ng prosecutor na siya rin pasimuno sa search warrants sa Avanzado Group.

"That is the real deal, Mr. Prosecutor." Tumayo na si Chairman upang umalis na kasama ang kaniyang mga abogado.

Bago pa man makalabas ng pinto si Chairman ay nilingon niyang muli ang nakaupo na prosecutor.

"Choose your allies wisely if you want to stay in this industry until you retire. Know that I'm giving you a chance to fix your mistake, Mr. Prosecutor."

Iyon lamang at nilisan nila ang lugar.

Sa araw rin na iyon ang ganap ni Monica na matagal pinaghandaan ng magkakaibigan. Umpisa pa lamang ay kinontak na nila ang isang mapagkakatiwalaan na reporter.

Maski ang saktong timing at kung paano nila mailalagay sa broadcasting device ang USB ay plakado na rin.

"Ready na ba ang lahat?" tanong ni Echarri sa kanilang lahat.

Bilang disguise, nakasuot ang mga ito ng damit at sumbrero na kaparehas ng suot ng mga nasa TV station. Props din nila ang hawak na nakarolyong papel.

Sinubukan pa nga iyon ipukpok ni Axel sa ulo ni Hudson bago tumakbo patungo sa dapat niyang pwestuhan.

Bilang isang pacifier sa grupo, pinigilan ni Zayn si Hudson dahil akma niyang susundan si Axel. Baka imbis magtagumpay sila ay kabaliktaran pa ang mangyari.

"She's coming. Tara sa proper places," untag ni Echarri nang makita ang pagpasok ni Monica mula sa backstage.

Agad na nakihalubilo si Hudson at Zayn sa mga empleyado ng istasyon. Si Fran ay tumango kay Rosie bago lapitan si Axel sa broadcasting room.

Hinawakan ni Echarri ang kamay ni Rosie at hinalikan ang noo ng dalaga.

"Tapusin na natin ang kahibangan ni Monica. Date tayo after nito?"

Tumingkayad si Rosie upang sagutin ng oo ang nobyo gamit ang mabilis na halik sa pisngi. "Tara na sa gilid ng stage," aya niya 'tsaka hinila ang kamay ng nakangiti na Echarri.

"Ready! Quiet on the set!" hayag ng direktor sa mga kasama gamit ang mic sa kaniyang harapan.

Lahat ng tao sa set ay nanahimik kasali na pati sina Axel at Fran sa loob ng broadcasting room na hindi nahuhuli ng mga crew dahil sa mga peke nilang ID.

Nahagip naman ng mga mata ni Echarri at Rosie kung paano ipatak ni Monica sa kaniyang mata ang artificial teardrops.

"Oh boy, too early for a fake-cry, Mon," bulong ni Echarri.

Everyone has settled down when the director says, "Roll camera..." and the camera operator answered, "camera speed."

Bumati muna ang showbiz reporter na nakaharap kay Monica.

"It's a pleasure to have you here, Miss Monica. How are you feeling this evening?"

But Monica is already crying. "Oh, I'm sorry. I keep telling myself not to cry in this interview, but I couldn't stop myself." Monica took a few pieces of tissue to wipe her fake tears.

The Scent of You [Under Revision]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant