Kabanata 25

149 12 1
                                    

Kabanata 25

Zayn, Hudson, and Axel went to the club just to fetch their friend, Echarri. Hirap pa ang tatlo sa paghahanap sa kwarto na kinaroroonan ni Echarri dahil sa dami ng mga babaeng lumalandi at ginigitgit sila.

Tinulak ni Axel ang lasing na babaeng sinusubukan siyang lingkisin. "Dang! Leave me alone, woman!" bulyaw niya.

While no one will dare go near Hudson because his eyes speak nasty. Unlike Zayn who is nice enough to turn down girls soft-spoken.

Nang sa wakas mahanap nila ang numero ng kwarto ay isang Echarri na napalilibutan ng apat na dalaga ang kanilang naratnan.

"Cheers!" Nilingkis nito ang kaliwang kamay sa dalawang babae habang yakap sa kabila ang dalawa pa kasabay ng pag inom nito sa baso.

Naunang pumasok sa loob si Hudson at sinipa ang paa ng sofa. "Get out, the four of you!" utos niya sa malalim na boses.

Halata ang galit sa mukha niya hindi lang sa boses kaya naman nagsi-takbuhan ang apat na dalaga.

"Look who are here! Upo. Upo kayo. I ordered enough for us..." Kumaway pa si Echarri para paupuin ang mga bagong dating.

Zayn almost passed by Hudson if not by the latter's extended arm. "Let me knack some sense to him," he said darkly.

Axel sits across Echarri and grab finger foods to put into his mouth when Hudson grabbed Echarri's shirt collar. Napatakbo si Axel sa tabi ni Zayn dahil sa gulat at baka masuntok ng 'di oras.

"Bakit ka pa ba sumama-sama rito? Wala ka namang kwenta kapag nagkakainitan 'yang dalawa," sermon ni Zayn kay Axel bago humakbang para lapitan ang dalawang kaibigan.

Inubos ni Echarri ang laman ng kaniyang baso 'tsaka pinagtuunan ng pansin si Hudson.

"Let go, Hudson. I will put up a fight this time if you don't let go of me."

Kaso mas humigpit ang hawak ni Hudson sa kwelyo ng damit ni Echarri.

"I warned you, didn't I? Do you think I will tolerate your antique, Echarri? Disrespecting Rosie like this?"

Zayn taps Hudson trying to pacify the heating argument. Pero hindi effective dahil malakas na tinabig ni Echarri ang kamay ni Hudson.

Kuyom ang kamao nitong hinarap si Hudson. "Did you say I'm disrespecting her? What kind of bullshit are you blabbing, dude? She left me! Ako ang pinagpustahan dito, Hudson! Ako!" Malakas niyang dinuduro ang sariling dibdib. "Ano'ng gusto mong gawin ko, ha? Sabihin mo, ano?!" Nanlilisik ang kaniyang mga mata na sinasalubong ang galit ni Hudson.

"Ganito mo ba aayusin ang problema mo? Tngina mo! Bakit mo kailangan balikan ang bisyo na 'to? You fucking son of a gun!"

"Ano naman ang pakialam mo?" Pinunasan ni Echarri ang bibig at nilipat ang tingin kay Zayn at Axel. "Eh kayo, Zayn, Axel, nandito rin ba kayo para husgahan ako? Ha? Are you here to tell me off because this is how I cope with everything? Zayn! Axel! Ano? Gaya rin ba kayo nitong tarantado na 'to?" turo nito kay Hudson.

Tumawa si Echarri na parang baliw at pumalakpak pa. "I'm always in the wrong in your eyes! Ptang ina na buhay 'to!" dagdag niya 'tsaka sinipa rin ang kawawang paa ng sofa bago humakbang paalis at ibalibag ang pinto.

Humarap si Zayn kay Hudson. "I'm not siding with anyone here, though you really went below the belt just now." Tinapik nito ang likod ni Hudson 'tsaka sinundan si Echarri.

"Tsk. I'm disappointed, Hudson. Pinagpaliwanag mo muna sana bago mo inaway." Napapailing na wika ni Axel bago lumabas din.

Nasipa na lamang ni Hudson ang sofa sa tinanggap niyang sisi sa dalawa. Kung makapagsasalita lang ang kawawang sofa, baka nagreklamo na 'yon sa natatamo na sipa mula sa dalawang binata.

The Scent of You [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon