Kabanata 7 (spg)

248 20 4
                                    

Kabanata 7

Kakauwi pa lamang ni Rosie sa inuupahan na maliit na espasyo nang makatanggap ito ng tawag mula sa amo. Ngunit no'ng sagutin niya iyon ay ibang boses ang sumagot sa kabilang linya.

"Oh, hi? Is this Ms. Estabillo?" tanong no'n.

Maingay sa paligid, iyon ang sigurado ni Rosie. "Yes? Sino po ito?" Magalang na tugon ng dalaga.

"This is Echarri's friend, Zayn."

Napatayo nang matuwid si Rosie nang makilala nga ang boses na 'yon. "Sir Zayn!" gulat nitong bigkas sa pangalan, "m-may nangyari po ba kay Sir Echarri?" Kakaba-kaba nitong tanong na nakakuha ng nakaka-engganyong tawa mula kay Zayn.

"No, no." Siguro ay umiiling pa iyon kung nakikita lamang siya ni Rosie. "Echarri is safe, but drunk. Nandito siya sa bar ngayon nakatulog na sa counter table... um, I was supposed to drive him home, but one of my employees didn't show up tonight, so I can't leave early. Ayos lang ba sa 'yo kung ikaw muna ang maghatid sa kaniya?"

Walang isang salita na kinuha ni Rosie ang kakalapag nitong bag sa sofa. "Papunta na po ako, Sir Zayn."

"Woah, that was a quick answer. Thank you, Ms. Estabillo. I know this was not part of your workload. I will make sure this dude compensates you, and your time."

Napangiti ang dalaga habang pumapara ng isang taxi. "Maliit na bagay po ito, Sir Zayn. I will be there in half an hour."

Na-diskonekta ang tawag pagkasabi niya no'n. Problemadong-problemado yata talaga ang kaniyang amo kaya nagi-inom ito nang mahigit pa sa kaya niyang inumin. At inaamin ng dalaga na siya ang salarin sa problemang iyon.

Madaling tinungo ni Rosie ang kinaroroonan ni Echarri, tumango kay Zayn at bahagyang sinilip ang mukha ng natutulog na amo. Mas humimbing pa nga yata ang tulog nito dahil sa nakakaantok na tugtugin dito sa bar na pagmamay-ari ni Zayn.

"Tumawag na ako ng driver, Ms–"

Umayos ng tayo ang dalaga sa pagdating ni Zayn sa kanilang tabi. Ito lamang ang nakita niyang tumatao sa counter table.

"Rosie na lang po, Sir."

Ngumiti rin ang mga mata ni Zayn no'ng tumawa ito. "Rosie... tumawag ako ng driver. Just accompany him to his house. Sorry, hindi lang talaga ako palagay na wala siyang kasama kaya kita tinawagan."

"Nako, Sir, wala pong kaso sa akin 'yon."

"Zayn na lang."

Hinaplos ni Rosie ang balikat bago subukang bigkasin ang pangalan ng kaharap. "Z-Zayn, una na po kami..."

Binigay ng kaharap ang address ng amo pati na rin ang password ng bahay. Ngayon ang kauna-unahang pagkakataon na masisilayan ni Rosie ang inuuwiang bahay ni Echarri. Hindi tuloy nito maiwasan ang pagka sabik na makita iyon.

Ngunit no'ng masilayan ng dalaga ang bahay ng amo ay nanliit ito. Mas malaki pa yata ang banyo nitong bahay sa maliit niyang espasyo. Napa-simangot pa tuloy ito. Hindi nito sinasadyang kaladkarin ang amo patungo sa isa sa mga naispatan niyang kwarto.

Sa bigat ni Echarri ay sumama pa tuloy ang dalaga sa pagkakahiga. Segundo ring nawala si Rosie sa wisyo. The drunken breath of Echarri makes her crazy. Hindi niya mawari ngunit nababanguhan talaga siya sa ganoong amoy. Idagdag pa ang atraktibong stubbles ng amo.

Sinampal niya ang sarili.

"Gising, Rosie, gising." Tinapik-tapik nito ang pisngi bago tuluyang bumangon.

Hinubad nito ang sapatos ni Echarri. 'Tsaka sinunod ang jacket na hirap na hirap niyang hinubad sa amo. She covered him with a heavy blanket and sat down on the floor. Resting hand on her chin, she stares at Echarri's face like glue.

The Scent of You [Under Revision]Where stories live. Discover now