24. Seatbelt

690 40 6
                                    

Author's Note/s:

I just feel like posting this note na pinost ko noong May 23, 2015 after the finale of Forevermore.

Wala lang!, just to show my love and support sa LizQuen. Sila kasi yung nag inspire sa'kin to make this story as a FanFiction. So i am reposting this here sa favorite chapter ko. ;)

Hope you guys enjoy reading as much as I enjoyed rewriting this chapter . ❤

( REPOST A/N - May 23, 2015 )

Aaaaaaaaattttt...

Hindi parin po ako maka move on sa Finale ng Forevermore. Grabe lang yung kilig ko eh!, abot hanggang labas ng Earth! (^_______^)

So dahil po d'yan,
mag a-update ako ng story ko today :)

'Yun lang po.

Ja ~ ❤

- Author

---------------------------

[ Yana ]

"Yana are you okay?".

Nagulat na lamang ako nang sinalubong kami nang dalawang babae na schoolmates namin matapos kaming mag usap at magkaayos ni Lia.

"We've heard".
"And read from tweets".

Magkasunod pang sabi nang mga ito sa amin. Yung isa'y namumukhaan ko pa dahil classmate ko siya sa isang subject.

Napakunot-noo ako't nagtaka. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanila dahil wala naman akong idea kung ano ang nangyayari at tungkol saan ang mga pinagsasabi nila. Kaya't nilingon ko na lang sina Lia na nasa likuran ko at nakita ang pagtataka din sa kanilang mga mukha kagaya nang nararamdaman ko.

Tumingin ako kay Lia para humingi nang pang segunda sa mga nangyayari. At awtomatikong naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin.
Sa ganitong pagkakataon ko talaga napapatunayang bestfriend ko siya, dahil nagkakaunawaan kami sa tinginan lang.

"Uhmm...excuse me lang ha, ano ba 'yang mga pinagsasabi niyo?". mahinahong tanong ni Lia sa mga ito.

Gulat at takang napatingin sila kay Lia na para bang may itinanong itong 'di kapani-paniwala.

"You mean you guys don't know?".
"Trending kaya si Yana ngayong araw!".

Halos magkasunod at tarantang sagot naman ng mga ito sa amin.

"Huh?...a-ako? trending?". gulat na bulalas ko.

Why?. tanong naman ng isip ko.

Inilabas nang isa sa kanila ang kaniyang cellphone mula sa bag nito at hinarap sa amin ang screen.

#YanDreiNotSoEngaged

'Yan ang nag number 3 na trending sa Twitter sa araw na ito.

YanDrei?. May tawag na sila agad sa'min?. Ano kami, LOVE TEAM?. gulat na sigaw nang isip ko.

Out of shock ay bigla ko na lang kinuha ang cellphone na iyon at binasa ang mga tweets patungkol sa nangyari kagabi.

@messyjessie07:
looks like there won't be a wedding soon. ;) #YanDreiNotSoEngaged
| @keemwatashi replied:
OMGEE!...true?.

@beabeyootiful:
Yana's so arte. Papakasalan na nga, ayaw pa?. #YanDreiNotSoEngaged
| @Zelen_023 replied:
if I were her, dapat
nagtatalon na 'ko sa
tuwa. ;))) #sayang

@kirk_mumbo:
pabebe pa more! XD #YanDreiNotSoEngaged
| @ritzbitz143 replied:
pabebe pa, di naman
maganda! ;D
#feeler
| @iwuvyu_2 replied:
dapat binigay na lang
niya sa'kin si Andrei!.
#sayangangulam
| @iamprity replied:
a girl like her doesn't
deserve someone like
him. :/
#realitycheck101
| @iwuvyu_2 replied:
wait. so does this mean
may pag-asa na 'ko?. :)
#hopia
| @iamprity replied:
dream on!. akin siya!.
| @ritzbitz143 replied:
managinip na lang
kayong pareho ng dilat.
dahil akin si Andrei! :P

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Where stories live. Discover now