48. Dreaming of you

620 25 13
                                    

[ Andrei ]

"Yes, hindi ko na itatanggi...mahal ko talaga siya". nakangiti at confident kong pag amin sa harap ng mga camera na sunud-sunod ang pagkislap ng mga ilaw.

"Talaga Andrei?. Mahal mo din ako?".

Nagniningning ang mga mata at aliwalas ang ngiti ni Breeyana na tumingin sa'kin at hinawaka ang aking kamay.

"Oo, mahal kita Breeyana. Mahal na Mahal". masuyo kong sagot at hinawakan ang kaniyang mukha.

"Te Amo, Amore mio". nakangiti niyang tugon habang unti-unting naglalapit ang aming mukha at...

"Aray!!!".

Naramdaman kong biglang sumakit ang likuran ko't parang tumama ako sa napakatigas na bagay.

Sandali nga lang...nananaginip ba 'ko?.

Mabilis na iminulat ko ang aking mga mata at saglit na inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto ko habang sapo ang ulo kong mukhang nauntog pa ata sa sahig.

Panaginip nga lang ang lahat. buntong-hiningang bulong ko sa sarili.

Napangiti ako ng maalala ang dahilan ng pagkakahulog ko sa'king kama. Kakat'wa at napaka-imposible, pero sobrang makatotohanan na para bang nararamdaman ko parin ang lambot ng pisngi niyang hinawakan ko sa'king panaginip. It just feels so real.

Unbelievable!. Now you're having dreams of her!?. naisip ko habang tatawa-tawang umiiling na lang sa sarili.

Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng babaeng p'wede kong mapanaginipan, si Breeyana pa talaga?. And she's even speaking Italian at may pa-public confession pa 'kong nalalaman!.

Kasalanan talaga 'to nina Zeek eh!. tudyo ng aking isip.

Kun'di talaga dahil sa kanila, hindi ako mananaginip ng mga kung anu-anong mga kakat'wang bagay.

Ang tinu-tino kasi ng usapan naming magkakaibigan na mag-iinuman lang kami ng nag daang gabi, just to make me ready for the big event today.
Pero sino ba namang mag-aakala na mag dadala pala sila ng complete DVD copies ng paborito nilang teleserye.

Kalalakeng tao ng mga kaibigan ko, lalo na si Zeek, pero kilig na kilig habang pinapanuod ang mga cheesy scenes ng 'seryeng 'yon, where an Italian heiress falls in love with a commoner Filipino boy. And before i knew it, na-hook na din pala ako sa pinapanuod nila't parang gusto ng tapusin ang kwento sa isang upuan.

I must say, tama nga sila. Hawig nga ni Breeyana ang bidang aktres sa palabas na 'yon. Kaya nga siguro napanaginipan ko siya na nag i-italian, because of that stupid series.
And if i hadn't known Breeyana long enough, baka nga isipin kong kakambal niya yung artistang 'yon.

But of course, that would be impossible. Because Breeyana is different from that girl in more ways than one.

Napangiti ako ng maalala ang kaniyang itsura noong nakaraan lang habang simangot na kumakain ng ice cream sa kalaliman ng gabi.

Breeyana...why are you confusing me like this?. buntong-hiningang tanong ko sa sarili at napakunot-noo na lang ng may biglang maalala.

Napablikwas ako ng bangon nang maalalang ngayong araw nga pala ang napagusapang na magpapa-interview kami't magbibigay ng statement tungkol sa issue na aming kinasasangkutan.

Nagmamadali kong tiningnan ang alam clock na nasa bedside table ko at nanlaki ang aking mata ng mapagtantong mag aalas-diyes na pala ng umaga.

"Oh sh*t!". bulalas ko habang patakbong tinungo ang banyo para mag-shower at sapo parin ang aking ulo na nauntog kanina sa sahig.

I groaned in pain, ngayon ko palang ata nararamdaman ang hang over ko bunga ng kalasingan kagabi.

Kung bakit ba naman kasi napapayag pa 'ko ng mga mokong na 'yon na mag-inuman eh!. pagmamaktol na tumatakbo sa'king isip.

Wala pang thirty minutes ay natapos na 'kong maligo't magbihis. Halos liparin ko na ang pagbaba sa hagdan ng salubungin ako ni Jeannie sa steps at mapahinto.

"Oh kuya!, andito ka parin?". kunot-noong tanong niya. "Diba may schedule ka ngayon?".

"Na-late lang ng gising". tipid kong sagot at magtutuloy na sana sa paghakbang pababa nang may kakaibang itanong ang kapatid ko na nagpakunot sa'king noo.

"Ngayon mo na ba sasabihin sa kaniya kuya?". maluwang ang ngiti at halatang excited na tanong nito.

"Sasabihin ang alin?". kunot-noong pagbabalik ko ng tanong.

"Wala. Sabi na nga ba, hindi ka talaga dapat nag-iinom ng sobra kuya eh!". natatawa-tawang iling na sagot naman ni Jeannie sa'kin sabay tapik ng balikat ko.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya't hinalikan na lang siya sa noo.

"Wish me luck bunso". tangi kong nasabi't nagpatuloy sa pagpanaog ng hagdan.

"Andrei".

Napalingon ako ng marinig ang boses ni daddy bago pa man ako makalabas ng bahay.

"Make me proud. Do the right thing". anito na sinamahan pa ng pagtapik din sa'king balikat.

Walang ngiti na tumango-tango lamang ako't nagtuluy-tuloy na sa paglabas hanggang sa makasakay ng aking kotse.

Sa sobrang kaba ko'y 'di ko na napansin ang kakaibang kinikilos ng aking pamilya, hanggang sa ma-stuck sa traffic at makapagmuni-muni.

Bakit parang 'di ata mainit ang ulo ni daddy sa'kin ngayon?. tanong ko sa'king sarili. At ano ba yung sinabi kanina ni Jeannie na sasabihin ko daw?. Kanino?.

Ipinilig ko na lang ang aking ulo at itinutok ang atensyon sa mahabang pila ng mga sasakyang ipit sa traffic.

Ngunit sa 'di ko naman maunawaang dahilan ay bigla kong nakita ang mukha ni Breeyana sa mismong salamin ng sasakyan ko na animo'y para kong nanunuod sa isang napakalaking tv screen.

Napakurap-kurap ako ng ilang beses para lang mawala ang imahe niya sa'king utak.

What's gotten into you!?. frustrated na tanong ko sa'king sarili at inis na binuksan ang radyo ng kotse, nagbabaka-sakaling maaalis ng pakikinig sa music ang kung anu-anong mga nakikita't naiisip ko.

' Sa tuwina'y naaalala ka, sa pangarap laging kasama ka. Ikaw ang alaala sa'king pag-iisa. Wala ng iibigin pang iba...~~~

Pero imbes na ma-relax ay lalo pa 'kong nainis dahil parang inaasar din ako ng pagkakataon at ganyan pa ang kantang pumailanlang sa naka-on kong radyo, kaya't pinatay ko na lang ulit iyon.
Mabuti na lang at kasabay niyon ay umandar na ang traffic. Kaya't itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagmamaneho.

Halos mag iisang oras din ata akong nag byahe, dahil pagdating ko sa hotel ay pasado alas dose na at sigurado akong ako na lang ang hinihintay ng lahat dahil sobrang late ko na.
Ine-expect ko na ngang sasalubungin ako ni Breeyana ng umuusok sa galit niyang ilong at isang malutong na sampal, pero hindi 'yon ang nangyari.

Sa halip ay isang napakaganda at sophisticated na Breeyana ang aking nakita.

Malayo pa lang aninag ko na siya sa isang sulok ng conference room, sa tabi ng mga refreshments. Nakatayo lang siya do'n at kausap si Jessa Katanungan, ang showbiz reporter na mag i-interview sa'min. Nakangiti siya habang kausap ito, pero mas lumuwag ang pag ngiti ng makitang papalapit na ako sa kanila.

And then it happend...

Walang anu-ano'y ang ngiting 'yon ang bigla na lang nagpabagal ng mundo ko't nagpalukso ng aking puso. She made me feel these feelings na alam kong matagal ko ng ibinaon sa limot, at mistulang magic na napabago ng ngiting iyon ang isip at puso ko.

Then it hit me...

Damn it!. I'm in love with her.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Where stories live. Discover now