49. Warning

223 15 4
                                    

Author's Note/s:

After a long hiatus, eto na...at pipilitin ko parin pong tapusin ito alang-alang sa mga totoong sumsusubaybay parin sa FT.

Kapit lang readers dahil, ehem...spoiler alert, malapit ng matapos ang book 1 ng kwento nina Andrei at Breeyana.

Mas madami kayong aabangan sa book 2 neto. I swear!.

Pero for now, enjoy muna tayo dito and as always...HAPPY READING. :)

- Author

-------------------------

[ Andrei ]

"This is such a rare moment na makita kayong magkasama and giving us the opportunity to know the real score sa pagitan ninyong dalawa". nakangiti't excited na panimulang pahayag ni Jessa Katanungan habang nakaupo sa single seater leather couch na katapat namin. "Thank you for guesting sa aking show".

"Actually Jessa, kami nga ang mas dapat magpasalamat sa'yo". nakapako ang ngiting palihim akong sumulyap sa katabi kong si Breeyana na halatang kinakabahan ng magsimula na ang interview. "If it weren't for this show, hindi namin masasabi sa lahat what really happend to us ng mga nag daang araw".

Nakita kong kuminang ang mata ni Jessa sa aking compliment at alam kong tumaas na naman ang ere nito sa katawan dahil do'n, which i intended to do.

You see, i never go in a battle without weapons and a back up plan. And i consider this as a big battle, for me and Breeyana. Kaya't nag-research ako patungkol kay Jessa Katanungan mga ilang araw na din ang nag daan just to make sure her credibility. At 'di nga ako nagkamali, dahil ayon sa mga nakalap kong impormasyon ay walang pinagkaiba ang babaeng 'to sa mga kapwa niya taga-media na uhaw lamang sa mga balitang alam nilang magagamit nila to their advantage.

'Tulad na lang ngayon, alam kong kaya niya kami gustong ma-interview ay para mauna siya sa iba niyang katrabaho na gustung-gusto ding malaman ang katotohanan sa pagitan namin ni Breeyana, at s'yempre maisa-publiko ito. Who knows, baka ito pa ang maging dahilan para ma-promote siya as SVP ng kanilang department.

Pero kagaya din naman syempre ng ibang mga babae, may kahinaan din siya. At 'di naman sa pagmamalaki sa sarili, pero expert na 'ko sa mga tulad ng isang Jessa Katanungan. With all the girls i've been with, 'di ko pa ba makakabisa ang isang gaya niya sa isang tingin pa lang?. Dahil ang mga babaeng 'tulad niya'y bumibigay kaagad sa kaunting pambobola lang at matutuwa na sa mga pahapyaw na compliments sa kanila. So i know playing with this kind of woman is as easy as picking any other girl inside a club.

Matiim kong tinitigan si Jessa at ngumiti sa pinaka mapang-akit kong paraan. And as expected ay ngumiti siya sa'kin at kitang-kita ang pamumula ng kaniyang mukha. I knew then na gumagana na nga ang mga plano ko.

I just figured kasi na baka the more i attract her, the less questions she'll be asking us...particularly, Breeyana. That way, 'di siya mahihirapang sagutin ang anumang itatanong sa kaniya at maiiwasan pang lumala ang sitwasyon namin.

"Ehem..." tikhim ni Jessa na kita kong pilit nagpo-focus sa interview. "S-so what really happend?. Totoo nga bang bali-balitang pinayagan kayong mag live-in ng parents ninyo buong summer?".

Magkasunod ang tanong nito na para bang iwas sa distractions na ginagawa ko't sinabayan pa niya ng pagtutop sa kaniyang mga palad, para bang nag e-expect ng mahabang paliwanag mula sa'min.

"Well...uhmmm...hindi mo naman siya matatawag na live-in kasi Jessa". pagpapaliwanag ko. "It was more or less like, getting ready and used to us being together. Dahil as you may all know, me and Breeyana don't get along that well. Kaya't naisip ng mga magulang naming patirahin kami sa iisang bahay. To maybe, i'm not sure, siguro pagkasunduin kami".

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Where stories live. Discover now