18. Undecided Andrei

592 36 0
                                    

[ Yana ]

When finally ay pumayag na si Andrei sa plano ko (after ilang pangungumbinsi na kinailangan pang umabot sa preparation nang Engagement namin) ay nag simula na kaming ayusin ang lahat, mula sa flyers at audition venue.

Of course, we have to held an audition para siguradong hindi papalpak ang plano, at pati na din ang mapipilin namin dapat walang sablay.

We both agreed na after nang lahat ay makakatanggap nang medyo malaki din namang reward ang babaeng gaganap sa papel na "other woman" ni Andrei.

At syempre pa tinulungan kami nang mga kaibigan namin sa lahat nang preparations pati na din sa audition process.

Ang mga girls ang gumawa nang flyers na may nakalagay na "Wanted: Actress" at ang criterias ay; (1) with pleasing personality. (2) must know how to act, or with basic acting or drama workshop backgrounds. (3) single and must be willing to work full time. Not a bad advertisment diba?.

At secretly ay ikinalat namin ang mga ito sa Mary Knoll's pati na din sa St. Matthieu's, para sure na madaming makapunta at mag audition.

Ang mga boys naman ang naging in charge sa venue. Napagkasunduan nang lahat na sa St. Matthieu's na lang ito ganapin, dahil malakas naman sina Andrei at Timmy sa school admins nila at para na din makaiwas sa mga kung anu-ano pang tanong nang ibang tao.

"Girl, okay ka lang ba?". concerned na tanong sa'kin ni Sherry nang mapansin ang biglaang pananahimik ko.

Kasalukuyan kaming nasa kalagitnaan na nang event na ito nang makaramdam ako nang hindi maganda sa aking katawan. Siguro'y pagod at sobrang tensiyonado lang dahil sa nangyayari sa amin sa araw na iyon.

"Okay lang. Kaya ko pa". pilit ang ngiting sagot ko habang minamasahe ang aking sentido. "Medyo sumasakit na nga lang ang ulo ko. Mahirap pala yung ganitong trabaho. Now i know kung gaano kahirap ang maging judge nang mga singing and acting contests sa tv".

Paano ba naman kasing hindi sasakit ang aking ulo?, eh sa dinami-rami naman nang nagpunta at nag audition kahit isa sa kanila wala paring napipili si Andrei.

Lia, who was sitting next to me, patted my shoulder in approval.

"Eh sino ba naman kasing nag insist nang ganitong pa-audition na kaartehan ha!?".

I heard Andrei sarcastically hissed under his breath.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon.

At siya pa talaga ang may ganang mag complain ngayon huh!?. iritang bulong ng isip ko. He agreed with me on this, tapos ngayon nagagalit siya!?.

I turned my chair to the left side of the panel interviewers table kung saan nakaupo si Andrei and looked at him with my most mataray na facial expression.

"Eh kung hindi mo naman po kasi ako dinadamay sa kalokohan at magulong buhay mo po, eh di sana tahimik tayong lahat ngayon diba!?". i hissed back at him, brows raised. "At sino ba ang choosy na ayaw pang pumili sa mga babaeng nandito ha?. Ako ba!?".

The whole auditorium fell silent.

Lahat nang mga tao doon, mag mula sa mga kaibigan ko't kaibigan niya pati na din ang mga babaeng nakapila't nag hihintay nang turn nila sa audition ay napatingin sa amin ni Andrei.

I just can't stand him!. Nakakaloko na talaga ang ugali niya.

One minute he's okay, the next he's not. Napaka bipolar na klase nang lalake eh. Dinaig pa ang mga babae!.

Sino ba namang hindi maiirita sa ganiyang klase nang lalake diba?.

Masakit na nga ang ulo ko, tapos may ganito pang pag re-reklamo akong maririnig.

Ako na nga ang gumagawa nang paraan. Parang ako pa ang lumalabas na masama. sabi nang isip ko.

But when i was about to stand up from my chair at magwo-walkout na sana ay mabilis naman akong pinigilan ni Timmy.

"Woah guys!. Hindi tayo nandito ngayon para mag away okay?. We're here para mag hanap nang solusyon sa problema ninyo". he explained calmly while clutching my arm and looking back and forth from me to Andrei.

"Tama!. Kaya nga tayo nagpapa-audition ngayon diba?, para makahanap nang inyong "Best Actress" in a very complicated role. Para may magpanggap nang isa pang girlfriend ni Andrei". dagdag pa ni Rina.

Tumango-tango naman ang iba bilang pag sang-ayon sa kanilang mga sinabi.

"Yana, Andrei...we understand naman na mahirap din para sa inyo na mag hanap niyang hinahanap ninyo. Pero kung gusto ninyo talagang mag work out ang plano mo Yana, you have to atleast both agree sa ginagawa nating 'to". sabi naman ni Lia.

Napatingin ako kay Lia at natahimik. May point kasi sila kung tutuusin.

Hindi naman kami nagpapagod lang para sa audition na 'to for nothing. May napakalaking dahilan behind this, a mater of life and death nga kung tutuusin. Kaya hindi dapat maging hadlang (sa ngayon) ang indifferences namin ni Andrei. Kailangang naming atleast kahit ngayon lang ay magkasundo sa isang bagay, at 'yon ay ang pagpili nang karapat-dapat na gaganap sa papel nang other woman niya.

Sabi nga ni Rina, sino ba namang hindi gugustuhing maging girlfriend (kahit acting lang) ni Andrei?, eh madami ngang nagkakandarapa sa kaniya diba.

Kaya inakala talaga naming magiging madali na lang ang lahat. Pero kahit madami pa ang nag audition at willing to do the part ay parang wala namang pumapasa kay Mr. Playboy, sobrang nagpapaka-choosy pa talaga siya.

I sat back down on my chair again and let out a deep exhausted breath.

Kung bakit ba naman kasi napasama pa 'tong si Andrei sa plano namin nina Lia eh!.

Pahirap sa buhay!. Kung hindi lang talaga kailangang-kailangan na namin nang solusyon sa problemang 'to...naku talaga!!!. ngitngit na bulong nang isip ko.

Ngunit pinilit ko na lamang kumalma sa kabila nang nararamdaman kong pagkairita sa inaasal ni Andrei.

"Eh kung pumipili ka na lang kasi sa lahat ng na-screening na natin, para tapos na". i calmly told him.

"Wala akong mapili". he answered shortly.

"What!??". halos sabay-sabay na bulalas nang mga kaibigan namin.

"Dude, you've got to be kidding!?".

"Sa dami nang mga magagandang girls dito, wala ka paring mapili?".

Magkasunod namang pahayag at tanong nina Topher at Zeek.

"Nahihirapan ako eh". tipid na sagot naman ni Andrei sa kanila. "Walang pumapasa sa standards ko eh".

"Wow!, choosy pa more". sabat naman ni Howard.

Napataas na lamang ang kilay ko sa sinabi ni Andrei.

How can he be still full of himself sa ganitong sitwasyon namin?. iritang tanong ko sa sarili.

Magsasalita na sana ako nang biglang mapahinto at tumingin ang lahat sa babaeng biglaang pumasok sa auditorium.

"I'm here for the auditions".

-------------------------

Author's Note/s:

Sorry po sa medyo mabagal na update. Naging busy po lately eh. Pero hayaan niyo po, babawi ako.

Thanks nga pala do'n sa mga patuloy na bumabasa nang FT at sa iba ko pang mga stories. Salamat din sa votes at helpful comments/messages ninyo. You guys rock!.

Keep on voting and reading for my next updates. Also comment din pag may time para close tayo. ;))))

- Author

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Where stories live. Discover now