36. Strange feelings

672 45 3
                                    

[ Andrei]

Alam kong nabigla si Breeyana sa aking mga nasabi 'pagkat pinamulahan siya nang mukha't napaawang ang mga labi na para bang may narinig siyang kakaibang balita mula sa akin.

"A-anong ibig mong sabihin?". halos pabulong at garalgal ang tinig na tanong niya.

"Ayokong mapahamak ka d-dahil..."

Sinubukan kong mabilis na mag-isip nang idadahilan, ngunit tila nawalan ako nang mga sasabihin nang makita kong nangilid ang kaniyang mga luha.

Mukhang sumobra na naman ata ako ah. paalala ko sa sarili.

Ilang beses ko na kasi siyang napapaiyak nitong mga nakaraan, 'di ko kasi mapigilang uminit ang ulo sa kaniya kapag may nagagawa siyang hindi ko gusto.

Ewan ko nga ba, wala naman akong anger management problems pero pagdating talaga sa kaniya'y nag iiba ang ugali ko. Para akong may split-personality na one minute we're okay, the next inaaway ko siya kahit sa napakababaw na mga dahilan. At alam ko din namang napapansin na niya na iyon, kaya't pinipilit kong ayusin ang damdamin ko sa kaniya o kung anuman itong problema ko sa aking sarili.

Humugot ako nang malalim na buntong-hininga't kinalma ang sarili. Pagkaraa'y nagsalitang muli sa mas mahinahong tinig.

"Look Bree, ayokong mapahamak ka dahil alam mong kapag may nangyaring masama sa'yo eh ako ang sisisihin nang parents natin. You're under my care the moment we agreed on this situation we're in". paliwanag ko para lamang hindi matuloy ang kaniyang pag iyak. "So please, makisama ka naman sa'kin ha. Please follow as i say and stop going out alone, lalo na't madaming nag hahanap sa'tin sa mga panahong 'to".

Napakagat labi siya't marahang tumango bilang pag sang-ayon sa mga sinabi ko.

"Sorry". aniya sa tinig na hindi ko naman maipaliwanag kung bakit para bang kumiliti sa aking puso.

"It's okay. Basta't 'wag mo na lang gagawin ulit ha". sagot ko na pilit pinipigilan ang sariling mapangiti. "Teka nga, sa'n ka ba talaga galing at mukhang ang dami mong pinamili ah".

Nakita ko kasi ang ilang mga paper bags na bitbit niya mula pa kaninang pagpasok sa bahay.

"Ahh...eto ba?. Galing ako do'n sa mini grocery, mga five minutes away mula dito".

Tumango-tango naman ako't napakunot-noo nang matuon ang atensyon sa mukha niya at ma-realize na parang hinahapo siya.

"Eh bakit parang hingal na hingal ka?. Hindi mo naman nilakad diba?, dala mo nga ang kotse ko eh". takang tanong ko.

"Uhmmm...about that. M-may nangyari kasi eh".

Sumeryoso ang mukha ni Breeyana, at hindi ko mawari sa aking sarili kung bakit para akong kinabahan at na-alarma sa mga susunod niyang sasabihin.

"Muntikan na kasi akong mahuli nang mga kaibigan natin".

"What!?".

Ako naman ngayon ang parang 'di makapaniwalang napanganga pa sa sagot niya.

"Ganito kasi 'yon...." pasimula niya't nagpakawala muna nang isang malalim na hinga.

At ikinuwento nga ni Breeyana sa akin ang lahat nang nangyari. Mula sa pagbili niya sa mini grocery, hanggang sa ma-realize niyang parang may mga sumusunod sa kaniya, at hanggang sa pakikipaghabulan sa mga ito. Habang ako nama'y kunot-noong iiling-iling na lamang sa mga pangyayaring kamuntikan na naming ikapahamak pareho.

"Mabuti na lang nga at may nakita akong halos kasing tangkad at kapareho ko nang buhok. Kun'di, naku! baka nabuking na tayo. Buti na lang talaga magaling akong umiwas".

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Where stories live. Discover now