46. Salted Caramel

416 19 0
                                    

Author's Note/s:

Balik updates na po ulit si ateng author ninyo. Pasensya at natagalan tayo. Medyo naging busy ng nag daang summer eh.

Kayo kumusta ang summer ninyo?. Leave a comment. Kwentuhan ninyo 'ko. :)

- Author ❤

-----------------

[ Yana ]

I was out for a walk dahil maalinsangan ang panahon ng gabing 'yon. At since nakabalik na naman ako sa'min i decided to do what i usually do once in a while, ang lumabas para humagap ng sariwang hangin. Tutal ay may laya na 'kong lumabas ulit whenever i want to.

Oo, nakauwi na 'ko sa'min. And it was a mutual agreement (ulit) ng parents namin, pati kami, na umalis na sa Villa Obreza matapos ang insidenteng pagkakadiskubre ng media na magkasama kami ni Andrei almost buong summer. At napagkasunduan din naming 'wag munang magkita o pag usapan ang nangyari habang mainit pa ang mata sa'min ng mga paparazzi.

Tahimik akong lumabas ng village namin at naisipan kong bumili ng ice cream sa isang convenience store a few blocks mula doon. Kampante akong walang makakakilala sa'kin dahil tago naman ang mukha 'ko sa aking over-sized gray na hooded jacket.

Nakangiti akong pumasok sa convenience store at dumiretso kaagad sa magkakahilerang freezer sa dulo ng tindahan. Sinipat ko kung may salted caramel ba silang flavor ng ice cream na nasa tub. Iyon kasi ang favorite ko.

Ilang sandali lang akong nag halukay sa freezer na 'yon para sa'king pakay, at presto!, nakahanap din ako. Dalawa pa nga eh. Kaya kinuha ko na din yung isa dahil baka kasi mabitin pa 'ko eh.

Sige na, ako na talaga matakaw!. Pero 'pag 'di ko naman 'to naubos, pwede ko namang i-share sa mga kapatid ko eh. Tutal pare-pareho naman naming paborito ang salted caramel na ice cream. Masarap kasi 'tong nightcap lalo pa't kung stressed ka din.

Masayang binitbit ko ang dalawang tub sa medyo may kahabaang pila sa harap ng cashier. At dahil nag iisa lang ang crew sa convenience store na ito kaya't iisa lang din ang bukas na counter.

"Uyyy diba siya 'yon?".

"Parang 'di naman".

"Siya 'yon eh!".

"Eh bakit parang iba itsura?. Hindi naman pala kagandahan sa personal".

Narinig kong pinagbubulungan ng dalawang dalagitang nakapila din sa gawing likuran ko.

"I heard pinilit lang sila nang mga magulang nila para pakasal".

"Ay talaga!?. Bakit daw?".

"Ewan. Baka dahil sa pera".

Rinig ko ang bungisngisan nila habang pinag-tsitsismisan ang personal kong buhay.

Yes, alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Dahil for the past few weeks ay laman kami ni Andrei ng mga balita mag mula sa society pages ng mga dyaryo hanggang sa social media.

"So dahil mapera sina Andrei kaya panay dikit siya?".

"Tumpak!. At balita pa ngang kapag nakasal sila, mai-inherit na nilang pareho ang lahat nang meron sa pamilya ni Andrei".

"Kaya pala!. I mean, i couldn't blame her. Gwapo na si Andrei, mayaman pa. Naka-jackpot na kaya siya niyan".

Nabura ang ngiti sa aking labi at napalitan ng unti-unting pag taas ng kilay dahil sa mga narinig ko.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Where stories live. Discover now