5. Family Secrets

789 44 2
                                    

[ Andrei ]

"DO YOU KNOW HOW SCANDALOUS THIS IS, MARCUS??...."

We were having a small family talk sa garden when my dad bursted out his anger towards me.

As usual, umuusok na naman siya sa galit, lalo na nang malaman niya ang lahat ng nangyari habang nasa business trip sila ni Mommy.
The video. Me and Breeyana in that closet.
It was like all too much for my dad's so-called "ego".

Kakauwi lang nila galing Macau pero ito agad ang bungad nila sa'kin.
Ang saya lang! (sarcastically speaking).

Well actually, sigurado naman akong napauwi lang sila ng biglaan dahil nalaman nila sa mga tsismis na may viral video nga ako.
And knowing my father, hindi niya hahayaang madungisan ang family name namin.

Hindi ko nga din alam kung pa'nong umabot sa doon ang balita eh. Basta't nagulat na lang ako na imbes ngiti at yakap ang matanggap ko sa parents ko, ay ganito agad. Umaatikabong sermon.

Gaano ba naman akong ka-famous na pati sa ibang bansa eh alam ang buhay ko at pinakikialaman?. tanong ko sa sarili.

Pero naisip ko ding siguro sa mga amiga ni mommy na madadaldal nila nalamang may ginawa na naman akong gulo.

Eh kung alam ko nga lang na sa ganitong paraan ko pala sila mapapauwi. Eh di sana noon pa 'ko gumawa ng ganito kalaking ingay.

But the funniest thing here is, hindi man lang ako natatakot sa mga sasabihin nila sa akin. O kahit pa nga sa galit ni Daddy.

Ewan ko ba. Parang nakasanayan ko na atang pinagagalitan nila everytime may kaunting gusot akong magawa sa malinis nilang pangalan. Kaya siguro parang manhid na ako.

"ISA KA TALAGANG KAHIHIYAN!!!. I SHOULD HAVE DISOWNED YOU!!".

Dad shouted at me like i was no one to him.
Na para bang hindi niya 'ko anak.

"Calyxto!, stop it!". Mom spoke in a very motherly way. "He's still your son".

"My son!?". he almost choked saying it. "My son na palagi na lang akong binibigyan ng kahihiyan".

I looked him in the eye with pure hatred.

Kahihiyan?. Hiya?. Meron ba siya no'n?.

"He stopped being my son the day he chose to be the black sheep of this family". sabi pa niya.

Nagagalit siya because i became the black sheep?. Pero hindi man lang niya naisip na baka may dahilan ako.

Na baka kaya ako ganito dahil galit ako sa kanya dahil sa pang iiwan niya sa amin 10 years ago.

"What did we ever do wrong to you?. Saan ba kami nagkamali ng pagpapalaki sa'yo ha?. We gave you everything-...."

"You did, didn't you?". i answered back bago pa niya matapos ang litanya niya. "Oo nga naman pala!".

I couldn't keep it in anymore. I had to say something dahil nasasaktan din naman ako.

Minsan kasi ang tao may hangganan din ang pasensya at pagtitimpi. And i think this moment was my time na malimutan kong ama ko pala siya dahil sa sobrang sakit at sama ng loob na nararamdaman ko.

Anak akong na turingan pero ni minsan hindi niya ako minahal gaya ng pagmamahal niya do'n sa isa niya pang anak. Yung anak nila ng kabit niya.

"Yes, you gave me and Jeannie everything we ever wanted. But did you even ask us if we want this?. Hindi naman diba?!".

Naiiyak na 'ko but i had to fight back the tears.

Kailangang ipakita ko kay Daddy na hindi na ako iiyak kagaya ng dati, ng masira ang pamilya namin ng dahil din naman sa kagagawan niya.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Where stories live. Discover now