Chapter 3 [Bingo]

17 1 0
                                    

[Bingo]


"Vans, dalian mo!"

"Wait!" sigaw ko , sa pangatlong beses, galing sa loob ng kwarto at mas lalong nagmadali. Ito kasing si Ysa nagmamadali. Dito ako nag-stay the whole weekend at Monday na ngayon at papasok na kami. Ewan ko ba kung bat siya excited samantalang dati naman siya yung minamadali ko at pinipilit ko pa nga siya para pumasok.

Pagkalabas ko, huminga siya ng malalim. "Hay, sa wakas."

Inirapan ko naman siya. "Di naman ako matagal eh. Sadyang nagmamadali ka lang."

Tumango-tango siya. "Yep, you could say that. Tara na."

"Jeep, bus, o taxi?" tanong ko nung makalabas kami sa building.

"Jeep. Ang gastos naman kapag taxi tapos baka kung saan pa tayo dalhin. Tapos ayoko nang mag-bus kasi na-realize ko mas malayo pala yung lalakarin tapos ang lagkit din. Last week pa ko nag-umpisang mag-jeep."

"Okay! Masaya naman eh," masigla kong sabi. Madalang lang talaga kaming mag-taxi. Kapag nagmamadali lang o kapag punuan yung bus. Siya naman ayaw ng nagji-jeep kasi nga parang Hunger Games-patayan. Kaya bus talaga. Pero yun nga, na-realize niya ring okay rin naman yung jeep.

Napa-ooh ako sa isip ko nang maisip kung bakit siya nagmamadali. Gusto niyang maaga kaming makapunta sa sakayan para di kami mahirapang sumakay.

Luckily, hindi pa ganun karami yung tao kaya nakasakay kami agad sa maluwag na jeep at nakarating sa school na hindi nagmumukhang hindi naligo.

Sa cafeteria muna kami dumiretso na talagang routine na namin. Habang kumakain ng sandwich, nagkwentuhan lang kami hanggang sa, "Wait lang, Vans," paalam niya.

"Sige lang," sagot ko naman.

Umalis siya, only to be replaced by Rafael. Pinigilan kong mapanganga kahit nagulat talaga ako na umupo siya sa harap ko. Nakakahiya naman kasi kung pagkagwapo-gwapo ng nasa harap ko tapos nganganga lang ako. "Rafael! H-Hi," halos pabulong kong sabi.

HALA! Ano bang nangyayari sa akin? Nagta-transform na ba ko sa duwende? Bakit ganun yung boses ko?

Bahagya siyang tumawa. "Hello," bati niya. "Here," sabi nito saka inabot ang isang box ng milk na lagi kong iniinom.

"Ah, salamat," nakangiting sabi ko. "Anong oras yung klase mo?" tanong ko.

"Mamaya pang 9 am," sagot naman niya.

Tumango naman ako. "Ah, mamaya pa pala. 8 am unang klase ko eh."

"I see. So, 20 minutes nalang." Tumango lang ulit ako tapos natahimik kami pero biglang siyang nagsalita. "I like you," diretsong sabi nito.

Nanlaki ang mata ko kasabay ng pag-ubo ko. "Ack! Tubig!" natatarantang sabi ko. Feeling ko nahigop at nalunok ko yung table na nasa harap ko kahit na yung sandwich lang naman talaga yung dahilan kung bakit ako nabulunan.

"Ito," natataranta ring sabi ni Rafael. "I'm really sorry. I wasn't thinking. I'm sorry," paulit ulit na sabi niya.

Ininom ko naman yung tubig na inabot niya sa akin kahit pa di ko alam kung kaninong water bottle yun. Pero cute yung design. "Okay lang, okay lang," sabi ko naman nang mahimasmasan na. "I just... didn't see that coming."

He smiled. "I know. I mean, simula nung nag-high school tayo, hindi na tayo laging nag-uusap. Kaya ang weird siguro para sabihin ko yun but I swear, it's true."

Dreamers and ThievesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon