Chapter 12 [A Promise]

7 1 0
                                    

[A Promise]

-

October 19, 2014

Kagaya ng madalas nasa isip ng mga babaeng ikakasal, 'OMG! OMG!' rin ang gusto kong isigaw.

Hindi kasi ako makapaniwala. Sa fact na ikakasal na ako at sa fact din na ang taong papakasalan ko ay halos kapareho ko at siya ring tao na naglayo sa akin sa buhay na kinalakihan ko.

Pangatlong araw na ngayon makalipas nung nakidnap ako. At bukas, birthday na ng best friend ko. Sadly, wala ako doon pero alam ko naman na hindi na siya papabayaan ni Steven.

"Nakoooo! Finally, ikakasal na rin ang anak ko! May narating din siya sa buhay! Siguro mas mabuti kung ipa-dyaryo natin 'to!"

"Tita! Wag na po. Mas maganda po siguro kung magiging exclusive nalang 'to sa family niyo at sa ibang friends ni Kent," pakiusap ko. Ayokong malaman ng pamilya ko, not now.

"Oo nga, hija. Tama ka, sorry. Sige na, magpa-makeup ka na diyan! See you later! Mwah!" Nag-flying kiss si Tita at lumabas na ng kwarto.

Kinakabahan ako. Ngayon na yung kasal. Too fast. Ilang araw palang kaming magkakilala ni Kent. Pero yun naman talaga ang plano eh. I just hope na maging mabuting asawa siya.

Si Rafael kaya kamusta na? Ang sama ko naman. Hindi man lang ako nakipag-break sa kanya bago ako magpakasal. Hay. Hindi ko naman kasi alam kung paano.

Naisip ko lang, ang galing ni tita. Naayos niya yung marriage contract and stuff nang hindi nalalaman ng ibang tao. I mean, syempre hinanap ni tita ang records ko. Pwede yung ma-trace ng mga pulis pero hindi nangyari. Psh. Tita is just simply powerful as well as tito.

"Ayan, Miss Vanessa! Sobrang ganda niyo na po. Bongga! Tara na po, magbihis na kayo," sabi nung isang stylist. Binihisan na nila ako at nang matapos, inakay nila ako palabas ng kwarto. Nakita ko naman si Tom na naghihintay sa labas. Si Tom ay best friend ni Kent. Isa siya sa mga kumuha sa akin. Siya yung nag-offer ng panyo noon.

Inilahad niya ang kamay niya at inabot ko naman ito. Inalalayan niya ako pababa ng hagdan hanggang sa garden. Nakarating kami sa garden na siyang malapit naman sa pool area. Oo nga pala. Dito lang sa bahay ni Kent gaganapin yung kasal namin. Sa may garden, to be exact. Gaya nga ng sabi ko noong una, malaki ito.

Tumingin ako sa paligid. Napaka-magical ng lugar. Konti lang yung tao. Siguro 15 lang kaming lahat dito. Pero nafi-feel ko ang suspense ngayong gabi.

"Good luck, Vanessa. Alam ko, sooner or later, Kent and you will build a happy family. Soon, you will love each other. God bless," mahinang sabi niya.

Nginitian ko siya. "Thank you, Tom."

Binitawan na niya ako. Nag-umpisa nang tumugtog ang kantang Out of My League at mag-isa na rin akong naglakad sa red carpet na nakalatag sa damuhan. Nakita kong nag-thumbs up sila tito at tita sa akin. Ngumiti naman ako.

Nang makarating ako sa harap ng altar, marahang kinuha ni Kent ang kamay ko. "You look so wonderful," nakangiting sabi nito.

"Thank you," sambit ko. Medyo nagulat ako sa sinabi niya kaya nagpasalamat nalang ako.

Nag-umpisa na ang mahabang ceremony at dumating na sa pinakahihintay ng lahat. Ang pagpapalitan ng vows.

"I, Kent Angelo Cervantez, take you Vanessa Mortiz, to be my wedded wife. To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness or in health, to love and to cherish 'till death do us part. And hereto I pledge you my faithfulness." Sinuot niya sa akin yung singsing.

Dreamers and ThievesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon