Chapter 10 [The Reason Why]

9 1 0
                                    

[The Reason Why]

-

"Miss. Gising. Uy miss."

"Mmmm..." Gusto ko sanang sabihin na inaantok pa ako pero hindi ko naman nasabi. Wala na akong paki dahil nga pakiramdam ko antok na antok ako. Siguro nga ay lalagnatin pa ako dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Agad akong napadiretso nang maramdaman ang pagsaboy ng tubig sa mukha ko. "Hah! A-anong nangyayari? Teka?! Sino kayo?" Gulat na tanong ko pagmulat ko. Ano bang nangyayari?

Panandalian akong nag-isip hanggang sa maalala ko kung ano yung nangyari kanina. Ay shet! Kinuha nga pala ako ng mga walang hiyang to! Muli ko silang tinignan. "Hoy kayo! Ano bang kailangan niyo sa akin?! Utang na loob! Hindi ako mayaman, okay? Wala kayong makukuha sa akin! Nagkamali pa ata kayo ng kinidnap! Mga adik kayo! Mahirap lang ako! Pakawalan niyo ko dito! HOY!"

"Miss, walang magagawa yang ingay mo. At... Hindi namin kailangan ng pera mo," paliwanag noong isa. 

Inusisa ko naman siya pati yung dalawa pa. Nilibot ko rin ang tingin sa lugar kung nasaan kami. Oo nga naman. Mukhang di naman nila kailangan ng pera. Wala naman kami sa abandonadong building. Nasa loob kami ng isang palasyo este malaking bahay. Tapos yung mga kidnappers pa, mukhang di naman naghihirap. Maaayos naman ang itsura nila. Masama nga lang ang ugali.

Kung hindi nila kailangan ang pera ko, eh ano? Oh, Diyos ko! Baka tama ang inisip ko kanina!

Mangiyak-ngiyak na ako nang tignan silang muli. "Eh ano?! Wag mong sabihing organs ko ang kailangan niyo! Maawa kayo! Masama ang ginagawa niyo. Marami pa kayong pwedeng gawin para mabuhay. Wag na kayong pumatay para lang magbenta ng organs ng iba! Please lang, please," pagmamakaawa ko at tuluyan nang naiyak. Iniwas ko nalang ang tingin ko.

Karimarimarim na mga imahe ang tumatakbo sa isip ko. Ayokong mangyari ang ganun sa akin! Hindi pa ako handang mamatay!

"Miss, wala kaming pinplanong ganun. Ugh, asar," komento nung isa.

Muli akong napatingin sa kanilang tatlo. Sa paraan ng pagsasalita nung isa, parang hind lang siya basta-bastang tao. Kumbaga, tingin ko naman ay may pinag-aralan siya at hind siya naghihirap. 

Biglang nagsalita yung isa na kanina pa tahimik. "Mukha ba kaming legit kidnappers?" kamot ulo nitong tanong saka hinagis sa akin ang isang panyo. 

Kinuha ko naman yun gamit ang mga kamay ko na nakatali sa harap ko. Pinunasan ko yung luha ko kahit na alam kong may tutulo pa ulit. 

"Hindi namin kailangan ng pera mo o kahit ng organs mo," dagdag niya pa.

Napakunot naman ang noo ko. Eh ano ba talagang kailangan nila sa akin? Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong nakaisip ng isa pang posibleng rason. 

"Ang pagkababae ko?! Yun ba ang kailangan niyo? Ohmygod, please wag. Please. Wag ako!" sigaw ko sa kanila. Sinubukan kong kumawala pero imposible naman akong makawala dahil sa nakatali kong kamay at paa. Yung bewang ko naman ay nakatali sa upuan.

Nagtinginan lang sila saka naglakad papunta sa sala. Binuksan nila ang TV at yung isa naman ay may pinuntahan pa tapos pag balik niya, may dala na siyang pagkain. 

Hindi sila nag-react sa sinabi ko! Ibig sabihin yun nga ang plano nila. Naisipan kong mag-ingay para mainis sila. Mas gugustuhin ko nalang na patayin nila ako kaysa babuyin. Pero alam kong hindi magtatagal ay mawawalan ng saysay ang boses ko dahil malamang papasakan nila ako ng panyo sa bibig.

Pero hindi iyon ang nangyari. Sa gitna ng pagsigaw-sigaw ko, bigla akong tinignan nung isa sa kanila. Akala ko nga may balak na siyang saktan ako pero umirap lang ito saka sinabing, "Tumahimik ka na. Ang lawak ng imagination mo! Wala kaming gagawing masama sayo. Period. Wag ka nang umiyak. Basta tumahimik ka nalang." Saka siya bumalik sa panonood ng TV.

Dreamers and ThievesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon